Tanong lang:
Sino ang tunay na may malasakit kay Juan?
Kanino mo ipagkakatiwala ang kaligtasan para makarating sa paroroonan?
Kung magbabayad ang Uber ng 190 million, tatanggalin ng LTFRB ang suspensyon at balik kalsada na ang mga partner-drivers nito. 'Wag daw mag-alala at sa National Treasury mapupunta ang milyones na 'yan.
Kung ako lang, antayin na lang ng Uber na matapos ang tatlumpung araw at 'wag pumayag sa ganitong kondisyones. OA ang penalty at alam naman natin ang galawang breezy sa gobyerno. 'Wag nga kami. Pero malaking ginhawa naman sa commuters kung balik pasada na sila.
Basta ang alam ko, malayo ang agwat ng Uber sa mga kakumpitensya nito kaya marami ang tumatangkilik. Simbolo rin sila ng tunay na pagbabago na niyakap ng mga Pilipino. Sa panahon ngayon, dapat marunong umisip ng bagong ideya para mag-evolve ang produkto at serbisyo dahil kung stagnant at walang development, tuluyan magpag-iiwanan ng panahon.
kaninong maswerteng seiko wallet mapupunta yung 190 million. Alam na natin yan
ReplyDeleteHahaha...maraming bulsa ang mapupuntahan niyan. Alam na.
ReplyDeleteAgree ako sa point mo dito. Nakakainis lang minsan ang LTFRB. Walang malasakit sa mga commuters. Kailangan nila buksan ang mga nata nila sa kalagayan natin.
ReplyDelete