Katatapos ko lang basahin ang librong Happy Na, Gay Pa na sinulat ni Danton Remoto. Nagustuhan ko ang maraming niyang life lessons and advices. Sayang at hindi siya pinalad maging councilor ng QC. Matagal na niyang nais magsilbi sa bayan at sana maibigay sa kanya 'yan sa tamang panahon. I'm now reading Bright, Catholic and Gay. Compilation of essays written by the same author but this time, in straight English kaya eto, nose bleed ako. CHOS! I'm actually thirsty for a book about transgender women. Sana magkaroon the soonest.
Speaking of religion, naloka ako sa comments section ng post ni Catriona Gray about supporting the LGBTQIA+ community. According to some hard-core Christians, she doesn't live up to her Christian faith because (1) God does not approve same-sex marriage, (2) she can't be a true Christian and a LGBT supporter at the same time, (3) she cannot compromise her faith in God just because she is working in the entertainment industry, (4) supporting the LGBTQIA+ is going against God and (5) more vile and poisonous comments na hindi keri ng puso't isipan ko.
Can I Just Say:
I am truly disgusted with these Christians. Kung itatwa tayo, akala mo sila lang anak ng Diyos. Porke straight, sila lang tatanggapin sa heaven? If I know, may mga members diyan na hindi makapag-out kasi pinaniwala silang hindi tanggap ni God ang pagiging LGBTQIA+. Tapos ang lalakas ng loob banggitin sina Sodom at Gomorrah pero sa totoong buhay, ang daming violation sa Ten Commandments. KALOKA! 'Yung iba sa kanila, ginagawang caption ng selfie at OOTD ang Bible quotes. Hindi na kinilabutan! Nakakasuka din 'yung mga nagsasabing hindi nila hate ang LGBTQIA+ but they don't support equal rights for the community. Ipokrita much! Magsama-sama kayo nina Miriam Quiambao at Manny Pacquiao. Marami pa sana akong sasabihin pero maghuhunos-dili akiz. Baka mabura ang byuti ko sa stress!
Isa 'to sa mga rason kung bakit dapat tayong rumampa sa Metro Manila Pride on June 29. Sama-sama tayong i-resist ang mga ganitong klaseng tao at ipakita sa kanila kung bakit masayang sumayaw-sayaw sa ibabaw ng rainbow. Kita-kita tayo sa Marikina Sports Complex, mga ateng!
I remember last year that one of my goals was to create a YouTube channel for our blog. It didn't materialize dahil bukod sa oras at editing skills, hindi man halata eh shy type ang byuti ko. I feel more comfortable writing and editing words kaya eto, patuloy tayong nagsusulat.
Marami na tayong pagpipilian na YouTube channels ngayon that fits our interests. Umaabot daw nang halos milyon ang kitaan kaya mapa-ordinaryong Pinoy man o artista, nasa YouTube na. I personally like Paano Ba 'To? by Bianca Gonzales because her videos are full of life advices from experts or someone who experienced it. Hindi rin dragging ang videos niya so it's not consuming so much of my social media time.
Bet na bet din ang informative videos about the LGBT+ people. There's so much learn within our community and I'm happy that Team and Outrage produced videos in our language para mas malawak ang audience reach. Topics ranges from media, SOGIE talk, establishing a business, discrimination, coming out, religion and more. PANALO!
Heto ang ilan sa mga PAK na PAK videos na t'yak na kapupulutan ng aral at impormasyon:
The Metro Manila Pride is just around the corner and the theme this year is #ResistTogether - for safe, intersectional, educational, & empowering spaces for LGBTQIA+ Filipinos.
The organization needs our help to make this a successful event just like last year. Ito ay gaganapin sa Marikina Sports Complex on June 29 at alam niyo naman, hindi biro ang gastos sa mga ganitong paganap. Pwede tayong makatulong with a minimum amount of 3 hams. Kung yayamanin ka, i-todo mo na sa 5 kwit ang donasyon. Sa bawat maitutulong, mayroong kapalit na merchandise kaya 'di na masama.
Sharing is also one way to help. Post mo lang sa social media accounts mo ang GoGetFunding link or pictures at malay mo, your friends and allies here and around the globe are willing to donate. I-engganyo ang mga friends na maki-join! Click the widget below to know more about the fund raising.
Samu't saring indie films ang muling ipapalabas ngayong buwan kasabay ng selebrasyon ng Pride Month.
Una diyan ang dalawang award-winning movies ni Joselito Altarejos na entries niya sa Sinag Maynila Film Festival. Ang Tale of the Lost Boys ay nanalo ng apat na awards noong 2018 kasama ang Best Picture. This year ay nanalo ng Best Actress si Angela Cortez para sa Jino to Mari. Parehong pinagbidahan 'yan ni Oliver Tolentino kaya mas masarap panoorin. Masarap daw oh! Mapapanood ito at ang iba pang entries ng Sinag Maynila sa UP Film Center(click for the schedule) in Diliman QC.
May marathon naman sina Mamu; and a Mother too at Bille & Emma sa Cinema Centenario(click for the schedule). Kasama din sila sa Pride line-up ng Cinema '76(click for the schedule) together with 2 Cool To Be 4gotten and Miss Bulalacao. Siyempre, don't forget our shivolee siblings dahil ipapalabas din ang Baka Bukas, Changing Partners and the classic T-Bird at Ako. PAAAK! Ate Guy and Vilma in one movie plus directed by Danny Zialcita. Ibang level ang kudaan diyan!
Let's go, mga ateng, and support these movies upang mas lalo pang ma-inspire ang local film makers na gumawa ng makabuluhang pelikula na swak sa ating kultura at panlasa. Don't worry dahil wit nila haharangin ang outside fudang na binili natin. Basta make sure na CLAYGO tayiz!
It's Pride Month, mga ateng! I've never been this excited sa pagpasok ng Hunyo at feeling ko, mas dumadaloy sa dugo ko ngayon ang hangarin na tayo'y pahalagahan kapantay ng mga straight diyan.
Kasalukuyan kong binabasa ang librong sinulat ni Danton Remoto na Happy Na, Gay Pa. Masaya at nakaka-GV ang mga kwento ng bidang si Jon. Nagkaroon din ako ng DVD copy ng Zombadings 1: Patayin sa Syokot si Remington. Nakalimutan ko na halos ang istorya kaya naman binalikan ko at sobrang nakakatawa pa rin talaga. Sana magkaroon ng Zombadings 2, 3, 4, 5 and more parang Shake, Rattle and Roll.
Image from Risa Hontiveros' Facebook page
Kahapon ang last day ng 17th Congress. Kasisimula pa lang nito noong 2016 ay pinu-push na ni Sen. Risa Hontiveros ang SOGIE Equality Bill. Nakakalungkot at hindi ito nabigyan ng importansya at kinakailangan muling ihain sa pagsisimula ng 18th Congress. Maging batas kaya ito sa pagpasok nina Pia Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Bato Dela Rosa and the likes? Only time can tell but we will remain optimistic on this as long as we have our champions in the Congress fighting for our equal rights.
Nagpa-online poll pala ang House of Representatives about same-sex unions. Sa true lang, imbes na ma-excite ako, hindi ko na-bet-an. Bakit idinaan sa survey? Kaya nga sila ibinoto ng mga tao dahil sa mga plataporma nila (talaga lang huh?). I don't really get the point of having this poll dahil hindi naman lahat ay may access sa Internet. The LGBT+ community deserves so much better than this. We need the Congress to believe that we deserve equal rights and not just base their decision on a poll that can be easily manipulated.
Nagamot daw ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkabakla nang makilala ang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman. I can't help but to sigh and do facepalm in my mind. 'Yung inaakala nating umuusad na tayo sa ganyang paniniwala, heto't umatras at pinangunahan pa ng leader ng bansa. It's saddening because he has a lot of supporters from the LGBT+ community at ito pa ang kanyang ibabalik. Pwede bang itaas natin ang ating tingin sa mga babae at 'wag silang itratong gamot sa kabaklaan sapagkat hindi ito sakit na malulunasan.
Isa sa pinakamatunog na DDS ang transwoman na si Sass Rogando Sasot. Imbes na ipagtanggol ang komunidad kung saan siya nabibilang, sinisi pa niya si Pia Ranada ng Rappler dahil hindi daw nito naintindihan ang joke ng pangulo. So joke na lang tayo, ganon ba?