Monday, August 28, 2017

Kacheapan

Can I Just Say:

Hindi pa ako nakakakain sa Zark's pero hindi ako aabot sa ganito para lang sa otso pesos na burger...

According to research, mahilig sa bonggang pa-promo at discount ang mga Pinoy pero grabeycious naman itey. Dinumog at nagbalyahan ang mga utaw para lang makauna sa otso pesos na burger. TODONG KACHEAPAN!!! Wala namang food shortage at state of calamity pero parang mga gutom na gutom at akala mo eh hindi pa sila nakakatikim ng burger sa tanang buhay nila. Dahil ba petsa de peligro kaya ganyan? May mga bata pang kasama 'yung iba. Hindi ba nila naisip na delikado at posibleng magka-stampede sa dami ng tao. O baka wit na makapag-isip nang maayos dahil mga gutom na? KALOKA!

Photo by Sacen Sacay
Kawawa rin 'yung mga security guard at service crew ng Zark's. I cannot imagine the stress na pinagdaanan nila ngayon. Hindi siguro nila ineexpect na ganito ang magiging turnout. Kaya next time, Zark's need to strengthen their promo mechanics para maiwasan ang ganitong kacheapang eksena. 

Imbes na National Heroes Day, naging National Kacheapan Holiday ang araw na itez. I cannot take it. Tamaan na ang tamaan pero kadiri ang ganyang pag-uugali. EEWWW!!!

Saturday, August 26, 2017

Pasada

Tanong lang:

Sino ang tunay na may malasakit kay Juan?

Kanino mo ipagkakatiwala ang kaligtasan para makarating sa paroroonan?

Kung magbabayad ang Uber ng 190 million, tatanggalin ng LTFRB ang suspensyon at balik kalsada na ang mga partner-drivers nito. 'Wag daw mag-alala at sa National Treasury mapupunta ang milyones na 'yan.

Kung ako lang, antayin na lang ng Uber na matapos ang tatlumpung araw at 'wag pumayag sa ganitong kondisyones. OA ang penalty at alam naman natin ang galawang breezy sa gobyerno. 'Wag nga kami. Pero malaking ginhawa naman sa commuters kung balik pasada na sila.

Basta ang alam ko, malayo ang agwat ng Uber sa mga kakumpitensya nito kaya marami ang tumatangkilik. Simbolo rin sila ng tunay na pagbabago na niyakap ng mga Pilipino. Sa panahon ngayon, dapat marunong umisip ng bagong ideya para mag-evolve ang produkto at serbisyo dahil kung stagnant at walang development, tuluyan magpag-iiwanan ng panahon.

Wednesday, August 23, 2017

Bugso

Ilang araw na tayong inaabutan ng ulan sa daan. Rush hour pa kadalasan ang bugso ng patak kaya mas bumabagal ang byahe. May training ako sa BGC 'til Friday this week at kahit isinusumpa ko, kinailangan kong bagtasin ang EDSA ala-sais ng umaga kahapon. Halos isang oras ang usad from North EDSA to GMA Kamuning, to think na suspendido pa ang klase niyan. Paano pa kaya kung may mga estudyante pang sumabay? HALA! ♫ Talaga yatang wala nang pag-asa ika nga sa kanta ni Tita Jamie Rivera.

Pero ngunit subalit datapwat 'wag malumbay, may rason pa rin para ngumiti at ma-good vibes. Kailangan lang natin isipin na tayo'y kumikilos hindi lang para sa ating sarili kundi para sa mga taong nakadepende sa atin - kapamilya man, kaibigan o kaopisina. Just remember that ♪ there's a rainbow always after the rain ♫. At siyempre, kailangan ng inspirasyon. Sino? Hinga nang malalim at eto na si Joshua Banatin, ang kauna-unahang Mister Grand International PH na todong magpapa-alab sa ating nanlalamig na feelings...

♥♥♥

Sunday, August 20, 2017

Tsansa

WHAT A WEEK! Hindi pa man din natatapos ang linggong ito pero hitik na hitik na sa ganap ang buhay ni Juan.

