Saturday, June 11, 2022

Dumiga

HAPPY PRIDE MONTH! 🌈

After 2 years of lockdown, makalalabas na muli tayo upang ipagdiwang ang Pride Month. Excited na ba kayong rumampa muli sa lansangan? Ako, hindi pa sigurado dahil medyo nalalayuan ako sa Pasay pero meron din ganap dito sa QC Circle na ihahanda ng Pride PH. Bagong-bago ang organisasyon na 'yan kaya feel kong sumuporta.

Kagabi ay nasa Cinematheque Centre Manila ako para sa launch ng PeliKULAYa International LGBTQIA+ Film Festival. Ito ay hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng chairperson nito na si Liza Diño. Infairness, may mga foreign attendees from different embassies like Spain, Korea, Mexico and US of A. Opening salvo ng festival ang Lingua Franca, ang pelikulang isinulat, idinirek, at pinagbidahan ng transpinay na si Isabel Sandoval.

Lingua Franca (2019)
7107 Entertainment
Written and Directed by Isabel Sandoval
Starring Eamon Farren, Lynn Cohen, and Isabel Sandoval

Si Olivia (Sandoval) ay isang undocumented immigrant na nakatira sa New York at caregiver ni Olga (Cohen), isang elderly na nag-uulyanin na. Kasama nila sa balur ang apo na si Alex (Farren) na hindi alam na isa siyang transgender woman. 

Para makakuha ng green card, binabayaran niya si Matthew para siya'y pakasalan. Napurnada ang plano nang ma-inlavey sa ibang illegal immigrant ang otoko. Mas pinili niya itong pakasalan kaysa sa ating bida. Wala namang magawa si Olivia kundi ang mangamba para sa kanyang estado.

Alex and Olga
Dahil nasa iisang balur lang sina Olivia at Alex, hindi naiwasang magkadevelopan ang dalawa. Unang dumiga ang ateng natin at proud na ibinandera ang watawat ng Pilipinas. CHAR! Eventually, nalaman din ni Alex ang gender identity ni Olivia. Medyo nagulat noong una pero tinanggap din. Nagkatuluyan kaya sila? Ayaw kong sabihin pero sumakit ang dibdib ko sa ending.

Iilan lang naman ang mga pelikula na ang bida ay isang transgender woman ngunit angat sa lahat ang istorya ni Olivia. Hindi siya sex worker, hindi siya bungangera, hindi siya 'yung tipikal na karaketer na usually nating napapanood. This was a different take on our life and I'm glad that a Filipina filmaker made this movie. 

May dalawang screening pa ito sa  June 16 at 21. Sana ay makapaglaan kayo ng oras dahil minsan lang tayo magkaroon ng pelikulang tulad nito. 


Rating: 5/5 stars

No comments:

Post a Comment