Monday, October 6, 2014

Hapit

Nag-farewell party ang kumpanyang pinasukan ko noong Sabado, October 4 sa Enderun Tent in Taguig. Walang theme basta wear your most comfortable outfit 'wag lang pambahay. Matagal-tagal na rin since the last time na nag-mujer akiz kaya naman nagpatahi ako ng bonggang damit kay La Mudra. May tela akong nabili nung last time na mamili kami kaya naghagilap na lang ako ng design sa internet. Dalawa lang ang gusto ko - long sleeves at dapat hapit sa hubog ng masarap kong katawan para ako'y paglawayan ahahaha!

Si Shy at ang kinaiinggitan kong balakang
Ala-siete ng gabi ang umpisa ng registration so mga ala-singko ng hapon eh nagpa-blow dry at mani-pedi ako sa Petra & Pepita sa kanto ng Shaw blvd. at EDSA. Minsan ko lang gawin 'yan kasi takot akong ma-murder-an ng kuko. Sa kasamaang palad, nangyari pa rin. Nagbihis ako sa bahay ng friend kong si Shy na isa ring blogger (shysayyestravel101.tumblr.com) at sabay na kaming gumora past nine in the evening. Ang balur niya eh malapit lang sa EDSA at kinakailangan pa naming maglakad sa gilid ng Pavillion mall para makapag-taxi. Tiis ganda talaga ako sa mataas na takong at kiber sa mga tao sa daan.

Arwana Grande and Igme Azalea
Pagdating sa party eh inasikaso namin agad ang lafangan while our performing sisters are doing their thing on stage. May Beyonce, Rihanna, Lorde at Iggy Azalea impersonators. Ang gagaling at seseksi nila! After that eh nag-speech ang vice president namin who by the way is a big supporter of LGBT. Since eto na ang huli naming pagsasama-samang magkaka-opisina, 'di ko na pinalagpas ang pagkakataon para todong umaura sa aking mga crushes. Dapat may remembrance kaya more picas with them...

Eto si Mariuz, siya 'yung pinost ko dati na nakatalikod. Never kaming nag-usap niyan kasi mukha siyang masungit. Baka sapakin ako kapag nalaman niya ang nilalaman ng aking puso(n). ECHOS! But according to my teammates eh super mabait siya ahihihi! Kaya naman for the first and last time ay inaya ko siyang magpa-fecture. Kinilig ako sa ismayl niya ♥

This is Elmo. Lagi ko siyang tinitingnan kapag naglalakad sa production area. Alam niyo na kung bakit. Inglesero 'tong si TL Rob kaya nosebleed akiz kapag nagsasalita siya. May mga tattoo siya sa bortawan.

Napapansin ko para silang nagpapa-fecture sa poste ah. One of the coaches on the floor is Pao. He is married. Period. One of the TL's that helped me when I was a newbie was TL Marvin. Kapag chinito ang kausap mo tapos mabait pa, parang babait ka na rin.

Isa pang chinito si TL Ryan. Moreno version nga lang. Eto manager namin, si boss Jeth. Sa tuwing nakikita ko siya, parang gusto kong magpabastos agad-agad. Kaya lang boss eh, dapat igalang ahahaha!

Pao is one of our trainers. He always call me classmate kasi trainee din siya sa batch namin 'cause he came from a different LOB. He used to be a DJ sa isang radio station at 'di ko na nalaman kung ano FM band 'yon.

After the party, my friends and I decided not to end the night early. We decided to continue the fun in one of the bars in The Fort. Ang napili namin is Imperial bar. Seven kaming magkakasama, pangalawa ako sa dulo ng pila. Tuluy-tuloy lang silang pinapasok and when it was my turn, the lady asked me for my ID. Good thing I brought one. I presented it to them, they looked at the details, returned it and said...

"Sorry, we have a dress code."

Okay, tama pala ang nabasa ko dati na 'di sila nagpapapasok ng mujerista. I don't know the basis but I opted to get my ID and let my friends know na 'di ako pinapasok. They understood and went out immediately. Hindi ko kailangan makipag-argue sa mga taong namamasukan din sa negosyong iyon. They are also following the rules of the management. 'Di ko bet ipagpilitan ang sarili ko so we looked for a place na pwede ako. Thank heaven for Music 21 in Makati.