Umpisahan natin noong Lunes, Agosto 14, kung saan nag-trending sa Twitter ang #PassADB. Nasa agenda kasi ng senado ang Anti-Discrimination Bill at todong naghanda si Senator Risa Hontiveros sa interpellation nina Senators Joel Villanueva at Manny Pacquiao. Usually ay pwedeng umabot hanggang gabi ang session depende sa dami ng trabaho at sipag ng mga senador. Nasa audience din ang LGBT group na KASARIANLAN at ang nadiscriminate ng Jollibee na si Bunny Cadag para sumuporta. Ang ending? Hapon pa lang ay adjourned na ang session at dinedma ang ADB. WTF! Obvious na delaying tactic ang nangyari. Knowsline natin na kontra sa LGBT si Pacman pero sabi sa balita, suportado daw ni Joel V. ang bill. Talagang lang huh?

***
Sumunod na araw, pinatawan ng isang buwan na suspensyon ng LTFRB ang Uber dahil sa patuloy na pagtanggap ng drivams kahit pinagsabihan sila na ihinto muna. Ang apektado? Mga mamamayan na araw-araw dumedepende sa Uber para sa malinis at ligtas na byahe. At dahil nawala ang main competitor sa daan, tumaas ang demand sa Grab na nagresulta ng pagkamahal-mahal na pamasung. Eto pa ang pinakamalala, hinikayat ng LTFRB ang mga driver-partners ng Uber na lumipat sa Grab at UHop? NAKAKALOKA! Bastusan ang peg 'di ba? May isyu talaga ang LTFRB sa Uber eh. Sorry na lang po kayo, hindi kayang tumbasan ng ibang ride-sharing apps ang bonggang features ng Uber. Alam ng mga riders 'yan.

So tayong mga ordinaryong commuters, may iba pang pagpipilian.
  • MRT/LRT - ihanda ang sarili sa tulakan, balyahan at siksikan 
  • Bus sa EDSA - magdala ng unan at umidlip dahil ilang oras ang itatagal ng byahe mo sa sobrang trapik. Just make sure you take care of your belongings at baka maispatan ka ng magnanakaw at ika'y tabihan. 
  • Taxi - walang habas mamili ng pasahero at humingi ng dagdag 
  • Jeep - okay 'to kung walang holdaper o bukas-bag gang at handa ka rin sa init at trapik
  • Angkas/habal-habal - keri mo bang bumalanse sa motor at handa ba ang puso mo sa paspasang byahe? P'wes, eto ang para sa'yo.
Oh ano? Pili na!

***
Miyerkules ng gabi, binaril at pinatay ng mga pulis ang grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos sa lungsod ng Caloocan dahil diumano, nanlaban ito at nagpaputok ng baril. Ibang version naman ang nakuha ng CCTV kung saan bitbit ng dalawang pulis ang biktima papunta sa pinangyarihan ng krimen.

17 years old, pinatay. Hindi binigyan ng tsansa idepensa ang sarili. Ang dali na lang ng buhay ngayon. Sa trulili lang, nakakatakot nang magpagabi sa daan. Kung hindi kriminal, malamang pulis ang titira sa'yo. Ang sakit sa puso makita ang dalamhati ng mga magulang ni Kian. Maserve man ang hustisya, hindi na maibabalik ang buhay at pangarap ng kanilang anak.

Mga 'teh, anyare sa bansa natin?

Thursday, August 17, 2017

Mister Polski 2017

One of the biggest male pageants in the world is Mister Polski and next month, Jan Dratwicki, the 2016 winner will pass the title to one of the 20 finalists. This is the first time that I religiously followed this pageant and I must say that the competition is tight with the quality of participants. All of them are active on social media so it's easier to follow their preparation for the finals.

Jan Dratwicki, Mister Polski 2016
The official Instagram account is updated daily with HQ photos of the contestant's daily lives and exclusive photoshoots. This actually excite pageant enthusiasts all over the world which includes me. :) More and more fans are following Mister Polski and that's due to the hardwork of people behind the organization. Kudos to them!

The contestants come from different backgrounds - swimmer, law student, actor, videographer, volleyball player and a runner-up from Top Model. Are you ready for them? Hold on tight! It's time to meet the 20 finalists of Mister Polski 2017...

