Friday, June 29, 2012

Siyasat

Sakay ako ng jeep papuntang Sto. Domingo Church nang aksidente kong nasight ang Video48 sa may tapat ng Metro Comedy Bar along West Ave. Kyusi. Sa mga classic Filipino movie fan na tulad ko, kilala ang ang Video48 blogspot bilang numero unong source ng impormasyon tungkol sa mga sinaunang pelikula.

Kaya last Tuesday, after ng session ko with my dentist sa Anonas ay ditey na ako dumiretso. May nakapagturo rin kasi na dito raw ako makakahanap ng rare copies ng mga pelikulang bet kong mapanood. 

Pagpasok ko sa tindahan, tumambad sa akin ang wide video collections from Laser Disc, VHS, VCDs at DVDs. Marami din laruang naka-display sa eskaparate at posters ng lumang pelikula. Todo siyasat sa bawat makita. Parang ayaw ko nang umuwi.

Lumapit kay ateh sa counter at nag-inquire kung nagbebenta sila ng lumang pelikula. Oo daw. 150 per copy.  Medyo pricey kumpara kay Ligaya Master pero okay lang. 'Di hamak na mas bongga naman ang tindahan na 'to. Chareeeng lang Aling Ligaya! 

Paikot-ikot muna ang mata ko sa paligid. Nalula ako sa dami ng koleksyon! May isang lumang pahina ng Darna komiks na naka-frame. Pina-blow up yata ang first page kung saan makikitang nag-aaway sina Valentina at Darna. Naalala ko tuloy 'yung I-Witness episode ni Howie Severino tungkol sa nawawalang Darna movie. 

Matapos mabusog ng aking mga mata eh ask na ako kay ateh kung may kopya sila ng Paru-parong Itim at Bakekang ni Ate Guy pero wa-i. Buti na lang at merong Rubia Servios ni Ate Vi. Matagal ko nang gustong mapanood ito dahil sa clash nila ni Ate Guy sa MMFF Best Performer award. Bet kong ikumpara ang performance nila. Magpapaka-feelingerang judge ako. 

Feel ko ulit pumasyal ditey. Kung pwede eh mamamasukan na lang ako sa kanila at stay-in pa. Tindera na, guardenia pa. CHAR!

13 comments:

  1. Teh, tanong lang, just in case you come accross. Nkakita kaba ng pinakapeyboriyt pinoy movie ko of all time na HIRAM NA MUKHA ni Nanette Medved doon? Nkaloka na ako kahahanap ng kopya non... < vernieloves >

    ReplyDelete
  2. san po ulit located etong bilihan ng mga old films, i'm coming from makati, pano po pumunta dun, what's the store's name, marami pong salamat

    ReplyDelete
  3. -Teh vernieloves, hindi nadaanan ng mata ko 'yang pelikula na 'yan. Ang dami kasi eh! But you can check with the admin of Video48 blogspot kung meron sila :)

    -Teh Anonymous June 30, 2012 12:19 AM, mag-MRT o bus ka papuntang SM North tapos sakay ka ng jeep pa-Quiapo. Dadaan 'yun sa West Ave. Sabihin mo ibaba ka sa Del Monte o Metro Comedy Bar.

    ReplyDelete
  4. ditse napanood mo na ba ung movie ni cristopher, mario o hara at lolita rodriguez, d ako sure sa title tinimbang ka ngunit kulang..try mo panoorin un super ganda..

    ReplyDelete
  5. Sabi mo mas mura sa Ligaya Master? Ano iyun, tindahan din ba iyun?

    ReplyDelete
  6. -Teh maygan2000, try kong panoorin 'yan :)

    -Teh Anonymous July 5, 2012 3:56 AM, sikat na tindahan ng japeyk dibidis sa Quiapo.

    ReplyDelete
  7. may mga lumang bold or porn or erotica ba dito?

    ReplyDelete
  8. ditse galing ako kahapon kay suking ligaya master tagal ka na daw d nagagawi dun, dun sa 2nd floor na rum nla may nakita ako copy ng tinimbang ka ngunit kulang na reccomend ko na panoorin mo, sabi ko kay kuyang i reserve un para sayo kc 1 copy na lang..marami bago pelikula ngayon sila...maygan2000

    ReplyDelete
  9. @hubadgarido marami po pati mga classic 80"s erotic pinoy movies..

    ReplyDelete
  10. Paano po ma contact si Ligaya?

    ReplyDelete
  11. San po sa quaipo c aling ligaya?

    ReplyDelete
  12. hello. good morning. san po kaya sila makikita sa quiapo? salamat :)

    ReplyDelete