Sunday, March 26, 2017

Tungkulin

Tanong lang:


Ano ang una niyong napansin sa mag-asawang Pacquiao?

BTW, 'yung nasa gitna ay asawa ni Solenn Heussaff (daming double letters) na si Nico Bolzico. Ginetlak ko ang larawan na 'yan sa IG account niya. Follow niyo siya because he is so funny. Good vibes ang photo captions at hashtags niya.

Mabalik tayo kay Manny Pacquiao. Siguro ay napanood niyo na ang batuhan nila ng linya ni Sen. Franklin Drilon sa senado. Parang Maricel Soriano at Zsa-Zsa Padilla ang peg. Kung hindi pa, eto at namnamin ninyo...


Nakangiwi ako habang pinapanood 'yan. Kitang-kita ang pagkakaiba ng dalawang senador. As usual, may tagapagtanggol si Manny. Daming fans niyan noh! Kesyo ang tagal na daw sa senado si Drilon at walang nagawa samantalang ang Pambansang Kamao, marami nang natulungan at nagbigay karangalan pa sa bansa. Ang akala yata nila sa senado eh charity. 

Tapos may consultant o staff pa yata si Manny sa tabi niya na ewan kung nagdidictate o nagtuturo ng kung ano ang sasabihin. Hindi tuloy niya matapatan ang kuda ni Drilon. Ganitey na lang, kung ako eh nangangarap magsilbi sa bayan at pagiging senador agad ang dream ko, I will evaluate myself if I'm fit for the post. ABA! Hindi naman pwedeng bet ko lang idikit ang title na Senator sa pangalan ko pero nganga naman sa trabaho. Sayang ang kaban ng bayan sa akin. May pork barrel pa naman na nakalaan sa mga proyekto ko. Kung wit pa akez handa, well, magpupursige ako na mag-aral hanggang sa ma-achib ko ang confidence na keri ko na gawin ang mga tungkulin. Well, hindi ako si Manny at si Manny ay hindi ako. Wish ko lang para marami akong andalusha pambooking. CHAROT!

Thursday, March 23, 2017

Napagsawaan

Kakajuwelay ko lang from watching Beauty and the Beast at muli, napaiyak ako ng isang live-action Disney movie. Although mahalya fuentes na ang sine ngayon (270 php), sulit naman ang paylet dahil sobrang ganda ng pelikula. 4:50 PM nagsimula ang palabas at todo sa dami ng tao ang Trinoma Cinema 7 na malaki compare sa ibang cinemas nila.

Witchells ko na maremember kung napanood ko ba ang animated version nito. 'Di ko kasi bet si Prince dahil mamaw unlike kay Cinderella at Snow White na typical prince charming. Speaking of Snow White, sana ito na ang isunod ng Disney o 'di kaya Little Mermaid.

Perfect sa role si Emma Watson although minsan, may energy gap siya sa ibang eksena. Need niya ng Milo ni James Reid. CHAROT! Pinakamagaling umarte itong si Luke Evans as Gaston tsaka 'yung alalay niya na si LeFou. Ginawa namang malaking issue 'yung gay role niya. Buti na lang at pro-LGBT 'tong Disney at mas embracing na sa tulad natin. Sa mga anti diyan, hindi niyo na maiaalis ang eksenang 'yon. 'Wag niyong panoorin kung 'di niyo ma-take. GANOOON! 

Nung nag-transform na ulit 'yung mga kasangkapan to human being, shock akiz kasi andun pala si Magneto ng X-Men movie series. Siya 'yung gumanap na orasan. I LUV ET! Baka manalo din ng award sa computer animation ang pelikula kasi bongga talaga ang effects. Naalala ko 'yung Breaking Dawn movie sa fox scenes ni Belle. May pagkakatulad siguro dahil pareho ng direktor.

Pinaka-paborito kong eksena: ang transformation ni Beast. Ang wafuuu ni Dan Stevens. Natunaw ang panty ko nung ngumiti siya at hinalikan si merli. Ang ikli nga lang nung mga eksena na tao siya. 'Di ko man lang napagsawaan. Kung ako si Belle, deretso honeymoon na kami. Wala nang sayaw-sayaw sa ending.

Kung gusto niyong ma-good vibes at bumalik sa pagkabata mga ateng, watch niyo na ang Beauty and the Beast. Super worthy talaga.

Wednesday, March 22, 2017

Lagueños

Two weeks ago, ako'y nakaladkad ng fashion designer na si Julius Jaguio para manood ng Ginoo at Binibining Laguna 2017. Sponsor ang brand niya na Pegarro SWIM kaya all access ang byuti ko sa backstage. Akez ang naatasan na umasikaso ng kanyang swimwear sa mga latbey at 'yung isa namin kasama na si Xhang ang umako sa mga otoko. Doon ko sana bet kaya lang baka himatayin ako. Alam niyo naman, virgin pa ako. Hindi sanay makakita ng hubad na lalaki. CHOS!

