Saturday, February 22, 2020

Minulat

Nakikiisa ako sa Kapamilya Network para ma-renew ang franchise nila sa kongreso upang patuloy na makapag-broadcast ng balita at entertainment sa masang Pilipino. Alam naman natin na ginigipit sila ngayon dahil hindi in favor sa kanila si Tatay Digong. Well, well, well, hindi yata nila nasukat ang impluwensiya ng mga Kapamilya artists na maaaring ma-impluwensiyahan ang mga utaw. Pwera diyan ang mga solid DDS na sina Ka Tunying, Noli De Castro and the likes. 'Di ko talaga sila bet ever!

Speaking of Kapamilya, last year ay lumikha nang malakas na ingay ang seryeng Mga Batang Poz na mapapanood exclusively sa iWant, ang online app ng ABS-CBN. Naipalabas pa nga ito sa mga sinehan at napakaganda ng reviews. Minulat nito ang kamalayan ng mga tao sa kung ano ang kasalukuyang estado ng HIV/AIDS sa bansa. Base na rin sa nabasa ko sa social media, na-push nito ang ilang kabataan partikular na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na magpa-HIV/AIDS test.

Mga Batang Poz
by Segundo Matias, Jr.

Of course, we got excited with the cast - Awra Briguela, Mark Neuman and the newcomers Paolo Gumabao and Fino Herrera. Na-love at first sight yata ako kay Fino. Paka-gwapo! Not to mention his almost-perfect physique. Ang mga pandesal sa tiyan, mga ateng, nagmumura! 


The first part of the series was uploaded in YouTube. Nakakaintriga! This was based on the book with the same name written by Segundo Matias, Jr. After watching the first part and Luis's story on iWant, I decided to read the book.

Fast forward to the current month, katatapos ko lang kanina mabasa sa UV Express ang libro and I must say it's so good. Napakaganda ng pagkakasulat - simple, madaling basahin, direct to the point at hango sa pananaliksik. Feel na feel ko 'yung alter world sa Twitter pati na ang mga sexual escapades ng mga alter accounts. 'Yung pagiging mapusok nila sa pakikipagtalik na kahit unprotected, go sila. Ipina-educate din sa mga mambabasa na ang HIV ay pwedeng makuha kahit iisa lang ang katalik mo - dahil hindi mo alam kung ikaw lang ba ang nakaka-sex niya. Ganooon!

Nakatutuwa din ang pagkakaibigan nabuo sa apat na panginahing karakter - sina Chuchay, Gab, Enzo at Luis. Para silang mga totoong tao na nakilala mo na sa buhay mo. Maaaring kapatid, kaibigan o kakilala. I particularly like Gab's story. Ramdam na ramdam ko siya. May suprise sa dulo at kung bet niyo malaman kung ano 'yon, read the book or watch the series.

Wala na akong ibang masabi kundi napakaganda nito. Unang beses yatang magkaroon ng ganitong serye at balita ko, may part 2 daw. Ngayon pa lang ay excited na ako kaya abangan natin!

Friday, February 7, 2020

Dinugtungan

Patuloy na pumapanig si Tatay Digong sa Tsina at nakiusap na 'wag isisi sa kanila ang paglaganap ng 2019-nCoV. Inuna pa talaga niya ang feelings ng mga Tsekwa kaysa sa mga Pilipinong napa-praning sa sakit na dulot nila. Sa kanila nagsimula, 'di ba? Tapos sila itong walang habas mag-travel sa kung saan-saan dala ang virus na ngayon ay ikinababahala sa buong mundo. Hindi ko sila sinisisi dahil sino ba naman ang gusto magkasakit? Ang sa akin lang, napakabagal umaksyon ng gobyerno natin. Kung noong una pa lang ay nag-ban na sila ng travellers from China, eh 'di sana hindi tayo sumapit sa ganitong halos magdadalawang daan na ang under observation. As if naman napakaganda ng healthcare system natin.

Two years ago, pinaiyak tayo ng pag-iibigan nina Elio at Oliver sa Call Me By Your Name. Ang tagal bago ako pinag-move on nang dalawa. Hirap talaga kapag hindi happy ending eh. CHAR! Mukhang nakaramdam naman ang author na si Andre Aciman at ginawan nang karugtong ang istorya nila. October last year nang lumabas ang nobelang Find Me.