Damian Trepka
Arkady Zadrożny
Kamil Popławski
Radosław Leśniak
Jakub Kucner
Damian Rezlerski
Michał Lembicz
Patryk Stempniak
Łukasz Białach
Karol Kowalik
Jacek Stefaniak
Mateusz Brejnak
Sandro Sołowiej
Bartosz Krukowski
Ahmad Matar
Wojciech Samojluk
Michał Szer
Wojciech Fortuna
Łukasz Zarazowski
Mateusz Jarzębiak
WHEW! The room getting hotter. Can I just say that all of them are worthy of the title! But only one will win and may compete in Mister International or Mister Supranational.

Aside from the title and the chance to compete internationally, the winner will also receive a special trophy made of brass, marble and crystal. The finals will be on September 3 at Airport Hotel Okęcie in Warsaw, Poland. Although that's miles away from the Philippines, we'll be able to watch it live on Mister Polski's FB page.

Who's your top bet?

Sunday, August 13, 2017

Ihanay

Two weeks ago ay napanood ko nang live ang first edition ng Man of the World. Gawang Pinoy ang male pageant na itez at nakakaproud dahil world class ang produksyon. Pwedeng ihanay sa Mister World at Mister International. Thank you kay Zhe of Events & Pageants 2 Critic for giving me media access. Admin na rin kasi ako ng FB page na 'yan kaya i-like niyo, mga ateng for more pageant updates.

Dahil pumatak ng Friday night ang pageant, pumasok muna akez sa work. Hindi mapakali ang tilapya ko dahil excited makita sina Australia, Spain, Japan at ang pinakamamahal kong si Colombia. Pagsapit ng alas-tres, on the dot akong nag-log out para umuwi muna at magpa-fresh bago lumarga sa One Esplanade. Ang trapik pa dahil Viernes.

Man of the World in Igorot costume
Courtesy of Events & Pageants 2 Critic
Ala-siete daw ang start ng show but knowing us, sure na late 'yan. Noong una, 'di ko alam kung makakapasok ako dahil na-lowbatt si Zhe at wit ko ma-contact. Buti na lang at mabait si Inang Bathala at may nahiraman siyang ketay. Sakto pagdating ko ay natawagan ko siya.

Bongga ang venue, mga ateng. Elevated ang stage para mas makita ng audience. Naka-todong suit at gown ang iba. Dedma kung naka-shirt at maong ako. Ang mahalaga, masilayan ko ang mga mahal ko. CHOS! Alas-nueve na halos nang mag-start ang show.

Mister Japan winning one of the awards
Panalo ang OBB na mala-90s Miss Universe ang dating. Taped from Negros Oriental in their national costume. After that, lumabas on stage ang mga otoks wearing their Igorot costume. AY TEH! Halos mahimatay ako sa sarap. Mahal ko na silang lahat ahahaha! Sandamakmak na special prize ang pinamigay. I lost count pero halos lahat nakakuha. Equally distributed ganon!

Man of the World semifinalists in their swimwear
Man of the World top 10 in formal wear
Predictable ang flow ang show - Barong fashion show tapos tinawag ang top 18 na naglaban-laban sa swimwear then top 10 para sa formal attire. Ramdam ko ang kaba ni baby Colombia. Ang lalim ng hinga at panay ang galaw ng kamay. Nang hindi siya natawag sa top 5, nabiyak ang puso(n) ko. 'Di bale, mahal ko naman siya so winner pa rin siya. CHAR! 

Man of the World 2017
Courtesy of Joy Arguil Photography
Egypt won the title at runners up sina Vietnam at Palestine. It was a memorable night at siyempre, hindi ako papayag na walang remembrance. More selfies with afams, more fun! Warning: medyo nakakaumay, mga 'teh ahahaha!

