Matapos ang ilang linggong pagdagsa ng mga Intsik sa ating bansa, isang kumpirmadong kaso ng n-CoV ang naitala ng DOH. Kaya naman todong mabenta ngayon ang face masks at alcohol to the point na nagkakaubusan na ng stocks. Dahil hindi agad nagpahinto ng flights mula China ang gobyerno, marami ngayon ang dismayado. Alam naman natin na bago pa mangyari ito, puno na ang mga pampublikong hospital sa bansa. Paano tayo nakasisigurong handa ang ating gobyerno kung sakaling madagdagan ang confirmed case/s? While this is happening, let's all protect ourselves and follow this
precautionary tips from DOH. Umiwas gumala kung saan-saan kung hindi naman kailangan. As much as possible, manatili muna sa balur at mag-Netflix and chill. At sa mga walang pang paylet sa streaming service na 'yan, 'lika'yo't mag-DVD marathon.
Stardancer (2007)
Indi Films International
Directed by Ihman Esturco
I bought this copy last December during my holiday haul. Akala ko indie film ngunit subalit datapwa't ito'y isang dokyu sa buhay ng pitong macho dancer. Kwento muna sila kung paano sila napasok sa pagsasayaw, para kanino sila nagta-trabaho, mga customer na ang kanilang nakadaupang-palad, at plano sa hinaharap. Infairness naman sa mga sagot nila, malaman at may pangarap. Doon lang actually umikot ang dokyu na wala pang isang oras ang itinakbo.
May interview din sa may-ari ng isang gay bar. Kwento siya kung paano sila pumili ng magiging stardancer. Ayaw man natin ay may bilatsinang umeksena at parokyano daw siya ng gay bars. Gumagastos daw talaga siya para sa aliw na binibigay ng mga otokong sumasayaw. Talaga lang huh? Ramdam niyo ba ang pagiging insekyora ko? HMP!
|
"Hindi habambuhay ay sa gay bar ako nagtatrabaho.
Kukupas at kukupas ang itsura." |
Mabalik tayo sa mga otoksung. Habang tumatagal ang palabas, pakonti nang pakonti ang suot nila habang gumigiling. Hanggang ang ilan ay nakita na ang dapat makita. 'Yun na! Ang experience after mapanood eh para ka na ring pumasok sa gay bar with matching interview portion. Medyo natabangan ako sa laman, parang ginawa lang para kilitiin ang marurupok nating damdamin.
Rating: 2/5 stars
No comments:
Post a Comment