Thursday, June 16, 2011

Made in China

Due to insistent public demand ay nagbabalik ang Itanong mo kay Bb. Melanie. Narito ang aking kuda sa nagbabagang isyu ngayon...


Ano ang masasabi mo sa pangbu-bully ng China sa Pilipinas at pang-aangkin sa Spratlys Island?

Nais ko mang sumang-ayon sa suhestiyon ni Governor Salceda na i-ban ang mga produkto galing Tsina bilang ganti eh hindi pwede. Isa kasi ako sa milyon-milyong tumatangkilik ng "Made in China". Mas morayta avenue naman ang mga tinda sa Quiapo at Divisoria kesa sa mall noh! Kahit knowsline ko na pwedeng sumabog ang aking ketay dahil sa japeyks na bateryang gawa nila, wala me magagawa. Sa 'yun lang ang kasya sa budjey ko eh.

Bukod sa Tsina, todong nakiki-angkin na rin ang Malaysia at Vietnam. Balak ng ating gobyerno na makipaglaban sa diplomatikong paraan. WOW! Jose Rizal, ikaw ba yan? Kung ako lang ang masusunod, mas bet kong mag ala-Andres Bonifacio kung may bongga sana tayong kasangkapan. Baka kasi kapag nakipagdigmaan tayo, gulok at itak pa rin ang gagamitin natin dahil (alam niyo naman) wala tayong budget (again) pambili ng tangke at bazooka.

On a serious note (makapag-English lang), naalala ko 'yung tatlong OFW na binitay kamakailan lang. Kung 'yun nga eh hindi tayo napagbigyan ng mga Tsekwa kesehodang nakiusap na si VP Binay, eto pa kayang isla na mayaman daw sa gasolina.

Mahaba-habang usapan pa 'to kaya abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

3 comments:

  1. Tama ka Madame Melanie! Kung may kagamitan lang tayo at hindi nakurakot ang pondo ng Militar pwede sana tayong mag-ala Andres Bonifacio!

    Well, idadaan na lang daw sa diplomasya ala Jose Rizal, gagamiting armas ay ang utak at paninindigan. (Yun ay kung meron tayo)


    Maraming salamat Madame Melanie sa paghahayag ng iyong saloobin ukol sa napapanahong isyu na ito. Sana magkaroon rin ang gay community ng isang boses ukol sa mga social issues!

    ReplyDelete
  2. Hmmm... ang pagkakaalam ko US ang kumakampi sa atin dahil tayo ang inaaway ng China. In wartime, hindi na kailangan pang manggaling from US mainland ang tulong, marami silang military bases all around the world na malapit sa Pilipinas at mabilis makakapagbigay ng suporta. Dapat talaga diplomatic ang gawing aksyon kasi kapag gyera agad, madi-disrupt nito ang buong mundo, hindi lang ang dalawang bansang nag-aaway.

    ReplyDelete
  3. Pustahan tayo lagyan lang ang mga politiko natin ng pera tapos ang usapan.

    ReplyDelete