Saturday, February 18, 2012

Tagos

Pinainit ng pelikulang ito ang nagyeyelo kong Valentines.

Hindi pa pinapalabas 'to sa sinehan pero watering hole na ako agad agad kay Channing Tatum lalo na kapag nakikita ko ang higanteng movie poster nito sa Shangri-La Mall. Nang mapanood ko ito noong isang araw, muntikan na akong ma-dehydrate sa kanyang nag-uumapaw na kasarapan. Kahit yata puro siya na lang ang makikita ko sa screen, nunca ako magsasawa.

Kahit tipikal na ang istorya lalo na sa mga Pinoy ang nakalimot o may amnesia ang bida, kakaiba naman ang twist ng The Vow. Mabilis ang takbo at walang cheche burecheng eksena. Magaling talagang magpakilig si Channing. Ewan ko ba kung dahil sa character niya o dahil sa katawan niya. Winner din ang linya ng maderaka ni Rachel McAdams habang nagbubungkal ng lupa. Napa "aaaawwww" ang mga nanood sa lakas ng impact. Tagos sa puso ang mensahe.

Bukod sa maganda ang pelikula eh solb na solb ako sa tapur scene ni Channing. Nakakabaliw sa sarap! YAM! YAM!

No comments:

Post a Comment