Kagulo talaga simula nang mag-lockdown noong nakaraang buwan. Pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Dumarami na rin ang namamatay samantalang mabagal ang usad ng number of recoveries. Kung umaksyon siguro ang gobyerno kaagad, hindi tayo aabot sa ganito. Sa may Pasay-MOA area lang, parang ikaw na ang dayuhan sa dami ng tsekwang makakasalubong mo. Infairness, ang lagkit nilang tumingin, parang pinagnanasaan akiz. Doon na lang ako rarampage after nitong quarantine. Baka sakaling mas malaki ang kita. CHOS!
Sa dami ng ganap, heto ang maikli pero makatas na opiniónes ko sa mga nagbabagang balita:
1. Itinatanggi na ngayon ni Ethel Booba na sa kanya ang Twitter account na kung ako ang tatanungin ay siyang naging daan upang sumikat siyang muli. Nakilala ang account sa maaanghang pero makabuluhang tweets tungkol sa iba't ibang issue. According to Ethel's Instagram account, peke daw ito at ginamit lang siya. After so many years, ngayon niya lang sinabi??? Hhmmm... feeling ko, may gumipit sa kanya. Nakapag-publish pa nga ng libro dahil sa witty charot tweets niya na nagkaroon pa ng book signing tapos hindi pala siya??? I wonder how, I wonder why...
2. While browsing YouTube, sunud-sunod ang recommendation vlogs mula sa members ng Pacquiao family. Na-curious aketch kaya nang i-click ko, wiz naman nakapagtataka na thousands ang followers at milyon-milyon ang views. Isa sila sa prominenteng pamilya sa larangan ng sports at ngayon, sa pulitika. Very active sila mag-shoot at edit kahit naka-quarantine huh! Mukhang taking advantage of the situation bilang karamihan ay nasa bahay at isa sa mga past time ng mga utaw ay mag-internet. Naaliw ba kayo sa pakulo nila? Ako, I smell something being cooked. Parang matitikman natin 'yan sa 2022. ABANGAN.
3. Nakita niyo na ba ang TikTok videos nina Cabinet secretary Karlo Nograles at ex-Presidential spokesperson Harry Roque? NAKAKALOKA!
4. Maraming residente ng Quezon City ang dismayado kay Mayora Joy Belmonte. Medyo hindi kasi ramdam ang presence niya sa panahon ng sakuna tapos nagkalat pa sa social media. To be fair naman, mukhang overwhelmed ang lola natin dahil sino ba ang mag-aakala na aabot tayo sa ganitong sitwayson. Humingi na siya ng paumanhin sa kanyang inasal at nagpapadala na ng bonggang relief goods. Magkakaroon na rin ng swabbing booth sa ilang ospital para makaiwas sa COVID-19 exposure ang ibang health workers at makatipid na rin sa PPEs o Personal Protective Equipment.
5. Ramdam niyo ba ang 275 billion peysosesoses na budget ng gobyerno para sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19? Ako hindi pa pero sana, maambunan na. Mga ateng, pakisindi nga ang kandila sa altar at ulit-ulit nating sambitin "pera ni Tatay, magparamdam ka... pera ni Tatay, magparamdam ka..."
6. Isa ba kayo sa mga bonggang nag-react kay Alma Aquino na isang beneficiary ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagsabing pang-isang linggo lang ang 8 kiaw sa pamilee niya? Honestly, na-shock din akiz pero wit muna ako nag-post ng reaksyon. Gusto ko sanang mapanood muna ang buong balita bago kumuda pero hindi ko makita. Sa akin lang, hindi kami pareho ng buhay ni Ate Alma. Maaaring mas marami siyang kapamilya na may iba't ibang pangangailangan. Who am I to judge?
'Yan na muna. BABU!
No comments:
Post a Comment