Sunday, May 8, 2016

Sobra

Mr. Palengke days pa lang ni Mar Roxas ay bet ko na siya. Although he is not impressive during Yolanda days, I appreciated the fact that he was there to immediately know what happened. I can't blame him for the havoc brought by the typhoon. That's mother nature. Sino ba ang sumisira ng kalikasan?

Araw-araw, disappointed ako sa MRT. Sobrang haba ng pila tuwing rush hour. Sobrang tagal ng interval bago ka makasakay. Sobrang siksikan. Sobrang bagal ng tren sa kalumaan. Hindi consistent ang aircon. Minsan, parang nananadya pa na masisira kung kailan nagmamadali ka. Pawisan ka na, late ka pang darating ng opisina. Hindi rin ito senior citizen-friendly dahil palaging sira ang escalator at elevator. Hirap sa pag-akyat sina lolo at lola. Nakakaawa. DOTC, ano bang problema?

Sa tuwing nakakakita ako ng batang namamalimos, hindi pwedeng hindi madurog ang puso ko. Ginagawang playground ang kalsada. Nakikipagpatintero sa mga sasakyan. 'Yung mga sumisinghot ng solvent, walang takot na ginagawa ito sa gitna ng kalsada, sa katirikan ng araw. Asan ang gobyerno? Si PNoy ba ang dapat kong sisihin o ang lokal na pamahalaan?

At one point, na-torn ako between Miriam, Mar and Duterte. Okay lang kahit sino sa kanila. I know Miriam will be a good president. Kung nanalo siya noon, ibang-iba siguro ang Pilipinas ngayon. Duterte is very charismatic. He's like a strict dad na may humor. Hindi ako makakapag-komento sa kung ang naging pamamalakad niya sa Davao dahil nunca pa akong nakarating doon. Pero kung disiplina at pagpuksa sa masasamang loob ang pangako niya, go ako diyan! Very vocal din siya sa pagsuporta sa LGBT community. 1000 pogi points for him.

Now, why am I voting for Mar? Dahil meron siyang kongkretong plano para sa Pilipinas. Hindi bara-bara sa tuwing kinakausap ng media. Alam niya ang kanyang sinasabi sa tuwing may itinatanong na isyu. He is not perfect just like the other candidates. Pikon nga, dee vaahh? But I believe he is decent enough to become our president. Walang bahid kurapsyon. Importante 'yon.

Bakit ba lagi siyang tinitira sa social media? Dahil siya ang pambato ng administrasyon. At sa tuwing feeling natin eh kasalanan ng gobyerno kung ano ang nangyayari sa atin, sila ang ating sinisisi. Have you asked yourself kung kasalanan lang ba nila? Tayo ba, wala?

I may not sound convincing, but my vote goes to Mar.

3 comments:

  1. Good reasons and wise choice.

    ReplyDelete

  2. Smart and intelligent vote.... Mar is the best choice and my only choice for President....RoRo for the win!

    (First time to comment here but I follow your blog. I'm based here in the US and I plan to meet you when I go home for vacation. Kahit lipstick lang na pasalubong to a blogger who makes me smile when I read your post. God bless you!)

    ReplyDelete
  3. Good decision teh.

    ReplyDelete