Friday, January 22, 2016

Bestida

Someone shared this on Facebook at todong na-touch ako sa kwento ng ating tatlong ancestors - Nanay Dory, Lucy and Lola Monching. Sa una ay maaawa ka at hihilingin na sana ay hindi matulad sa kanila pagtanda. Nang matapos ko ang palabas, hindi pala awa ang dapat kong maramdaman kundi paghanga. Tumanda man silang hindi mayaman, at least, hindi pahirap sa bansa na nauwi sa pagiging kriminal. Puno ng karanasan na para bang kay sarap mapakinggan.

Nanay Dory
I was into Nanay Dory's story. Siya ang pinakamatanda (98 years old) at pinaka-fabulous sa tatlo. Marunong gumupit, mangulot, magkulay ng buhok hanggang sa paggawa ng bonggang gowns ay kayang-kaya niya. I looove the ruffles sa kanyang bestida! Grabe din ang sakripisyo niya sa buhay pag-ibig. Pinag-asawa ng babae ang kanyang jowa dahil iyon daw ang tama. Kung 'yung iba sa atin ay halos bastusin na ang iba't ibang relihiyon maipaglaban lang ang gender identity o sexual orientation (sorry, I'm not the right person to discuss this dahil kailangan ko pang mag-SOGIE), heto ang isa nating kalahi na mas nanaig ang paniniwala sa Bibliya. Biglang pasok ang soundtrack mala-Noel Cabangon. Naiyak ako sa part na 'yan. SYET!

Ang dami kong natutunan sa istorya nila - the sacrifices, the dark experiences, the blossoming of their hearts and the struggles of being a beki. We can never tell the future but one thing is certain, we will remain who we are kahit tadtad na tayo ng fine lines at age spots. What matters is we gain in life so we can inspire others. 

Thanks, Lucy, Lola Monching and Nanay Dory.

8 comments:

  1. comment lang ako. i will never watch the video. ewan parang bad vibes sa akin yung kwento mo pa lang. yung mga ganyan na story parang nakakababa ng nararamdaman, ill do my best na wag maging gaya nila (again,nabasa ko lang sa isinulat mo ateng). thank you so much and mabuhay!

    ReplyDelete
  2. Ang arte animal! Uso mag tagalog teh!

    ReplyDelete
  3. sablay yung pag iingles pero nagets ko naman ang ibig ipahiwatig ni ate. makibaka! wag matakot! charot!

    ReplyDelete
  4. I oughtta watch this : )

    ReplyDelete
  5. Nakaka-senti mode naman. Thanks for sharing anyway.

    ReplyDelete
  6. Miss M, naiyak ako. Lalo na after watching the documentary proper then playing the MV. Salamat for sharing this. Ganito ba talaga ang iginuhit sa ating tadhana... "Baka hanggang pamamaalam, alaala nalang?". So pag mawawala na tayo sa mundong ito, we will just be a memory of a person who once walk in this world. Nothing more. :( I have read somewhere na to achieve immortality, you either sire a child, plant a tree or write a book. Guess we better start a forest. Or write an encyclopedia.


    On another note, the documentary paints our sad and miserable future reality. Let's admit it. We should stop f*cking ourselves with the dream that a prince charming will come. Iilan lang ang maging swerte sa atin na makakakita ng ating "the one". We will grow old (and die) alone in the hands of our kapatids, nephews/nieces or home for the aged. And they might love us pero iba pa rin yung may asawa at anak. Aminin.

    Oh Miss M and dear ka-kusas, console me in this misery :((( Thank you, *juan_uwagan*

    ReplyDelete
  7. mag-enroll ka sa summer class teh. ako prof mo. masaya promise! --mc

    ReplyDelete