Sunday, June 12, 2022

Pasimuno 1.0

Let's continue our Pride Month celebration! 🌈 Sa tuwing matatapos ang shift ko sa trabaho, it's either magbabasa ako ng libro o manonood ng pelikula. Pampawala ng stress dulot ng deliverables at deadlines. Nitong nakaraan, sinipag akong mag-movie marathon ng mga pelikulang pinagbidahan ni Marco Morales. Siya ang pasimuno kung bakit nabaliw-baliw ako sa gay indie films na umusbong noong late 2000s. Halos lahat yata ng pelikula niya ay pinanood ko sa sinehan, 'yung tatlo ay umattend pa ako ng premiere night sa UP Cine Adarna.

Halikayo't balikan natin ang siyam sa naging pelikula niya at iranggo natin hanggang sa pinaka-bet na bet!

9. Pagnanasa. Istorya ng tatlong magkakapatid na nagkahiwa-hiwalay at muntikang makipag-sex sa isa't isa. NAKAKALOKA! Click here para mabasa ang review ko 12 years ago.

8. I Love Dreamguyz.
Mga dancer na gustong makapag-abroad para mapaginhawa ang buhay. Bet ko na tinalakay ang risk sa pagsali sa mga networking na hanggang ngayon ay meron pa rin. Ang cringey lang umakting ni Jao Mapa bilang beki. Bukod kay Marco, napakasarap dito ni Jay-L Dizon.

7. Big Night. Hindi na masyadong tinatao ang bar na negosyo ng isang pamilya kaya nag-decide silang magkaroon ng big night o live show. Saving grace ang pag-akting ni Jaycee Parker. Kahit mahina ang istorya, bigay-todo siya sa pag-arte. 

6. Butas. Misis ni Allen Dizon si Gwen Garci na nakikipaglandian kay Marco. Lahat ng milagro na ginagawa nila ay nakita ni Allen sa mga butas ng kanilang tagpuan. Maraming frontal nudity ito nang maipalabas sa UP Cine Adarna pero lahat ay nachop-chop nang dumaan sa MTRCB.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment