Monday, December 10, 2018

Salamat 9.0

Quarter 4 is considered as pageant season at hindi magkumahog ang fans sa pag-follow nang sunud-sunod na pasahan ng korona all over the world.

Miss Grand International 2018: Paraguay
1st runner-up: India
2nd runner-up: Indonesia
3rd runner-up:  Puerto Rico
4th runner-up: Japan
Una sa listahan ang Miss Grand International 2018. Myanmar ang host country at noong October 25, tinanghal na grand winner si Clara Sosa from Paraguay. Runners-up sina misses India, Indonesia, Puerto Rico and Japan. Wow, 3 out of 5 ay Asian. Loves it!


Pinakabata sa anim na big pageants pero madami na kaagad ang fans ng pageant ni Angkol Nawat. Maaalala mo ang Trump era ng Miss Universe sa format ng kompetisyon. Baklaan kung baklaan din sa rampahan ang mga merlat. Kung dati at suki tayo sa runner-up position, waley tayo this year. Although isa si Eva Patalinjug sa pinakamagandang Binibinis ever, mukhang nakaapekto sa scores niya ang muntik niyang pagkatumba sa preliminaries.

Miss Earth 2018: Vietnam
Miss Air: Austria
Miss Fire: Mexico
Miss Water: Colombia

Photo courtesy of ABS-CBN
Sunod ang Miss Earth 2018 na ginanap dito sa ating bansa noong November 3. For the first time ever, bonggang nanalo ng major crown ang bansang Vietnam. Isa sila sa emerging countries na pak na pak ang performances sa international pageants. Pati mga kalalakihan nila, winners din! Actually mas interesado ako sa kanila. CHOS!

Miss Air si Melanie Mader mula Austria na may dugong Pinoy at Miss Fire naman si Miss Mexico. Third year in a row nang nasa top 4 ang Colombia. Malay natin next year, sila na ang makoronahan. Pasok naman sa top 8 si Miss Philippines Celeste Cortesi na may nakakalokang sagot during the #hashtag round:


Ano daw?!?

Miss International 2018: Venezuela
1st runner-up: Philippines
2nd runner-up: South Africa
3rd runner-up:  Romania
4th runner-up: Colombia
Naiuwi naman ng Venezuela ang ika-walo nilang Miss International title. Hindi ko sinabing korona kasi sash lang ang dala ni Mariem Velazco. Expensive yatang ilabas ng Japan ang Mikimoto crown kaya minsan lang natin makitang suot ito ng mga reyna. Punong-puno ba naman ng perlas eh, talagang mahalya!


Sinwerte naman tayo ditez dahil first runner-up si Ahtisa Manalo. Mala-Barbie sa kaamuhan ang fez ni mamah oh! May resemblance din kay Kylie Versoza. I guess it's too soon for us to win again the title kaya keri na ang pangalawang pwesto. Second runner-up si Miss South Africa na sinundan ni Miss Romania at nasa ika-limang pwesto naman si Miss Colombia.

Miss Supranational 2018: Puerto Rico (middle)
1st runner-up: USA (rightmost)
2nd runner-up: Poland (second to the left)
3rd runner-up:  Indonesia (second to the right)
4th runner-up: Mexico (leftmost)
Last week ay sa parehong December 8 ginanap ang Miss Supranational 2018 at Miss World 2018. Salamat na lang at magkaibang timezone or else, baka nagamit ang split-screen ng ketay para mapanood nang sabay.


Pasok sa top 10 si Jehza Huelar na glowing during the swimsuit at evening gown round. Sinong magsasabing nasira ang zipper ng gown at todong tinadtad ng perdible ang likuran? Dinaan niya sa kavoguerang ikot kaya hindi nahalata during the final night. Hindi naman tayo dapat malungkot dahil may Pinay pa ring nakapasok sa top 5. Remember Bb. Pilipinas-Tourism 2012 Katrina Jayne Dimaranan? Siya ang nag-represent ng US of A at tinanghal na first runner-up. PANALO!

Miss World 2018: Mexico
1st Princess: Thailand
Matapos ang pitong taon na pagmamahal ni Julia Morley sa Pilipinas, mukhang na-fall out of love na siya. Hindi pinalad makapasok sa Top 30 ang pambato nating si Katarina Rodriguez. Na-disqualify pa siya sa BWAP round due to technicalities. Ano ba?!? Kaloka naman 'yan. At least, siya pa rin ang reigning 1st runner-up ng Miss Intercontinental 2017. Talaga ba?

LADIES, WE'RE SO PROUD OF Y'ALL!!!

No comments:

Post a Comment