Alam niyo naman siguro na opinionated ang byuti ko sa usaping pulitika. Hindi man tayo experto, may knowledge power naman tayo, salamat sa turo nina ma'am at ser sa eskwelahan, at mga legit sources ng balita at impormasyon. JUICE COH! Uulitin ko, ang daming fake news at websites na ang tanging goal ay lituhin ang mga utaw at pabanguhin ang nangangalingasaw na amoy ng gobyernong ito.
Ano nga ba ang kailangan upang maihalal at makaupo sa dalawampu't apat na posisyon sa senado?
BONGGA! Next year pala ay qualified na ako. CHOS! So lima lang pala. Eh ano naman kaya ang trabaho nila?
Sa bigat ng trabaho nila, hindi ba pwedeng dagdagan ang qualifications? Sana man lang nakapag-aral ng kolehiyo at may number of units na required for law and finance. Pero siyempre hindi mangyayari 'yan dahil mahihirapan ang mga gunggong na pulitiko na tumakbo. Kadalasan talaga naiisip ko, 'yung mga gusto nga magtrabaho sa gobyerno, kailangan tapos sa pag-aaral at pasado sa Civil Service Exam, bakit kaya itong matataas na posisyon eh wala man lang ganun? KALOKA!
Sino na bang iboboto niyo? Meron na ba kayong napagdesisyonan. Kung wala pa, sana ay isama niyo sila sa inyong balota:
#5 Alejano, Gary
#9 Aquino, Bam
#22 Colmenares, Neri
#23 De Guzman, Leody
#25 Diokno, Chel
#36 Gutoc, Samira
#37 Hilbay, Pilo
#41 Macalintal, Romy
#52 Osmena, Serge
#57 Roxas, Mar
#59 Tanada, Erin
My Partylist vote goes to #88 AKBAYAN. Utang na loob, 'wag 'yung kay Mocha at Erwin Tulfo na hindi pa binabalik ang mahigit animnapung milyong piso mula sa maanomalyang kontrata with Department of Tourism sa pamumuno ni Wanda Teo.
Baguhin na rin natin ang konseptong iboboto natin sila dahil sila ang mananalo. Hindi pera ang nakasalalay sa boto mo kundi ang kinabukasan ng Pilipino.
Kahit na nakatutukso, 'wag ipagpalit ang boto sa pera. Mali din ang sinasabi nila na tanggapin ang pera pero iboto ang gusto. Tinanggap mo pa rin ang perang hindi mo alam kung saan galing.
Nawa'y maging mapayapa at puno nang pagbabago ang darating na halalan. Malayo ang mararating ng isang boto kaya 'wag sayangin, ito'y matalinong gamitin.
No comments:
Post a Comment