Sunday, November 16, 2025

Bangayan

I usually spend my weekends sa Manila but due to the INC rally, I opted to go to Makati Cinema Square at tingnan kung may DVDs na binebenta sa Booksale. Swerte naman dahil kahit wala pa yatang bente piraso eh nakapili ako ng tatlo -- The Haunting of Molly Hartley, sealed copies ng The Vow starring Channing Tatum na pinanood ko sa Greenbelt kasama ang aking officemates 13 years ago at double feature ng Definitely Maybe and Because I Said So.


Booksale na lang talaga ang dinadayo ko. Bigla kong na-miss ang limang palapag ng National Bookstore sa Cubao at ang bright and spacious Powerbooks sa Greenbelt. May mga nakalaan na reading nook sa mga gustong magbasa ng open copies ng magasin at libro. Also, na-realize ko din na kaya mas marami nang restaurants and fast foods sa mall ay dahil the rest can be ordered sa Shopee and Lazada. Parte na talaga ng buhay natin ang e-commerce especially the convenience it brings.

***
Mga ateng, kumusta ang puso't isipan niyo sa kaguluhan ng UniTeam? Honestly, ang draining nila. Sila-sila nagtuturuan sa anomalya pero pare-pareho naman silang magnanakaw. Sino ang talo? Eh 'di tayo, ano pa nga ba. Kung hindi tayo magluluklok ng katulad nina VP Leni, Sen. Kiko at Sen. Bam, malamang walang magbabago. Tamaan na lang tayo ulit ng asteroid para factory reset ang mundo. Kakapagod ang dalang gulo ng mga pulitiko. Imbes na pagandahin ang buhay natin, ayun at busy sa bangayan. UMAAAY!

No comments:

Post a Comment