Tatlong buwan din akong namahinga sa pagsusulat. Wala naman masyadong ganap sa buhay maliban sa pagtatrabaho at pamimili ng CDs at DVDs online. Bilang summer na, bet ko sanang mag-beach na at umaura-aura muli sa buhanginan. Hindi pa ako nakakarating sa Puerto Galera pero dahil sa oil spill, mukhang sa ibang dalampasigan muna ako rarampa. May suggestions ba kayo, mga ateng? Basta 'yung mura lang at malapit sa Kamaynilaan.
At dahil todo ang siklab ng panahon, lahat siguro tayo ngayon ay nakararanas ng...
Init ng Laman (1998)
Good Harvest Production
Directed by Tata Esteban
Written by Dennis Evangelista, Tata Esteban, and Imelda Gabriel
Starring Sunshine Cruz, Hazel Espinosa, John Apacible, Melissa Mendez and Toffee Calma
Isang matagumpay na mining engineer si Laila (Cruz) na may madilim na nakaraan. Anak siya ng isang mapang-abusong sundalo. Lahat ng paghihirap na pinagdaanan ng kanyang ina (Mendez) ay kanyang nasaksihan. Naging parte pa siya nito kapag pinagkikilos at pinag-aayos lalaki siya ng kanyang ama.
Asawa niya si Manny (Calma) na isang artist. Dahil mas malaking kumita si Laila, ito ang nakatokang mag-asikaso sa bahay. Subalit lubos na selosa si Laila na konting kibot lamang ni Manny ay nagwawala na ito. Kadalasan ay nauuwi pa sa pambubugbog. Yes, battered husband si Manny. Hindi niya magawang iwan si Laila dahil bukod sa tunay naman niyang mahal ito, tumutulong din ito sa pagpapaaral sa kanyang kapatid at bigay-todo din sa mga hiling ng kanyang ina. Tatay niya lamang ang hindi sumasang-ayon dito.
Bumabalik ang trauma ni Laila sa tuwing nagagalit siya. Habang namamasyal sa Baguio, nakuhanan niya ng litrato si Manny na may kausap na babae. Agad niya itong pinagselosan na nauwi muli sa pambubugbog. Nang humupa ang galit, nakiusap siyang patawarin nito pero hindi na kaya ni Manny ang trato sa kanya.
Pinalabas ni Laila na nasa Amerika ang kanyang ama ngunit ang totoo ay nasa mental hospital ito. Nang mamatay ay iniuwi niya ang bangkay. Dumating si Manny para kunin ang mga gamit at laking gulat nang mabagsakan ng biyenan nang buksan ang aparador. Agad-agad siyang umalis. Sinunog naman ni Laila ang bangkay sa kanilang hardin.
Humingi ng tulong si Manny kay Allen (Apacible) na abogadong boyfriend ng kanyang ex-jowa (Espinosa). Habang nasa daan, nasalubong nila si Laila at sila'y pinaputukan. Tumakas si Allen para humingi ng tulong habang naghabulan sa kakahuyan ang dalawa. Nang abutan ni Laila si Manny, nag-kiss muna sila saka binaril ni Laila si Manny sa ulo. Patay din siya kasi tumagos sa bungo ang bala.
Paborito ko talaga ang mga pito-pito movies noong '90s. Sa mga hindi nakakaalam, mga pelikula ito na low-budgeted at usually ay natatapos lang ang shooting ng pitong araw. Karamihan nito ay sexy ang tema at ang bida madalas ay mga baguhang artista.
Magaling umarte dito si Sunshine Cruz, bigay na bigay siya sa pagiging sweet, loving, sexy and crazy wife. Si John Apacible ay napaka-hot pero bitin lang ang exposure niya. I want more pa sana. CHAR!
Rating: 2/5 stars
No comments:
Post a Comment