Pumanaw nitong nakaraang buwan ang batikang manunulat na si Elena Patron. Medyo naging emosyonal ako nang mabalitaan 'yan dahil isa siya sa mga nobelista na nakamulatan ko sa pagbabasa ng Pinoy komiks.
Kadalasan ay babae ang kanyang mga bida na pawang matatalino, matapang at pursigido sa buhay. Ilan sa mga likha niya ay naisapelikula tulad ng Isinilang Ko ang Anak ng Ibang Babae, Lord, Give Me a Lover, Dalawa ang Nagdalantao sa Akin at ang isa sa pinaka paborito kong Pinoy fantasy movie, ang Blusang Itim starring Snooky Serna and Richard Gomez.
Todong na-miss kong magbasa ng komiks kaya noong 2019 ay sinimulan kong subaybayan ang nobela niyang Lover Boy sa mga pahina ng Liwayway Magazine. Nahinto lamang ang produksiyon nito gawa ng pandemya. Nawa'y natapos niya ang istorya bago siya pumanaw.
Bilang pagpupugay sa kanyang kontribusyon sa larangan ng literatura, hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang ilan sa mga naitabi kong gawa niya...
Bawat kataga ng mga karakter mo ay nagbibigay inspirasyon sa amin. Maraming salamat sa mga istoryang binigyan buhay mo sa pamamagitan ng pagsusulat. Mananatili ito sa aming puso't isipan.
Sumikat si Elena Patron dahil sa blockbuster success ng Kapatid Ko Aking Ina starring Movie Queen Amalia Fuentes.
ReplyDelete