Monday, January 23, 2017

Artikulo

Ang lamig tuwing umaga, mga 'teh! Ang sarap humilata sa kama magdamag, yakapin ang unan at magtago sa kumot. Pero Lunes ngayon kaya dapat lang bumangon para pumasok sa eskwelahan o trabaho. Kung talagang inaantok pa, hatakin ang mga tiil sa banyo at maligo na. Ewan ko na lang kung 'di kayo magising sa todong lamig.

Ako lang ba o ramdam niyo din ang pananamlay ng magazine industry? Parang wala na masyadong tumatangkilik ngayon ng glossy pages of FHM, Cosmopolitan and the likes. 'Yung ibang articles kasi, minsan nauuna pang ma-post sa social media kaya nabasa na agad. 'Yung ibang readers naman, namamanata na sa blog ni Mocha. CHAROT!

Nag-post itong pinakamamahal kong si Mike Concepcion about Northern Living magazine kung saan cover siya. Parang sinilihan ang pechay ko pagkakita. "I NEED TO GET A COPY!" sabi ng isip ko. Teka, all caps 'yan kaya dapat sigaw. Ganun!

Bilang budget diva, una kong niresearch kung magkano ang isang kopya. Sa lahat ng magazine na nilabasan ni fafah Mike, halos umiyak ang butas kong bulsa. Ngunit subalit datapwat mahal ko siya, tiniis ko ang lahat, makabili lang. WOW! Ang heavy ko 'dun. Laking galak ko nang malaman na walang babayaran. All I need to do is to grab a copy sa Fully Booked. Talaga ba? Ma-try nga.

Rampa akiz sa TriNoMa after ng shift at laking galak ko nang sabihin ni atey kahera na libre talaga. BONGGA! Grab talaga ako ng kopya at agad ninamnam ang bawat letra ng artikulo. Halos malaglag ako sa overpass ng TriNoMa sa mga cute photos ni baby. Baby daw oh! 


Diyan nagtatapos ang pampa-good vibes na kwento ko.

MAGANDANG UMAGA!

Saturday, January 21, 2017

Magaan

Kung nabasa niyo sa mga nakaraang posts ko, nabanggit ko ang mga ketay na Oppo at Huawei. Sumali kasi ako sa pa-contest nila pero wit akez nagwinnerva. Keri lang dahil ganun talaga ang life, you can't win it all. Ang mahalaga eh 'di ka mag-dwell sa nangyari.

"Pinaasa niyo lang ako. CHOS!"
Buti na lang at may nakita akong post sa FB na naghahanap ng phone model na katulad nung sa akin. Matapos ang tawaran portion, nagkasundo kami na bibilhin niya ang Xiaomi Mi 3W ko sa halagang 4.2K pesosesoses. Nag-EB kami sa SM North at kinalikot ang ketay bago iabot ang paylet. Eh hindi ko alam kung nabura ko lahat ng files ko kasama na ang sexy photos ko kaya sabi ko kay kuya...

"Kapag may nakita kang files ko, pakibura na lang."

Napa-nga-nga pa siya nung narinig 'yan. Siguro alam na niya ang sinasabi ko. Hindi pa naman ako lumalabas sa RapBeh.com kaya feeling ko, wala akong naiwang bakas sa cellphone ahahaha!

Search ako agad sa internet kung anong affordable phone ang pwede 7K below. 'Yan lang kasi ang budjey ko. Eks na sina LG, Huawei, Oppo at Samsung. Ending, si Xiaomi pa rin ang nagwagi. Redmi Note 3 ang nagetlak ko sa halagang 6.7K sa Lazada. May nahagilap akong voucher sa FB kaya nag-less 200php pa. Panalo! Manggagaling pa sa Hong Kong ang order ko kaya mag-antay daw ako hanggang katapusan para matanggap itez. Tiis lang muna at magtiyaga sa basic phone.

Habang sleeping byuti ako nung isang araw, may kumatok sa gate at hinahanap akez. Aba! Dumating na agad ang order, 2 weeks earlier than expected. BONGGA! I so love the very fast delivery.

