Tuesday, December 20, 2022

Magara

Sa Linggo na ang Kapaskuhan at talaga naman NAKAKALOKA ang Christmas rush! Traffic kahit saan at ang hirap sumakay. Ang haba ng pila sa EDSA Carousel dahil 'di sapat ang bus sa dami ng pasahero. Pati traditional jeep ay kulang na rin dahil naiipit sa kalsada gawa na ang daming private vehicles na bumabyahe. Ewan ko kung ako lang ba pero nang lumuwag ang COVID-19 restrictions, bakit parang dumalang ang e-jeep na pinagmamalaki ng nakaraang administrasyon? Kung ayaw niyo masayang ang oras niyo sa daan at hindi rin lang naman importante ang lakad, manatili na lang sa bahay dahil talagang hindi nakaka-fresh ang sitwasyon ng transportasyon ngayon.

Nitong nakaraang Miyerkules ay pumunta ako sa SM para mamili ng damit na susuotin sa year-end party ng departamentong kinabibilangan ko sa opisina. Bet ko sana sa H&M o Uniqlo pero juice ko po, pati dito ay ang haba ng pila. Kahit ang daming kahera, abot sa gitna ng tindahan ang linya. Ending, sa department store na lang ako bumili. Pagkabayad ay rektang uwi. Mahirap abutan ng rush hour sa daan.

Last Saturday naman ay dumaan ako sa PolyEast Records kiosk sa Fishermall para bumili ng CD. Kating-kati ang tainga ko na pakinggan ang kantang Kumukutikutitap ni Joey Albert. Ang festive sa feeling kapag naririnig ko 'yan kahit saan kaya naman bumili na ako ng kopya para idagdag sa aking koleksyon.

Excited na ba kayo sa noche buena at sa mga regalong matatanggap? Simple man o magara, may aguinaldo o wala, ang mahalaga ay ipagdiwang natin ang araw na ito para sa Kanya. Huwag kalimutang magpasalamat at magpakabundat!

No comments:

Post a Comment