Monday, June 20, 2011

Sweet & Hard

Winner: Kevin Anthony Donnelly 
1st RU: Benj Bolivar (left) and 2nd RU: Martin Flores (right)

KONGRACHULEYSHONS sa mga bonggang winners ng Mr. & Ms. EcoTourism The Mossimo Bikini Summit edition. Kahit naputol ang finals night sa Canyon Cove, Batangas noong June 18 dahil sa todong buhos ng julanis morissette ay natuloy pa rin ang awarding the next day. 

Sweet-sweetan ang arrive ng grand winner at 1st runner-up samantalang ang hard ng dating ni 2nd runner-up. Parang ang sarap isawsaw sa kape ng kanyang mga pandesal sa tiyan. YAAAMI!

Sunday, June 19, 2011

Ang Babae sa Septic Tank

Fan na fan ako ni Eugene Domingo lalo na sa mga pelikula niya kasama si Ai-Ai Delas Alas. Unbeatable ang tandem nila at todong nakakaaliw ang batuhan ng punchlines. Nang magkaroon siya ng solong pelikula via Kimmy Dora, lahat ay bumilib sa kalibre niya sa komedya. Saksi ako kung paano dumagundong ang sinehan sa Gateway sa lakas ng halakhakan ng mga utaw. Nasundan pa ito ng Here Comes The Bride at Mamarazzi.

May bongga siyang pelikula na ipapalabas sa susunod na buwan. Entry ito para sa Cinemalaya 2011. Trailer pa lang eh nakakatawa na. Bet ko sanang mapanood 'to kaya lang far far away kingdom naman ang CCP sa QC.

Mga 'teh, I now present to all of you the trailer of Ang Babae sa Septic Tank.

Thursday, June 16, 2011

Made in China

Due to insistent public demand ay nagbabalik ang Itanong mo kay Bb. Melanie. Narito ang aking kuda sa nagbabagang isyu ngayon...


Ano ang masasabi mo sa pangbu-bully ng China sa Pilipinas at pang-aangkin sa Spratlys Island?

Nais ko mang sumang-ayon sa suhestiyon ni Governor Salceda na i-ban ang mga produkto galing Tsina bilang ganti eh hindi pwede. Isa kasi ako sa milyon-milyong tumatangkilik ng "Made in China". Mas morayta avenue naman ang mga tinda sa Quiapo at Divisoria kesa sa mall noh! Kahit knowsline ko na pwedeng sumabog ang aking ketay dahil sa japeyks na bateryang gawa nila, wala me magagawa. Sa 'yun lang ang kasya sa budjey ko eh.

Bukod sa Tsina, todong nakiki-angkin na rin ang Malaysia at Vietnam. Balak ng ating gobyerno na makipaglaban sa diplomatikong paraan. WOW! Jose Rizal, ikaw ba yan? Kung ako lang ang masusunod, mas bet kong mag ala-Andres Bonifacio kung may bongga sana tayong kasangkapan. Baka kasi kapag nakipagdigmaan tayo, gulok at itak pa rin ang gagamitin natin dahil (alam niyo naman) wala tayong budget (again) pambili ng tangke at bazooka.

On a serious note (makapag-English lang), naalala ko 'yung tatlong OFW na binitay kamakailan lang. Kung 'yun nga eh hindi tayo napagbigyan ng mga Tsekwa kesehodang nakiusap na si VP Binay, eto pa kayang isla na mayaman daw sa gasolina.

Mahaba-habang usapan pa 'to kaya abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Tuesday, June 14, 2011

Kape Barako Premiere

Ititimpla na ang unang tasa ng Kape Barako at kung bet mong mauna sa paglagok ng kakaibang sarap nito, gora ka na sa UP Film Institute, Diliman, QC sa ika-27 ng buwang kasalukuyan. Alas-otso ng gabi ang simula at 200 peysosesoses lang ang tiket na mabibili sa mismong venue. 