Mukhang manekin sa personal at nakakatulala ang smile ni Mister Colombia Christian Hernandez. Mister International 2015 pa lang eh pantasya ko na siya pero wit kami nagkaroon ng chance magka-selfie. Kaya nang dumating ang pagkakataon, ilang beses kaming nag-picture hihihihi! We also had a small talk regarding his Boracay vacation with friends and Mister China. He stayed here for a while for some modelling gigs bago jumuwelay. Aawww! I'm gonna miss him so much. ♥

Mister Australia James Carneage will stay here for his acting and modelling career. AY! Bet ko maging leading lady niya at baka matulad kay Pokwang ang lovelife ko ahahaha! Naging controversial naman si Mister Japan dahil sa kanyang naked photoshoot para sa isang magazine. Haka-haka eh 'yun daw ang rason bakit 'di siya nakaswaksi sa semifinals. KEBS! Masarap siya, ang aarti nila. 'Yun na!

Mister Algeria is soft-spoken at ang sweet kausap. Very musculine ang dating ni Mister Puerto Rico. After the pageant, may give-away na PR flag siya sa mga nagpa-picture at sumuporta sa kanya. Such a grateful guy. Ganyan dapat!

Mister Sri Lanka and Mister Malta

Mister Thailand and Mister International PH 2016


Parade of Nation


Top 5 Q&A


Top 3 Q&A

Friday, August 11, 2017

Butas

May crush ako sa office, mga ateng. Oh di ba, hindi pa talaga ako nakaka-move on sa phase na 'yan. Feeling high school pa rin ang potah ahahaha! Anyways, law student siya at pumapasok sa Beda after his shift which is 3PM. 'Di pa kami nagkakausap kasi he's from a different LOB (line of business). Recently ko lang siya napansin. He's so adorable lalo na kapag kumikilos tapos super cute pa siya. 'Yun nga lang, may jowang babaita at nag-confess pa ng appreciation sa IG. Waley na ang lolah niyo, mananatili sa sulok, nagwo-walling habang pinagmamasdan siya. CHOS! 


Marami pa akong crush sa office na hindi ko kinakausap. Conservative kasi talaga ako sa personal at napaka-virgin. Maihahambing niyo ang kasikipan ko sa butas ng butones. Swear 'yan ahahaha! Araw-araw, nai-inspire ako 'pag nakikita sila. Nakakatuwa, noh? Hindi nila alam nakakapagpasaya sila ng isang beki nang hindi nila nalalaman. May chinitong OM, agent na kamukha ni Richard Gutierrez, WFM na matangkad at nakasalamin (my weakness). May TL din na innocent ang dating. Haayyy... daming boys kaya relate din ako dito sa new song ni Charli XCX...

♥♥♥

Sunday, August 6, 2017

BlueSky Gel Polish

Agosto na, mga ateng! Ilang borlogs na lang at BER months na. Bilis talaga ng panahon lalo na kung busy ka. Pero kahit subsob sa trabaho, hindi rason 'yan para magpabaya sa sarili. Dapat on fleek pa rin ang skin, hair at nails especially kapag laging nakaharap sa kliyente. Presentable at kaaya-ayang tingnan. I cannot imagine myself na dry ang hair, puno ng pimples at chipped ang nail polish while kumukuda sa client. Sabi nga nila, first impression lasts kaya dapat bongga ang arrive!

The trend right now is UV/LED gel nail polish. Mas matibay compare sa regular nail polish. In 2 minutes or less than that, ready to go na ang new nails mo. No need antayin mag-dry o hipan-hipan which may cause bubbles.

One of the best brands in the market right now is BlueSky Gel Polish, manufactured by Guangzhou Bluesky Chemical Technology Co., Ltd. The company specializes in researching, developing, producing, and selling brand of LED/UV nail gel, UV/LED nail gel polish and UV/LED lamps. All of their products comply with international quality standards and greatly appreciated in big markets throughout the world. Sure na de kalidad ang mga produkto nila. Plus, there's a lot of colors to choose from...

 
Safe din ang BlueSky Gel Polish sa mga buntis dahil non-toxic materials ang gamit nila. Oh di ba, pwede pa rin maging vain kahit preggy si mommy. Another reason to love this gel polish!

BlueSky Gel Polish is exclusively available at Binondo Beauty Supply Inc. located at 2/F 455 Tanlimco Bldg., Juan Luna St., Binondo Manila. You may contact Doreen at 09487881121/09359159298 for more details.