Friday, June 17, 2022

Pasimuno 2.0

Click here for part 1.

5. Heavenly Touch. Supporting lang si Marco dito bilang isang masahista na drug pusher pero unforgettable ang kangkangan scene nila ni Joash Balejado. Laplapan kung laplapan. Kainggit!

4. Walang Kawala. Eto ang kauna-unahang premiere night na dinaluhan ko sa UP. Waging-wagi ang press release nito dahil first time magpasexy ni Joseph Bitangcol at may pa-frontal si Marco. Ito talaga ang nag-launch sa kanyang karera bilang primero hubadero.

3. Laruang Lalake. Sa lahat siguro ng pelikula ni Marco, eto ang pinaka de-kalibre dahil sinulat ni Lex Bonife at dinirek ni Joselito Altarejos. Umikot ang pelikula sa kung ano ang struggles sa paggawa ng gay indie film. Tawang-tawa ako sa karakter ni Mon Confiado bilang producer at manager ng gay bar. Effective siya sa gay role infairness!

2. Booking. Bet maging artista ni Marco pero hindi siya mahanapan ng project ng kanyang manager na si Emilio Garcia. Kung kani-kaninong producer na nakiusap ang gaga pero wiz tinatanggap ang alaga. Napagod na sa kahihintay kaya nag-solo flight na lang at nainlove kay Mercedes Cabral.

1. Pipo. While watching, napagtanto ko na very Lino Brocka sa pagka-poverty porn ito. Nakakaloka ang setting ng mga bahay na nakalutang sa dagat. Madulas ka lang sa nilalakaran, derecho tubig ka na. Isa sa mga tumatak na eksena ay ang hapag-kainan scene ni Karla Estrada at ng mga anak niya. Walang kuryente, malamok at walang pambayad sa eskwelahan. Very true to life!

Wakas.

Tuesday, June 14, 2022

Restoration Project #11: Hindi Makapagpatawad

Hindi Makapagpatawad
Sinulat ni Delfin M. Batongbakal
Guhit ni Romy Santos

Pinoy Klasiks
Hulyo 7, 1996
Taon 33 Blg. 1859
Graphic Arts Services, Inc.

Sunday, June 12, 2022

Pasimuno 1.0

Let's continue our Pride Month celebration! 🌈 Sa tuwing matatapos ang shift ko sa trabaho, it's either magbabasa ako ng libro o manonood ng pelikula. Pampawala ng stress dulot ng deliverables at deadlines. Nitong nakaraan, sinipag akong mag-movie marathon ng mga pelikulang pinagbidahan ni Marco Morales. Siya ang pasimuno kung bakit nabaliw-baliw ako sa gay indie films na umusbong noong late 2000s. Halos lahat yata ng pelikula niya ay pinanood ko sa sinehan, 'yung tatlo ay umattend pa ako ng premiere night sa UP Cine Adarna.

Halikayo't balikan natin ang siyam sa naging pelikula niya at iranggo natin hanggang sa pinaka-bet na bet!

9. Pagnanasa. Istorya ng tatlong magkakapatid na nagkahiwa-hiwalay at muntikang makipag-sex sa isa't isa. NAKAKALOKA! Click here para mabasa ang review ko 12 years ago.

8. I Love Dreamguyz.
Mga dancer na gustong makapag-abroad para mapaginhawa ang buhay. Bet ko na tinalakay ang risk sa pagsali sa mga networking na hanggang ngayon ay meron pa rin. Ang cringey lang umakting ni Jao Mapa bilang beki. Bukod kay Marco, napakasarap dito ni Jay-L Dizon.

7. Big Night. Hindi na masyadong tinatao ang bar na negosyo ng isang pamilya kaya nag-decide silang magkaroon ng big night o live show. Saving grace ang pag-akting ni Jaycee Parker. Kahit mahina ang istorya, bigay-todo siya sa pag-arte. 

6. Butas. Misis ni Allen Dizon si Gwen Garci na nakikipaglandian kay Marco. Lahat ng milagro na ginagawa nila ay nakita ni Allen sa mga butas ng kanilang tagpuan. Maraming frontal nudity ito nang maipalabas sa UP Cine Adarna pero lahat ay nachop-chop nang dumaan sa MTRCB.

Itutuloy...

Saturday, June 11, 2022

Dumiga

HAPPY PRIDE MONTH! 🌈

After 2 years of lockdown, makalalabas na muli tayo upang ipagdiwang ang Pride Month. Excited na ba kayong rumampa muli sa lansangan? Ako, hindi pa sigurado dahil medyo nalalayuan ako sa Pasay pero meron din ganap dito sa QC Circle na ihahanda ng Pride PH. Bagong-bago ang organisasyon na 'yan kaya feel kong sumuporta.

Kagabi ay nasa Cinematheque Centre Manila ako para sa launch ng PeliKULAYa International LGBTQIA+ Film Festival. Ito ay hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng chairperson nito na si Liza Diño. Infairness, may mga foreign attendees from different embassies like Spain, Korea, Mexico and US of A. Opening salvo ng festival ang Lingua Franca, ang pelikulang isinulat, idinirek, at pinagbidahan ng transpinay na si Isabel Sandoval.

Lingua Franca (2019)
7107 Entertainment
Written and Directed by Isabel Sandoval
Starring Eamon Farren, Lynn Cohen, and Isabel Sandoval

Si Olivia (Sandoval) ay isang undocumented immigrant na nakatira sa New York at caregiver ni Olga (Cohen), isang elderly na nag-uulyanin na. Kasama nila sa balur ang apo na si Alex (Farren) na hindi alam na isa siyang transgender woman. 

Para makakuha ng green card, binabayaran niya si Matthew para siya'y pakasalan. Napurnada ang plano nang ma-inlavey sa ibang illegal immigrant ang otoko. Mas pinili niya itong pakasalan kaysa sa ating bida. Wala namang magawa si Olivia kundi ang mangamba para sa kanyang estado.

Alex and Olga
Dahil nasa iisang balur lang sina Olivia at Alex, hindi naiwasang magkadevelopan ang dalawa. Unang dumiga ang ateng natin at proud na ibinandera ang watawat ng Pilipinas. CHAR! Eventually, nalaman din ni Alex ang gender identity ni Olivia. Medyo nagulat noong una pero tinanggap din. Nagkatuluyan kaya sila? Ayaw kong sabihin pero sumakit ang dibdib ko sa ending.

Iilan lang naman ang mga pelikula na ang bida ay isang transgender woman ngunit angat sa lahat ang istorya ni Olivia. Hindi siya sex worker, hindi siya bungangera, hindi siya 'yung tipikal na karaketer na usually nating napapanood. This was a different take on our life and I'm glad that a Filipina filmaker made this movie. 

May dalawang screening pa ito sa  June 16 at 21. Sana ay makapaglaan kayo ng oras dahil minsan lang tayo magkaroon ng pelikulang tulad nito. 


Rating: 5/5 stars

Sunday, June 5, 2022

Restoration Project #10: Nektar

Nektar
Nobela ni Jun M. Estrada
Guhit ni Loyd Jamon
Pinoy Klasiks
Mayo 19, 1996
Taon 33 Blg. 1845
Graphic Arts Services, Inc.