WHAT A WEEK! Hindi pa man din natatapos ang linggong ito pero hitik na hitik na sa ganap ang buhay ni Juan.
Umpisahan natin noong Lunes, Agosto 14, kung saan nag-trending sa Twitter ang #PassADB. Nasa agenda kasi ng senado ang Anti-Discrimination Bill at todong naghanda si Senator Risa Hontiveros sa interpellation nina SenatorsJoel Villanueva at Manny Pacquiao. Usually ay pwedeng umabot hanggang gabi ang session depende sa dami ng trabaho at sipag ng mga senador. Nasa audience din ang LGBT group na KASARIANLAN at ang nadiscriminate ng Jollibee na si Bunny Cadag para sumuporta. Ang ending? Hapon pa lang ay adjourned na ang session at dinedma ang ADB. WTF! Obvious na delaying tactic ang nangyari. Knowsline natin na kontra sa LGBT si Pacman pero sabi sa balita, suportado daw ni Joel V. ang bill. Talagang lang huh?
***
Sumunod na araw, pinatawan ng isang buwan na suspensyon ng LTFRB ang Uber dahil sa patuloy na pagtanggap ng drivams kahit pinagsabihan sila na ihinto muna. Ang apektado? Mga mamamayan na araw-araw dumedepende sa Uber para sa malinis at ligtas na byahe. At dahil nawala ang main competitor sa daan, tumaas ang demand sa Grab na nagresulta ng pagkamahal-mahal na pamasung. Eto pa ang pinakamalala, hinikayat ng LTFRB ang mga driver-partners ng Uber na lumipat sa Grab at UHop? NAKAKALOKA! Bastusan ang peg 'di ba? May isyu talaga ang LTFRB sa Uber eh. Sorry na lang po kayo, hindi kayang tumbasan ng ibang ride-sharing apps ang bonggang features ng Uber. Alam ng mga riders 'yan.
So tayong mga ordinaryong commuters, may iba pang pagpipilian.
MRT/LRT - ihanda ang sarili sa tulakan, balyahan at siksikan
Bus sa EDSA - magdala ng unan at umidlip dahil ilang oras ang itatagal ng byahe mo sa sobrang trapik. Just make sure you take care of your belongings at baka maispatan ka ng magnanakaw at ika'y tabihan.
Taxi - walang habas mamili ng pasahero at humingi ng dagdag
Jeep - okay 'to kung walang holdaper o bukas-bag gang at handa ka rin sa init at trapik
Angkas/habal-habal - keri mo bang bumalanse sa motor at handa ba ang puso mo sa paspasang byahe? P'wes, eto ang para sa'yo.
Oh ano? Pili na!
***
Miyerkules ng gabi, binaril at pinatay ng mga pulis ang grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos sa lungsod ng Caloocan dahil diumano, nanlaban ito at nagpaputok ng baril. Ibang version naman ang nakuha ng CCTV kung saan bitbit ng dalawang pulis ang biktima papunta sa pinangyarihan ng krimen.
17 years old, pinatay. Hindi binigyan ng tsansa idepensa ang sarili. Ang dali na lang ng buhay ngayon. Sa trulili lang, nakakatakot nang magpagabi sa daan. Kung hindi kriminal, malamang pulis ang titira sa'yo. Ang sakit sa puso makita ang dalamhati ng mga magulang ni Kian. Maserve man ang hustisya, hindi na maibabalik ang buhay at pangarap ng kanilang anak.
No comments:
Post a Comment