Monday, October 23, 2017

Samu't-Sari 1.0

"Bakla na nga, magnanakaw pa."

Narinig niyo na ba ang reaksyon na 'yan kapag may nababalitang matinggerang bekbek? Sa trulili lang, 'di ko bet 'yan! Given na hindi katanggap-tanggap ang pagnanakaw pero 'yung linyang "bakla na nga" eh medyo nakapapantig sa tenga. Double whammy sa pagkatao. Parang pinalalabas na mas nakakahiya kumpara sa straight na magnanakaw kahit pareho lang nang ginawa. KALOKA!

#KwentongUPCAT

Photo from Wikimapia
Sa Malcolm Hall ng Diliman branch ako nag-take ng exam. Hiwa-hiwalay kami ng mga classmates ko sa RMCHS at ako lang yata ang napunta dito. Suot ang hiking shoes na padala ni pudra, matiyaga kaming pumila ng iba pang takers sa labas. Sinisipon ako noong araw na 'yon kaya todo singhot ako habang nag-eexam. Diring-diri siguro 'yung merlat na katabi ko. 

Nang lumabas ang resulta, 2.5 ang score ko. Wit nakapasa sa mga courses na pinili ko sa UP Diliman at UP Manila. Quota course daw kaya mas mahirap makapasok. Malay ko ba kung ano 'yun, basta bet ko 'yung Management and Accountancy sa UPD at Communication keme sa UPM. Napagkasunduan namin ng mga classmates ko na gumora sa UPLB at baka sakaling ma-consider. Waley. Buti na lang nakapasa ako sa PUP. Doon na ako nag-take ng Accountancy hanggang sa makatapos ng Advertising and Public Relations.

Xander Ford

Nagpaoverhaul na nga't lahat, todo bash pa rin ang ilan kay Xander Ford formerly known as Marlou Arizala. Ang hirap ng sitwasyon ni koya, lalo na't iba ang pressure ng social media. May nakita nga akong post, may kaholding hands siya pero inedit ang fez at ibinalik ang dati niyang itsura. Talagang umeffort pa sila para mandaot.

Kahit sino namang nasa sitwasyon niya at inofferan nang ganun kabonggang beauty package eh hindi na tatanggi sa grasya. Aba! Mahal kaya magparetoke. Infairness naman sa gawa ni doc, talagang plakado ang ilong at panga. Lakas maka-Piolo Pascual ganooon!

Gorgeous

Sobrang bet na bet ko ang new song ni Tay-Tay. Kasi naman, relate na relate ako sa lyrics. Parang ginawa para kay crush hihihi! Ang gorgeous naman kasi talaga nung crush ko sa office na law student. Nag-facilitate kami ng training at sa class ko siya umattend. As expected, tameme akiz sa kafogian niya lalo na nung nagtanong siya. Mukha siyang hindi convinced sa mga sagot ko. Pero keri lang, mahal ko naman siya. Ay teka lang, 'di ba crush ang sabi ko? Ang bilis naman lumevel-up ahahaha! Let's sing na nga lang...

♫ You're so gorgeous
I can't say anything to your face
'Cause look at your face
And I'm so furious
At you for making me feel this way
But, what can I say?
You're gorgeous ♪

Tuesday, October 17, 2017

Aminin

Richard Pangilinan
Seryoso man o luka-luka
Busy o walang ginagawa
Itanggi man o aminin
Ikaw ang aking iibigin

Jollibee man o McDo
Puregold o Savemore
iPhone man o Oppo
Puso ko'y iyong-iyo

Flyover man o Cubao ilalim
Aircon o ordinary
Jeep man o taxi
Sa isip ko, nandoon ka palagi

Saturday, October 14, 2017

Depression

I was down for a few weeks. Before my trip in Hong Kong last month, sobrang stressed ako sa work. Meetings with the management, intense discussion on performance, delivering what the client needs, trackers, numbers, data etc. Para akong sasabog. I thought kapag nakapag-bakasyon ako, I will feel better. I didn't. Suddenly, I don't want to go to work (pero pumapasok pa rin ako). The things that I usually do are not satisfying me. I'd rather lay down on bed and sleep than socialize. Konting pagkakamali ng mga taong nakapaligid sa akin would irritate me. I feel being used but deep inside me, I'm useless. I keep comparing myself to others. I'm too old with my age. I look ugly and fat. I overthink. I even had a talk with my boss as I intend to leave the company that I'm with for almost 3 years.

