It's Pride Month, mga ateng! I've never been this excited sa pagpasok ng Hunyo at feeling ko, mas dumadaloy sa dugo ko ngayon ang hangarin na tayo'y pahalagahan kapantay ng mga straight diyan.
Kasalukuyan kong binabasa ang librong sinulat ni Danton Remoto na Happy Na, Gay Pa. Masaya at nakaka-GV ang mga kwento ng bidang si Jon. Nagkaroon din ako ng DVD copy ng Zombadings 1: Patayin sa Syokot si Remington. Nakalimutan ko na halos ang istorya kaya naman binalikan ko at sobrang nakakatawa pa rin talaga. Sana magkaroon ng Zombadings 2, 3, 4, 5 and more parang Shake, Rattle and Roll.
Image from Risa Hontiveros' Facebook page
Kahapon ang last day ng 17th Congress. Kasisimula pa lang nito noong 2016 ay pinu-push na ni Sen. Risa Hontiveros ang SOGIE Equality Bill. Nakakalungkot at hindi ito nabigyan ng importansya at kinakailangan muling ihain sa pagsisimula ng 18th Congress. Maging batas kaya ito sa pagpasok nina Pia Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Bato Dela Rosa and the likes? Only time can tell but we will remain optimistic on this as long as we have our champions in the Congress fighting for our equal rights.
Nagpa-online poll pala ang House of Representatives about same-sex unions. Sa true lang, imbes na ma-excite ako, hindi ko na-bet-an. Bakit idinaan sa survey? Kaya nga sila ibinoto ng mga tao dahil sa mga plataporma nila (talaga lang huh?). I don't really get the point of having this poll dahil hindi naman lahat ay may access sa Internet. The LGBT+ community deserves so much better than this. We need the Congress to believe that we deserve equal rights and not just base their decision on a poll that can be easily manipulated.
Nagamot daw ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkabakla nang makilala ang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman. I can't help but to sigh and do facepalm in my mind. 'Yung inaakala nating umuusad na tayo sa ganyang paniniwala, heto't umatras at pinangunahan pa ng leader ng bansa. It's saddening because he has a lot of supporters from the LGBT+ community at ito pa ang kanyang ibabalik. Pwede bang itaas natin ang ating tingin sa mga babae at 'wag silang itratong gamot sa kabaklaan sapagkat hindi ito sakit na malulunasan.
Isa sa pinakamatunog na DDS ang transwoman na si Sass Rogando Sasot. Imbes na ipagtanggol ang komunidad kung saan siya nabibilang, sinisi pa niya si Pia Ranada ng Rappler dahil hindi daw nito naintindihan ang joke ng pangulo. So joke na lang tayo, ganon ba?
No comments:
Post a Comment