Kasama nila dito si Angela Cortez na gaganap bilang batang ina. Ang kwento ay iikot sa dalawang tao na binayaran upang gumawa ng porno sa Araw ng mga Kaluluwa. KALOKA! Baka bumangon ang mga bangkay para manood nito huh! Ang isa pang nakakaintriga, may ipinagawa sa kanila na hindi naman kasama sa usapan. Ano kaya 'yon? Nako, kailangan nating mapanood ang pelikula para malaman 'yan!
Una nang naipalabas ang Jino to Mari sa mga film festivals sa Switzerland at Cambodia at umani ng mga bonggang papuri. Eh gawang Joselito Altarejos 'yan eh, sure na quality film! Kaya naman 'di nakapagtatakang pasok ulit siya sa Sinag Maynila 2019. PAK!
Mga ateng, minsan na lang magkaroon ng ganitong pelikula kaya todong suportahan natin. Aside from SM at Gateway, mapapanood din ito sa micro-cinemas like Black Maria in Mandaluyong and Cinema '76 in Anonas. Narito ang schedule:
Black Maria Cinema - April 7 and 9 (6:30 PM), April 8 (1:30 PM)
Cinema '76 Anonas - April 7 (9 PM), April 8 (6:30 PM)
Gateway Cubao - April 6 Gala Screening (9 PM), April 8 (1:30 PM), April 9 (6:30 PM)
SM Megamall - April 7 (9 PM), April 8 (6:30 PM)
No comments:
Post a Comment