With my teammates
Nobody wants rejection. It's painful and humiliating. I don't know what are the right words to explain what I felt. I am not mad nor furious. I feel more for our transgender sisters. Paano pa sila na araw-araw ay fabulous ang pananamit? Anyways, tapos na 'yon. I'm the type of person na 'di na magde-dwell sa nangyari na. Move on agad-agad.

Just a reminder to all of my shupatembas, avoid that place. Marami pa tayong pwedeng puntahan na makakapagsaya tayo without any barriers coming from ancient beliefs. Ayan na naman ako sa Inglisan eh.

Lastly, I want to thank my mom for the dress she made. Nothing compares to the acceptance and support she always give me. I love you Ma!

15 comments:

  1. Gandah mo teh , pang Miss U : ) ... boycott na 'yang Imperial Bar na 'yan agad agad ...

    ReplyDelete
  2. ay haba ng your hair teh (literally) at type ko si mariuz at elmo. puede hiramin si mariuz lo-loves?

    ReplyDelete
  3. discrimination grabe dapat hindi tinatangkilik ung mga ganyang establishments. saludo ako sa reaction mo nung di ka pinapasok. di mo kawalan. kawalan nila un.

    ReplyDelete
  4. Honestly ateng. Yung pinakaunang pica ng boylet lang ang type ko. Pang boyfie material tapos feel ko hard fucker hahaha. Ilang inches ba heels mo? diba 5'11 ka? paano na lang nung naka heels ka?

    ReplyDelete
  5. You are fabulous and amazing! I love you

    ReplyDelete
  6. I love the dress teh! Custom made ni madir kaaliw!

    ReplyDelete
  7. -Teh Edgar, eskay at Anonymous 4, salamuch for the appreciation of nature's byuti hehehe!

    -Teh Anonymous 1, pwedeng si Elmo na lang kasi masasaktan ako kung si Mariuz eh :p

    -Teh Anonymous 2, KURAK! Keep on supporting LGBT.

    -Teh Anonymous 3, apat na pulgada 'yung shu-es ko diyan kaya instant 6'3" ang height.

    ReplyDelete
  8. Ateng ang sarap sunugin ng bar!!! Nakaka high blood!!! Sana nag ala anne curtis ka (di nmn nagkakalayo ang ganda nyo) sana sinabihan mo ng 'I can buy you, your management and this club!'

    ReplyDelete
  9. saludo ako sau teh dahil calm ka lang nung di ka pinapasok jan sa bar.. buti di mo nilabas ang built-in Xena mo at pinag kakatataga mo sila ahaha charr... ganyan tlaga mga magaganda may composure at self-control.. ganda mo!!!

    ReplyDelete
  10. dapat illegal yung mga ganyang policy sa mga establishments. kung hindi sana mga bobo ang mga mambabatas natin may pag asa pa ng konti.

    ReplyDelete
  11. Yan ang hirap ang sa mga ganyang bar eh buti nga pinupuntahan pa sila. Sana lahat talaga equal na. Btw, ang ganda mo talaga magdala ng damit. Pak na pak ang dress mo teh!!!

    Teh KP

    ReplyDelete
  12. nakapag-aplay ka na ba ulit o bet mo munang magbakasyon?

    tama sila, boycott natin yang Imperial Bar tapos ipamalita natin sa iba. nakakapang-init ng ulo!

    ReplyDelete
  13. -Teh Anonymous 5, why not kung sana kasing yaman ko rin si Anne C. ahahaha!

    -Teh RoVee™, wala naman akong balak umeksena just because of that. Hindi lang sila ang bar na pwede kong pag-enjoy-an.

    -Teh Anonymous 6, ano pa bang aasahan natin sa mga pulpulitikong inuuna ang maibubulsa kesa sa kapakanan ng bayan? NGANGA.

    -Teh KP, salamat sa appreciation ;)

    -Teh AstroDeus Shin, naghahagilap na ako ng mapapasukan. Hopefully before the month ends eh meron na.

    ReplyDelete
  14. You're still beautiful girl and courageous too! I won't be able to handle it like you. I might go hysterical or scandalous with that scenario charot! Seriously, it's their lost. More power!

    ReplyDelete
  15. bakit si vice ganda pinapapasok nila dun kahit naka long gown pa? diniscriminate ka madam. pero tama ka, madami pang ibang mas okay na place at hayaan sila sa discriminatory practice nila.

    ReplyDelete