Darating sa gabing iyon ang mga nagsasarapang side dishes na sina Johnron TaƱada, Marcus Aboga, Miko Pasamonte at eeeeiiii... Allan Stevens. Markahan na ang nasabing petsa sa inyong kalendaryo sapagkat ang susunod na timpla ay baka sa Agosto pa. 

Narito ang menu...

Monday, June 13, 2011

Brutal

Isa na namang shupatemba natin ang latest victim ng isang mapagsamantalang tao. Ang actor slash director na si Ricky Rivero ay todong pinagsasaksak ng labingpitong beses ni Hans Ivan Ruiz. Ayon sa balita, nangyari ang krimen sa mismong apartment ni ateh Ricky. Humihingi daw ng okani ang ohms na mukhang hindi napagbigyan kaya humantong sa pagtatalo at pananaksak. BRUTAL! Tumakas si lalaki bitbit ang laftap at ilang bonggang gamit. AMP!

Kahit na duguan, pinilit mag-drive ni ateh papunta sa pinakamalapit na ospital. Yes mga sisterets, he's ALIVE! Nadakip na ang suspek at any monument ay sasampahan na ng pormal na reklamo.

Nakilala daw ni Rivero si Ruiz sa Facebook limang buwan na ang nakararaan.

Source: PEP.ph

Sunday, June 12, 2011

Tunay

Usually, nanonood ako ng classic Filipino movies kapag pahinga ko sa trabaho pero naubusan ako ng stock kahapon. Kaya hinalungkat ko ang aking dibidi collection at eto ang napili ko...

Madeleine (2003)
Ilang beses ko nang napanood ang pelikulang ito at mukhang hindi pa ako nagsasawa. Kinikilig pa rin ako sa tuwing umeeksena si Jo In Sung. Totoong mahal ko yata siya. Hihihi...

Sina Hee-jin (Shin Min Ah) at Ji-suk (Jo In Sung) ang pangunahing tauhan sa istorya. Hair stylist at happy-go-lucky si babae samantalang good boy na medyo boring naman si lalaki. Unlikely couple. 

Dati silang magka-klase at muling nagkita ng magpagupit si Ji-suk ng buhok sa salon na pinagtatrabahuhan ni Hee-jin. Simula noon, madalas na silang magkita. Inaya ni Hee-jin na mag-date sila ni Ji-suk. It was just a casual date para magkakilala at magbondingan. Their date is one of the sweetest scenes in the movie. 

One of my favorite scenes in the movie
They decided to be BFGF kahit wala silang feelings sa isa't isa. May catch nga lang... walang magku-quit sa relationship sa loob ng 30 days. Aliw! 

Aminan portion
Maganda na sana ang flow ng kanilang relasyon pero nalaman ni Hee-jin na jontis siya sa dati niyang jowa. Ipinagtapat nya ito kay Ji-suk. Siyempre, na-shock ang kagwapuhan niya dahil nunca pa silang nagtsuktsakan. Gusto na sanang makipaghiwalay ni Hee-jin pero hindi siya pinayagan ni Ji-suk. Hindi pa kasi tapos ang 30 days na palugit at unti-unti na niya itong minamahal. Ang shuweet!

Acceptance ang isang punto na nais iparating ng pelikula. Tinanggap at minahal ng lubusan ni Ji-suk si Hee-jin kahit ano pa ang nakaraan nito. Madali kung tutuusin lalo na't tunay pagmamahal ang nararamdaman mo. Dahil kung hindi, maaring atraksyon lang ang namamagitan sa inyo at hindi pag-ibig. Naks! Maka-emote ako parang nagka-jowa na. 

Kasarinlan

Jose Rizal, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo
Tatlo lamang sila sa mga Pilipinong nakipaglaban noon para makamit ang ating tinatamasang kalayaan ngayon. Nawa'y hindi natin malimutan ang kanilang pinaglaban at sakripisyo sa bayan. 

MABUHAY ANG ATING KASARINLAN!