Tuesday, December 24, 2024

Agapan

Aligaga na ba kayo sa paghahanda sa noche buena? Ang mga regalo ba ay nakabalot na? May laman na ba ang angpao na pang-aguinaldo? O may shift sa trabaho para double pay? Kung ano man ang estado niyo habang binabasa ito... MALIGAYANG PASKO!

Maraming ganap ngayong taon na nakaapekto sa mga buhay natin. Nariyan ang mala-impyernong tag-init na sinundan ng paghambalos ng sunud-sunod na bagyo. Ang patuloy na pag-aaway nina BBM at Sara imbes na unahin ang problema ng bansa, at kung anu-ano pang chika na wala naman talagang direktang epekto sa atin pero dahil likas tayong sawsawera, feeling natin ay entitled tayo magbigay ng opinyon.

Tulad ng mga nakaraang taon, nagpapasalamat ako kasi we are still breathing and surviving this world. Isa sa mga pagbabagong naranasan ko ngayong taon ay nagsimula na akong mag-take ng maintenance meds for hypertension. Hindi na jugets ang ateng niyo! Pero habang maaga, dapat agapan para hindi na lumala pa. Mahirap at mahal magkasakit kaya we need to take care of ourselves.

Ilang oras na lang at a-vienticinco na. Maya-maya lang ay magluluto na ako ng spaghetti. Habang hinihintay natin 'yan, ipatugtog na itong playlist sa background para more festive sa feels...

No comments:

Post a Comment