Bonggang event ang pageant na kabilang sa Anilag Festival. Ang daming tao sa kapitolyo ng Sta. Cruz. Very festive ang mood. Tapos, karir kung karir ang mga contestant. Pang-national levels ang paghahanda. Wit pipitsugin ang stage at bigatin ang mga judges like fashion designers Albert Andrada and Bessie Besana. Siyempre, leveling diyan si friend Julius.

Around 9 PM nag-start ang pageant. The usual opening number with the contestants then swimwear competition. Ang tatangkad ng mga bibini wearing their Bragais heels. Of course, lahat sila ay naka-Pegarro SWIM na ang colors ay inspired of Laguna de Bay. Salitan ang peg, Binibini 1 then Ginoo 1 hanggang umabot sa bente. Ang gugwapo ng mga Lagueños. Halos bumaha sa backstage sa pagwawater ko. Siyempre, share the delish blessings to my atengs. Here they are...

Joshua Banatin
Briant Scott Lomboy
Jashper Benson
Oh de vahhh? May tribal accessories pa na bumagay sa swimwear. Sensya na't 'di ko knowsline ang namesung nung iba pero bet na bet ko si #14 na siyang tinanghal na male winner. Cuteness galore si #7 at #11. Aktwali, lahat naman ay panalo sa fes, depende na lang talaga sa taste mo. Basta, nangati ang tilapya ko. CHAR! 

Mga ala-una na ng umaga natapos ang pageant at dinumog ang winners sa stage. Game na game naman silang nagpa-selfie. Bago umuwi, kami muna ay lumaps sa isang kainan malapit sa bus station. Isang gabi na naman ang natapos na nagpangiti sa aking mga labi.

*More shots in Pegarro SWIM FB page. Credits to Onecho Gabinete for the photos.

Tuesday, March 21, 2017

Porma

Malapit na ang Binibining Pilipinas 2017. May mga bets na ba kayo? I'm following the activities of the pageant through Missosology.info. Ang chismax - pitong korona na daw ang paglalaban ng 40 candidates - Miss Universe PH, Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Supranational, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe, Bb. Pilipinas Grand International at Bb. Pilipinas United Continents. Namakyaw ng local franchise 'tong si Madame SMA huh! Sana lang palitan na niya ang wire crowns na kung hindi maluwang eh ang liit. Bonggahan mo na, Madame, please lang. Para na rin sa ikaliligaya ng 'sangkabaklaan.

Waley pa akong malinaw na bet sa ngayon pero kung ganda at lakas ng karisma ang pag-uusapan, mukhang sila ang nangingibabaw...

 Charmaine Elima

Una sa listahan ko si Charmaine Elima. Paborito ko na siya noon pang Bb. Pilipinas Gold (2013) dahil sa kanyang dusky skin at beauty queen aura. Medyo hindi pa praktisado ang kanyang Q&A skills noon pero after 4 years, mukhang nag-improve lalo na't madalas siyang makipag-usap, sa Pinoy man o banyaga, dahil sa kanyang propesyon bilang Flight Attendant. Tsaka nasa Aces & Queens na siya from being a Kagandahang Flores binibini.

 Sirene Sutton and Mariel de Leon

Next is Sirene Sutton. Very modelesque ang dating. Maganda sa Filipino standards lalo na't may halong foreign blood, mestiza at matangkad. Ang plump din ng lips ni ateng. Kayang sabayan ang mga European beauties. 'Di na rin siya baguhan sa beaucon dahil isa siya sa mga kinoronahan noong Miss Global Philippines 2014.

We have the daughter of Sandy Andolong and Boyet de Leon. Coming from an artista family, sanay na kaya sa limelight at press itong si Mariel de Leon? Just like Charmaine, una natin siya nasilayan sa Bb. Pilipinas Gold. Bongga talaga ang 2013 batch. Daming magaganda kaya kuma-comeback. She's one of the prettiest contestant this year. Daming nagsasabing majubis siya pero kung manalo man siyang MUP, antayin niyo na lang ang transformation niya. Kinaya nga nina Pia at Janine eh.

 Dindi Pajares

From batch 2016 naman si Dindi Pajares, a Flight Attendant by profession. Isa siya sa paborito last year kaya galak na galak ang sangkabaklaan sa kanyang pagbabalik. She has the height, beauty and body. Kailangan mapasakanya ang isa sa mga korona dahil PAK na PAK ang kanyang ganda.

Ruffa Nava and Rachel Peters

Gabriela Ortega

Ruffa Nava and Rachel Peters are alumni of Miss World Philippines. Parehong malakas sa kagandahan at porma ng katawan. Naway mabiyayaan ng korona ni Madame SMA. Lastly, Gabriela Ortega from España, not Manila but the legit one. Bongga si ateng! I like her beauty because it's not pageant patty. She stands out because of her natural aura and confidence.

I'm still waiting for their press presentation where they will ramp in their bikinis. Magkakaalamanan kung sino ba ang may tindig at katawan na pang international.

Monday, March 20, 2017

Poot

Magandang umaga, mga ateng! I was planning to do the laundry pero mamaya na lang. Mas bet ko munang magsulat ngayong Lunes ng umaga.