Hindi kaagad ako nagkaroon ng kopya nito dahil limitado ang supply sa National Bookstore kaya sa Amazon UK ako napabili. Dumating naman before Christmas but I saved it as my January 2020 book.

The story focused on the life of Elio and his father, Samuel, years after Oliver left Italy. Naghiwalay ang mga magulang ni Elio at nakapangasawa nang mas bata ang tatay niya, si Miranda. Nagkaroon siya dito ng kapatid. Siya naman ay nagkajowa rin sa katauhan ni Michel na ang edad ay halos doble nang sa kanya. Mahilig talaga sa matanda itong si Elio, 'noh? Sabagay, mas experienced and knows how to handle twinks like him. CHOS!

Halos patapos na ang libro nang talakayin ang buhay ni Oliver. 'Yung awang-awa tayo kay Elio sa ending ng CMBYN dahil sa pang-iiwan sa kanya. 'Yun pala ay ganoon din kalungkot si Oliver. Hindi nga lang tinalakay sa libro at pelikula.

Ayoko na masyadong mag-kwento about Find Me but for me, it was not as impacting as the first one. Pero dedma lang kasi maganda pa rin naman. Ang pinakamahalaga, dinugtungan nito ang pagmamahalan nang dalawa. Ang tanong lang eh happy ending ba? Kung gusto niyong malaman, tara na't kumuha ng kopya.

Most of us felt that January was super long. Naramdaman ko din 'yan. Sa pagpasok ng Pebrero, marami ang umaasang magiging mas magaan ito lalo na at tinagurian itong buwan ng pag-ibig. May jowa man o waley, basta maging healthy, 'yan na lang ang tanging hiling ko para sa 'ting lahat.

Sunday, February 2, 2020

Macho Dancer 2.0: Mabenta

Matapos ang ilang linggong pagdagsa ng mga Intsik sa ating bansa, isang kumpirmadong kaso ng n-CoV ang naitala ng DOH. Kaya naman todong mabenta ngayon ang face masks at alcohol to the point na nagkakaubusan na ng stocks. Dahil hindi agad nagpahinto ng flights mula China ang gobyerno, marami ngayon ang dismayado. Alam naman natin na bago pa mangyari ito, puno na ang mga pampublikong hospital sa bansa. Paano tayo nakasisigurong handa ang ating gobyerno kung sakaling madagdagan ang confirmed case/s? While this is happening, let's all protect ourselves and follow this precautionary tips from DOH. Umiwas gumala kung saan-saan kung hindi naman kailangan. As much as possible, manatili muna sa balur at mag-Netflix and chill. At sa mga walang pang paylet sa streaming service na 'yan, 'lika'yo't mag-DVD marathon.

Stardancer (2007)
Indi Films International
Directed by Ihman Esturco

I bought this copy last December during my holiday haul. Akala ko indie film ngunit subalit datapwa't ito'y isang dokyu sa buhay ng pitong macho dancer. Kwento muna sila kung paano sila napasok sa pagsasayaw, para kanino sila nagta-trabaho, mga customer na ang kanilang nakadaupang-palad, at plano sa hinaharap. Infairness naman sa mga sagot nila, malaman at may pangarap. Doon lang actually umikot ang dokyu na wala pang isang oras ang itinakbo.

May interview din sa may-ari ng isang gay bar. Kwento siya kung paano sila pumili ng magiging stardancer. Ayaw man natin ay may bilatsinang umeksena at parokyano daw siya ng gay bars. Gumagastos daw talaga siya para sa aliw na binibigay ng mga otokong sumasayaw. Talaga lang huh? Ramdam niyo ba ang pagiging insekyora ko? HMP!

"Hindi habambuhay ay sa gay bar ako nagtatrabaho. 
Kukupas at kukupas ang itsura."
Mabalik tayo sa mga otoksung. Habang tumatagal ang palabas, pakonti nang pakonti ang suot nila habang gumigiling. Hanggang ang ilan ay nakita na ang dapat makita. 'Yun na! Ang experience after mapanood eh para ka na ring pumasok sa gay bar with matching interview portion. Medyo natabangan ako sa laman, parang ginawa lang para kilitiin ang marurupok nating damdamin.

Rating: 2/5 stars