Sunday, June 12, 2011

Tunay

Usually, nanonood ako ng classic Filipino movies kapag pahinga ko sa trabaho pero naubusan ako ng stock kahapon. Kaya hinalungkat ko ang aking dibidi collection at eto ang napili ko...

Madeleine (2003)
Ilang beses ko nang napanood ang pelikulang ito at mukhang hindi pa ako nagsasawa. Kinikilig pa rin ako sa tuwing umeeksena si Jo In Sung. Totoong mahal ko yata siya. Hihihi...

Sina Hee-jin (Shin Min Ah) at Ji-suk (Jo In Sung) ang pangunahing tauhan sa istorya. Hair stylist at happy-go-lucky si babae samantalang good boy na medyo boring naman si lalaki. Unlikely couple. 

Dati silang magka-klase at muling nagkita ng magpagupit si Ji-suk ng buhok sa salon na pinagtatrabahuhan ni Hee-jin. Simula noon, madalas na silang magkita. Inaya ni Hee-jin na mag-date sila ni Ji-suk. It was just a casual date para magkakilala at magbondingan. Their date is one of the sweetest scenes in the movie. 

One of my favorite scenes in the movie
They decided to be BFGF kahit wala silang feelings sa isa't isa. May catch nga lang... walang magku-quit sa relationship sa loob ng 30 days. Aliw! 

Aminan portion
Maganda na sana ang flow ng kanilang relasyon pero nalaman ni Hee-jin na jontis siya sa dati niyang jowa. Ipinagtapat nya ito kay Ji-suk. Siyempre, na-shock ang kagwapuhan niya dahil nunca pa silang nagtsuktsakan. Gusto na sanang makipaghiwalay ni Hee-jin pero hindi siya pinayagan ni Ji-suk. Hindi pa kasi tapos ang 30 days na palugit at unti-unti na niya itong minamahal. Ang shuweet!

Acceptance ang isang punto na nais iparating ng pelikula. Tinanggap at minahal ng lubusan ni Ji-suk si Hee-jin kahit ano pa ang nakaraan nito. Madali kung tutuusin lalo na't tunay pagmamahal ang nararamdaman mo. Dahil kung hindi, maaring atraksyon lang ang namamagitan sa inyo at hindi pag-ibig. Naks! Maka-emote ako parang nagka-jowa na. 

4 comments:

  1. hello teh! nasightchi ko trailer ng kape barako funny sya at syempre nandun ka pala. impernez lumebel up! cameo ba yon o maraming dayalogs? may call slip ka ba dun teh? hehe - bee

    ReplyDelete
  2. Ateh Bee, cameo appearance lang 'yun. Abangan mo na lang ang launching movie ko na kakabog sa "Sariwa" ni Priscilla Almeda. CHAROT! :D

    ReplyDelete
  3. ms melanie npanuod mo naba ang memories of bali? magaling dun c jo in sung.

    ReplyDelete
  4. Yes! Kahit depressing ang ending eh inulit-ulit kong panoorin. Fave Korean actress ko si Ha Ji-won.

    ReplyDelete