Dekada 2000s nang mauso ang mga pekeng CD at DVD. Number one na kalaban ng entertainment industry. Bukod sa mura ay very accessible dahil ibinebenta sa bangketa. Ilang araw pa lang palabas sa sinehan ang pelikula pero meron na agad kopya. Malabo nga lang at dinig na dinig ang tawanan ng moviegoers. Maaaninag mo pa ang silhouette nila.
Palaging laman ng balita ang Optical Media Board (OMB) heads na sina Edu Manzano at Ronnie Ricketts dahil sa mga raid na isinagawa nila para labanan ang pamimirata. Madalas sila sa Quiapo at Baclaran. Ang mga nakumpiska ay sisirain usually gamit ang road rollers.
Naalala ko lang 'yan dahil dito sa isang artikulo na nabasa ko sa National Library. Raid din tungkol sa illegal replication of an uncensored movie starring Josephine Manuel. Hindi ako familiar sa kanya pero featured sa Wish Ko Lang ang talambuhay niya.

No comments:
Post a Comment