Sunday, December 9, 2018

Datos

Nakalap na ang pinaka-fresh na HIV/AIDS data sa Pilipinas. As of October 2018, may 1,072 new cases reported sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines. Very alarming! 95% or 1,016 diyan ay mga kalalakihan at pakikipagtalik ang pangunahing rason ng transmission. You can read the detailed report on this link. Mula sa website ng DOH 'yan kaya hindi fake news.

Image from physiciansbriefing.com
Ayon sa datos, nasa 32 bawat araw ang nada-diagnose kumpara noong 2009 na dalawa lamang. I guess mas marami na kasi ang nagpapa-test ngayon. Patuloy din na nadadagdagan ang HIV Treatment Hubs na nasa strategic locations kaya mas accessible sa mga utaw. May bagong site pa ang LoveYourself sa may Welcome, Rotonda. Malapit sa mga Manileño at students along university belt. Tandaan, libre ang magpa-test kaya grab the opportunity and know your status now na! The more na maagang malaman ang estado, the more na mas maaalagaan ang sarili.


Base pa rin sa parehong datos, 306 o 29% ay nasa 15-24 years old age range. Rurok nang kalibugan ang edad na 'yan! Dami kong nakikitang alter account sa Twitter na ganyan ang hanap - twink, college or senior high school students na nasa legal age. Bareback pa ang trip nang iba. Wit ba nila knowsline na considered as high-risk 'yon? KALOKA! Well, kanya-kanyang trip 'yan at hindi man tayo agree, mapipigilan ba? Basta practice safe sex palagi.

Here's a report from TV Patrol South Central Mindanao:


I think at an early age, dapat i-expose na sina tutoy at neneng on how they can protect themselves when it comes to sexual activities. 'Wag naman kinder, mga adolescence stage siguro ang perfect timing. Diyan na kasi nagkakaroon ng crush-crush at landian. What do you think? 


The best advice that I can give is to always keep 1 or 2 packs of condom in your wallet or kikay kit. Umatake man ang kati niyo, at least may sumbrero. Kapag naubusan, mag-download ng Safe Space app sa phone at maghagilap ng libreng condom sa pinakamalapit na establisiyemento. Tsaka kung kaya pa naman magpigil, 'wag manggigil. Hindi naman lahat dapat tinitikman. Ano 'to, samgyupsal?

No comments:

Post a Comment