Then I asked myself, is this depression? or sad lang ako? Is it because mag-one year nang wala si mama and it still feels like yesterday? I confessed to one of my closest friends in the office (I only have a few) and she comforted me. Somehow, it helped. Then sa tuwing papasok ako ng office, my peers would say I look fresh and blooming. WHAT? I feel the opposite on the inside. As the day goes by, unti-unting nabawasan ang bigat sa loob ko. Still, I don't know if I'm doing okay or I'm just denying it.

There was this controversial statement of Joey de Leon on Eat Bulaga about depression that was contradicted by Maine Mendoza (applause for her), the posts of Lady Gaga on Twitter, the fight of Risa Hontiveros for Mental Health Law and recently, the suicide of Nadine Lustre's younger brother. I guess it's time for me to know more about it. Luckily, Bianca Gonzales tackled this on her latest vlog and CNN Philippines interviewed mental health advocate Kylie Versoza and Antoinette Taus.

I wanna share it with you, mga ateng. Let's educate ourselves about depression.


Sunday, October 8, 2017

Paglubog

The view at the Baywalk is getting worse everytime I visit it and I am not talking about the famous sunset. Oh di ba?! English ang first sentence ko. Well, hanggang diyan na lang 'yan ahahahaha! Nako mga 'teh, nakakalerki talaga ang eksena sa tuwing magagawi ako sa Roxas Boulevard. Ay Roxas! Dilawan sure na. CHOS!

For the past few weeks, napadalas ang rampa ko Baywalk to see the sunset tapos itutuloy ko na sa pagsisimba sa Malate Church. Ang dali lang naman kasi ng biyahe - sakay lang ng LRT 1, baba sa Pedro Gil, lagpasan ang Robinson's mall at AG New World hotel hanggang sa makita ang malawak na katubigan.

Ang bongga ng view, de vaahhh?
Isa sa maituturing na tourist spot ang lugar. Madaming tao -mapa-estudyante, trabahador, mga nag-e-exercise, bakasyonista, at turista- ang pumupunta dito upang makita ang madramang paglubog ng araw. Walang patid ang pagkuha nila ng litrato lalo na kung hindi maulap. Minsan nga kahit maulap, hindi madamot si Inang Kalikasan at nagpapamalas pa rin ng kagandahan. Ang mahirap lang, nasisira ito dahil sa mga bagay na pwede namang makontrol.

Dumarami ang mga tambay dito na ginagawang tirahan ang lugar. Natutulog sila sa tila ba aluminum foil na latag. Minsan, naupo ako para magpahinga nang makita ko 'tong si ate na todong inihagis na lang basta ang pinagkainan sa Manila Bay. Que horror! Diyan na rin sila umeebs at umiihi. May trapal lang na itinatayo. JUICE KO 'DAY!

NACACALOCAH!!! Ang kiyawti, mga ateng!
Bukod sa regular tambay, may mga nagkalat din na batang adiktus dito. Nangangamoy rugby 'pag nasasalubong ko sila. 'Yung iba, may dalang bote ng mineral water na may lamang parang tubig sabay singhot. I don't know pero ang suspetsa ko, acetone 'yon. Correct me if you know the truth huh! Ayaw kong maging source ng fake news ahahahaha! 'Pag sapit ng gabi, nakakatakot kasi nagkukumpulan sila sa madilim na parte. Ang iingay. Halatang naluluto ang utak sa murang edad. Nakababagabag.

Hindi na rin na-maintain ang landscape ng mga halaman. Bukod sa tambay, inaagawan na rin sila ng pwesto ng mga damo. Seriously, ang dali na lang tabasin nito. Matatanong mo na lang sa sarili mo bakit hindi magawa?

Ang pinakamalala - ang daming basura. Amoy na amoy kapag umiihip ang hangin. One time, may grupo ng turistang singkit na nag-aabang yata ng sunset. Kitang-kita sa fes nila ang pagkadismaya dahil more more basura. Maiintidihan ko sana kung panay water lily lang ang lumulutang but No No No by Destiny's Child. Naalala ko tuloy 'yung clean-up drive na pinalabas sa TV Patrol. Eto oh...

Totoo palang hanggang picture lang at hindi na umabot pa sa Manila Bay.

Nakalulungkot dahil imbes na mag-improve, tila ba lumalala ang sitwasyon ng isa sa pinakasikat na lugar sa ating bansa. Talong-talo ang mga taong dumadayo dito para maglamyerda, magmuni-muni, mag-date at magpahinga. Stress ang aabutin nila. Sana'y magkaroon ng solidong proyekto na maaarong magbalik ng dating ganda nito.

Alam niyo na kung ano 'yang lumulutang na 'yan