Wednesday, January 11, 2017

Damdamin

2016 was a rough year to me.

January. I remember accompanying La Mudra to the hospital for her regular check up. Mataas ang sugar level niya. We don't want Insulin, we just want medicine intake. Takot si mama sa turok at ako... takot sa laki ng gagastusin. I never thought na mas lalaki pala ang problema.

Good Friday, nag-Visita Iglesia ako. Pag-uwi ko, wala si La Mudra. Galing sa ospital, nagpa-emergency dahil sa sama ng pakiramdam. Gusto na siyang i-prepare sa dialysis pero humindi siya. Binili ko na lang lahat ng gamot na inireseta sa kanya. Pero patuloy ang pagmanas ng mukha niya at pamumutla. Pa-check up ulit. No choice kundi magpatingin sa Nephrologist. 

Buwan ng Mayo nang ma-ospital siya sa UST. Napababa naman ang creatinine (toxic sa dugo) na sanhi ng kanyang pamumutla at ipinayo na maghanda na kami para malagyan siya ng access for dialysis. We decided to have a 2nd opinion sa National Kidney Hospital. 'Yun din ang payo.

June. Na-operahan si La Mudra sa braso for the access at sa leeg dahil need na i-emergency dialysis. Pumila ako sa PCSO at iba't ibang pulitiko para manghingi ng tulong.

July. Tuloy lang sa paghingi ng tulong. Lahat gagawin ko for the most important woman in my life. Tuloy din sa pagdasal. Nagmamakaawang pagalingin siya at 'wag munang kunin. July 19, na-stroke si Mama habang dina-dialysis. Sa awa ng Diyos, agad siyang naka-recover dito.

August. Imbes na gumanda ang pakiramdam, mas lalong nanghina si Mama. Nadagdagan ang sakit niya dahil sa hemorrhoids. Naisugod sa ER pero pinauwi lang kami. Niresetahan ng ointment. Katulong ko ang aking pamangkin sa pag-aalaga at pagbuhat kahit saan kami magpunta.

September. Nagpayakap ako kay Mama. Hirap na hirap na daw siya. 

October. Hindi na siya halos kumakain. Kahit anong bilhin at iluto namin na gusto niya, tinitikman lang niya. Ang sakit sa puso na makita siyang namamayat.

November 8. Pinakamadilim na araw sa buhay ko. Tuluyan na siyang kinuha ng langit. Walang kasing sakit. Hindi kayang isulat ang sakit na naramdaman ko.

***

Sa tuwing nagsisimba ako, naiiyak ako. Kapag maisip ko lang si mama, kahit saan ako abutan ay naluluha ako. Tatlong beses ko na siyang napapanaginipan. Sa tuwing maiiyak ako sa panaginip, nagigising ako. Parang sinasabi niya na ayaw na niya akong umiyak. 

Sa kapatid ko muna nag-Pasko at Bagong Taon ang pamangkin ko. Mas pinili kong magtrabaho. Baka kasi magsuot ako ng gown gawa sa sinturon ni hudas at koronang gawa sa Goodbye Philippines. CHAROT!

There are so many times na naisip ko nang itigil ang pagsulat. Wala na naman akong bagong maibahagi sa inyo. Baka na-outgrow ko na rin ito at iba na ang gusto kong gawin. Pero sa kaloob-looban ng damdamin ko, gusto ko pa rin itong ituloy. Hindi man ako kasing aktibo at kudaera tulad ng dati, I will still write. Because I want to. Because this place is already part of me. 

Thanks for sticking with me through thick and thin, mga ateng! Even though I'm eleven days late...

HAPPY 7th YEAR ANNIVERSARY, 
TODO SA BONGGA! 


12 comments:

  1. Belated condolences. So sorry for your loss. I'm sure it will take time to recover from this but time is a great healer and you have wonderful memories of your Ma to hold on to. I'm sure your Ma would want to see you happy again. Be strong.

    ReplyDelete
  2. Ramdam ko ang pait at pighati na iyong naranasan Ms. Melanie. Although di ako nakadating sa wake ni La Mudra mo dahil sa work ay ipinararating ko pa din ang aking taus pusong pakikiramay. Keep on writing pa din Ateng , it will help you keep busy and heal the wounds much faster. God bless you always.

    ReplyDelete
  3. My deepest condolences Bb. Melanie. It breaks my heart to know that your mother had passed away. I cried while reading this article. I salute you for being a brave, kind, loyal and dedicated son/daughter to your mother. I know how very hard for you to loose a mother, sabi mo nga hindi kayang isulat ang iyung nararamdaman. But I know, inspite of this sad moment in you life, you need to move on and life goes on. Everything is temporary in this world and we need to make use of this life in a way we want it to be. Again Bb. Melanie, my condolences to your mother and God bless you always.

    ReplyDelete
  4. Nakakalungkot at ramdam ko ang lungkot na mawalan ng Ina. Naranasan ko rin ang mga pinag daanan mo kaya ng mabasa ko ito ay ramdam ko ang kalungkutan mo. I'm still grieving after 3 years when my mother passed away.

    Halos araw araw kong binisita ang blog mo. Mabuti naman at nakabalik kana. Maraming salamat kasi marami kang napapasaya sa pagsusulat mo. I wish you well Bb. Melanie!

    ReplyDelete
  5. My deepest condolences Bb. Melanie. May you find comfort in knowing that your mother is in heaven now.
    Thank you for writing again.

    ReplyDelete
  6. Sorry to hear of your loss. My sympathy and condolence to your family.

    ReplyDelete
  7. Condolence Bb Melanie...ganyan din ako namatay nanay ko Sq diabetes. ..naputulan pa nga ng paa ang mama ko pero 1 year lang din Tina gal nya..at lest ngaun di na sya naghihirap at nkasama mo syang matagal tagal ako 16 years old pa lang ng mamatay..neneng nene pa...muli ang a king pakikiramay

    ReplyDelete
  8. Sincere condolences to you. I lost a dear loved one also last November. But I try to remember that she is better wherever she is now. Stay strong. And yes, keep writing.

    ReplyDelete
  9. Ay teh namiss ko mga post mo bgla kong naisipan itype sa google ngayon..nagulat ako condolence nga pala for your lost...tuloy pa rin ang buhay diba kahit ano mngyare..rampa na agad..miss U fever ngayon kelangan namin mga opinion mo sa mga dilag...

    ReplyDelete
  10. Condolence bb. Melanie.

    ReplyDelete
  11. Maraming salamat sa pakikiramay, mga ateng! Kisses and hugs to all of you xoxo

    ReplyDelete
  12. Ngayon ko lang nabasa condolence melanie, masakit talaga mawalan ng family my father died 2015 heart attack and my tita which is very close to our family died from lupus just last January. Ganun talaga buhay no permanent, accept na lang natin we are created by god that way, we need to moved on and continue our life, I work as cna in a nursing home here in California most of the time I take care dying patient under hospice care I cannot count how many die in my eyes you will felt their suffering and agony very frustrating.

    ReplyDelete