Sunday, May 29, 2016

Dalawang Letra

Salamat naman at natapos na ang bilangan ng boto sa kongreso. Tulad ng partial at unofficial tally, sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo ang nanalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo. Sila ang mamumuno pagdating ng ikalawang bahagi ng 2016. Siyempre, ampalaya tea si BBM dahil dikit ang laban nila ni Leni. Lagpas 200K ang lamang. Iginagalang daw nila ang resulta pero hindi titigil at maghahagilap ng ebidensya ng dayaan. K.

Excited na ako sa tag-ulan bilang naka-quota si haring araw sa pagprito at pagtusta sa atin. Wit ko na maantay na bonggang mabasa muli ng panahon. 

At kahit na anong panahon man, hindi nito mapipigilan ang mga patimpalak ng paseksihan. Tulad ng Heatwave Bikini Showdown ng Starmall na sa June 4 ang grand finals. Sa Las PiƱas branch ito gaganapin ang sila ang mga otokong kasali...

Bet ko 'yang sina JC at EJ huh! Parehas pa na dalawang letra lang ang pangalan. Speaking of dalawang letra, pahamak 'tong graphic artist na nag-layout ng photos. Ginawang female ang mga male finalist. NAKAKALOKA! Kung advertisement 'yan sa dyaryo, malamang todong nag-init na ang ulo ng kliyente sa palpak na trabaho. Lugi ang negosyo. 'Di bale, alam naman naming mga matitipunong lalaki sila hihihi!

You can actually vote for your fave at malay niyo, manalo siya ng People's Choice Award. Paano? Click niyo lang dito.

1 comment:

  1. Ke gagandang "Female Finalist" naman nyang mga yan. Bobo lang yung graphic artist? O mas bobo yung proofreader? Ketatanga!

    ReplyDelete