Monday, December 9, 2024

Mabusisi

Nagawi ako noong isang buwan sa National Bookstore dahil feeling ko hindi kumpleto ang mall tour na hindi ako napapadaan diyan o sa Booksale. Tiningnan ko ang magazine section at kahit paano ay may Philippine publications pa. Nandiyan pa ang People Asia, Mega (na bagong anyo na), Liwayway, Agriculture, at Philippine Tatler. Bago sa paningin ko itong Vogue Philippines though 2 years old na sila. May L'Officiel, Art+, at Billboard magazine din. Grabe din pala ang presyuhan ngayon, umaabot na sa 800 pesos ang isang kopya. Hindi rin natin masisi kasi ang laki ng ibinaba ng print ads, nag-shift na sa social media para i-promote ang kanilang paninda at serbisyo.

National Bookstore Trinoma branch

Of course matagal nang out of print ang mga magazine na kinalakhan natin tulad ng FHM, Cosmopolitan, Candy, Good Housekeeping at iba pang lathala ng Summit Media. Kung tsismis ang kailangan, nandiyan ang Yes! at Star Studio. Every July naman inaabangan ko ang Chalk kasi back-to-back features ng UAAP at NCAA. Garage was actually good and stylish pero para siya katalogo. Naabutan ko rin na naging monthly ang Woman Today na weekly noong 90s. Siyempre, hindi pwedeng kalimutan ang LGBT-themed glossies like Generation Pink, Icon at Valentino.

Nakaka-miss magbasa ng mga artikulong dumaan sa mabusising review. Hindi basta-basta mapri-print hangga't walang approval ng editor-in-chief. May quality check ang content. Ngayon, kung anu-ano na lang ang napapanood at nababasa natin sa FYP. Unless na galing sa legit news source, mapapatanong ka kung legit ba o fake.

Hinalungkat ko ang 'baul ng kayamanan' para i-reminisce ang nakaraan. When I was in college, nagbabasa kami ng classmates ko ng Seventeen at may naitago pa akong isang kopya, ang December 2004 issue. Hindi ko alam kung vintage ko na bang matatawag ito pero I can't believe this is already 20 years old. Parang ganito pa rin kasi ang pormahan at way of thinking ko. CHAR!

Seventeen Magazine
December 2004
Brent Javier and Maike Evers