At dahil bago na ang ketay ng lola niyo, expect na marami na akong mashe-share sa inyong moments in our lives. I'll try to be active again because I know some of you are waiting for my posts. I'm still grieving but I guess, writing will help me to recover from this. I know it will take time, but as long as andiyan kayo mga ateng kasama ng pamilya at kaibigan ko... magiging magaan ang life.

Wednesday, January 11, 2017

Damdamin

2016 was a rough year to me.

January. I remember accompanying La Mudra to the hospital for her regular check up. Mataas ang sugar level niya. We don't want Insulin, we just want medicine intake. Takot si mama sa turok at ako... takot sa laki ng gagastusin. I never thought na mas lalaki pala ang problema.

Good Friday, nag-Visita Iglesia ako. Pag-uwi ko, wala si La Mudra. Galing sa ospital, nagpa-emergency dahil sa sama ng pakiramdam. Gusto na siyang i-prepare sa dialysis pero humindi siya. Binili ko na lang lahat ng gamot na inireseta sa kanya. Pero patuloy ang pagmanas ng mukha niya at pamumutla. Pa-check up ulit. No choice kundi magpatingin sa Nephrologist. 

Buwan ng Mayo nang ma-ospital siya sa UST. Napababa naman ang creatinine (toxic sa dugo) na sanhi ng kanyang pamumutla at ipinayo na maghanda na kami para malagyan siya ng access for dialysis. We decided to have a 2nd opinion sa National Kidney Hospital. 'Yun din ang payo.

June. Na-operahan si La Mudra sa braso for the access at sa leeg dahil need na i-emergency dialysis. Pumila ako sa PCSO at iba't ibang pulitiko para manghingi ng tulong.

July. Tuloy lang sa paghingi ng tulong. Lahat gagawin ko for the most important woman in my life. Tuloy din sa pagdasal. Nagmamakaawang pagalingin siya at 'wag munang kunin. July 19, na-stroke si Mama habang dina-dialysis. Sa awa ng Diyos, agad siyang naka-recover dito.

August. Imbes na gumanda ang pakiramdam, mas lalong nanghina si Mama. Nadagdagan ang sakit niya dahil sa hemorrhoids. Naisugod sa ER pero pinauwi lang kami. Niresetahan ng ointment. Katulong ko ang aking pamangkin sa pag-aalaga at pagbuhat kahit saan kami magpunta.

September. Nagpayakap ako kay Mama. Hirap na hirap na daw siya. 

October. Hindi na siya halos kumakain. Kahit anong bilhin at iluto namin na gusto niya, tinitikman lang niya. Ang sakit sa puso na makita siyang namamayat.

November 8. Pinakamadilim na araw sa buhay ko. Tuluyan na siyang kinuha ng langit. Walang kasing sakit. Hindi kayang isulat ang sakit na naramdaman ko.

***

Sa tuwing nagsisimba ako, naiiyak ako. Kapag maisip ko lang si mama, kahit saan ako abutan ay naluluha ako. Tatlong beses ko na siyang napapanaginipan. Sa tuwing maiiyak ako sa panaginip, nagigising ako. Parang sinasabi niya na ayaw na niya akong umiyak. 

Sa kapatid ko muna nag-Pasko at Bagong Taon ang pamangkin ko. Mas pinili kong magtrabaho. Baka kasi magsuot ako ng gown gawa sa sinturon ni hudas at koronang gawa sa Goodbye Philippines. CHAROT!

There are so many times na naisip ko nang itigil ang pagsulat. Wala na naman akong bagong maibahagi sa inyo. Baka na-outgrow ko na rin ito at iba na ang gusto kong gawin. Pero sa kaloob-looban ng damdamin ko, gusto ko pa rin itong ituloy. Hindi man ako kasing aktibo at kudaera tulad ng dati, I will still write. Because I want to. Because this place is already part of me. 

Thanks for sticking with me through thick and thin, mga ateng! Even though I'm eleven days late...

HAPPY 7th YEAR ANNIVERSARY, 
TODO SA BONGGA!