Vice President Leni Robredo
Pagmulat ng aking mga mata, kahit may muta pa eh open agad ako ng FB at IG para mag-check ng notifications. Adiktus benediktus na talaga ako sa social media. Selena Gomez lang ang peg. I need rehab. CHAR! So there was a live feed of VP Leni's speech. I opened it at naloka akiz sa comments. Ang tindi ng mga haters niya. Todo lait sa kanya. Kadalasan, hindi related sa activities niya at below the belt pa. Maka-bash lang talaga ang haters. May hashtags pa like #LugawQueen, #FakeVP, #ImpeachVP and so many more. Saan kaya nanggagaling ang poot nila? Totoo ba sila o mga fake accounts? I opted to exit the FB live and check my news feed.

$170 million daw ang weekend box-office ng Beauty and the Beast according to that screenshot. Hindi naman nakapagtataka dahil most awaited itez. Nasa SM North ako nung Sabado at todo sa dami ng tao sa sinehan. Sa 12 cinemas nila, siyam ang okupado ng pelikula ni Emma Watson. Pag-check ko ng comments ng balita, eto ang nabasa ko...

Anong kinalaman niyan sa kinita ng pelikula? Bakit may ganyan? I mean you can be a basher and all pero wala na sa lugar 'yan huh! Nag-iisip pa ba 'tong mga basher na ito o basta lang may mai-post? Mag-iisip ka rin tuloy kung totoo ba 'tong mga accounts na 'to kahit may picture o baka bots lang at ginagamit ang picture ng iba? I'd rather not spend my energy and time thinking. Sayang lang.

Monday, March 13, 2017

Kapain

Nasunog pala ang TriNoMa kanina. Waley talagang sinasanto ang sunog, Fire Prevention Month pa man din ngayon. Kaya mga ateng, doble ingat sa mga kasangkapan na nakasaksak. Dahil summer na at super jinit jackson sa labas, 'wag mahihiyang check-up-in ang appliances. Kapa-kapain at baka kailangan pagpahingahin. Kung wit naman ginagamit, hablutin sa outlet. 'Wag pabayaan na naka-standby mode kasi minsan, diyan nagsisimula ang spark keme na umaabot sa pagkatupok ng tinitirhan.

Bantayan din ang niluluto. Minsan napapabayaan dahil nakababad sa TV o busy sa newsfeed. Nako, ipagpaliban muna 'yan at baka wala ka ng kusinang babalikan. KALURQS! Tsaka kung de uling o kahoy pa rin ang ginagamit sa pagluluto, make sure na malayo sa kabahayan. Wag din hahayaan na maglaro ng lighter o posporo ang mga bata. Kayo na lang ni bae ang maglaro ng apoy.

Maiba tayo, noong nangongolekta pa ako ng komiks, malaking factor talaga ang cover lalo na kapag babae at maganda ang pagkaka-drawing. Isa sa paborito ko ang Kamandag ni Margarita na lumabas sa pahina ng Pilipino Komiks. May pa-teaser pa para pukawin ang atensyon ng mga mambabasa...

Isa ako sa mga na-intriga sa nobela ni Rod Santiago. Siya din ang dibuhista kaya hindi ko pinalampas ang unang labas nito. Hindi ko man ito nasubaybayan, naisapelikula naman ito starring Pyar Mirasol at Camille Roxas, mga primera hubadera noong late 90's to early 00's.

Kamandag ni Margarita
Pilipino Komiks
Agosto 15, 1997
Taon 50 Blg. 2779
Atlas Publishing Co., Inc.
(click picture to enlarge)

Sunday, March 12, 2017

Pagluwas

I'm currently reading this book I bought last year during the anniversary sale of UP Press. Pagluwas consists of 52 short stories and although hindi ako sanay magbasa ng ganito, I still find it interesting to read. Tuma-thunders na yata talaga akez mga ateng dahil parang no social life na me. I miss the days na madaming ganap like pa-massage, watch ng indie film or enjoy-enjoy sa bar. Ngayon, derecho bahay pagkatapos ng work, read a book, listen to music, watch a movie or waste time in social media. KALOKA!

Sa mga nagtatanong kung existing pa ang pwesto ni Mang Greg sa Cartimar, Recto, ito ay bukas na bukas pa. Gora lang at halukayin ang CDs, Vinyls, DVD, cassette tapes at mga librong tinda niya. Latest kong mga nabili ang CDs nina Kylie Minogue, P!nk, Regine Velasquez at Jinky Vidal. Murang-mura kumpara sa mall. Tsaka wala na rin kasing masyadong laman ang Astroplus at ibang record bars ngayon.

Oo nga pala, naka-buyla na akiz ng computer monitor. Nag-canvass muna ako sa mall pero mas mura pala sa Lazada. Napagod lang ang tiil ko. Convenient din talaga ng online shopping, noh? Hindi na kailangan magbihis at mamasahe papuntang SM o TriNoMa. Free delivery at depende sa item na bibilhin mo, you can get it in 1-3 days. Madaming choices at may feedback ka pang mababasa sa mga naunang bumili sa iyo. Malaking factor para sa decision making. Basta make sure lang na may pambayad or else, mag-window shopping muna sa site nila.