Wednesday, July 17, 2013

I-kiss

May bagong hari sa aking kaharian mga 'teh. Kung sinundan niyo ang Mister International-Philippines 2013, I'm sure kilala niyo ang representante ng Negros province, si Billy Villeta...

Herbert 'Billy' Villeta
Photos courtesy of 
Facebook.com/iloveBillyVilleta
Fresh na fresh sa edad na veinte at may taas na 5'11". NAKANAMAN! Bagay sa height ko! Bet ko siyang manalo noon sa lakas ng kanyang angas. Matangkad, moreno at 100% Pinoy. Though hindi siya ang nagwagi, siya naman ang winner sa puso(n) ko. Hanggang ngayon, tumutulo ang poso ko sa kanyang kasarapan. Long-lasting ang aroma! Best assest niya ang kanyang leps. Sarap i-kiss!

Heto pa ang mga dahilan kung bakit karapat-dapat siyang namnamin...

Mas bet niyo ba ang dry o saucy 'pancit canton'?
Sana dinonate na lang sa akin ang inahit na karug hihihi
Iliyad mo pa mahal ♥

Tuesday, July 16, 2013

Bakasyon (final part)

Dahil pare-parehong mga puyat, mag-aala-siete na nang umaga kami bumangon. Ambagal pa naming kumilos at maghanda. Isinantabi na muna namin ang almusal dahil eksatong 8:30AM na kami nakababa ng suite. Sa labas ng Sto. Nino Church ang misa pero sa todong mainit kaya sa loob na kami sumilong.

Ang napansin ko sa mga Cebuano, ang seryoso nila sa misa. Parang dinadama talaga nila ang bawat sinasabi ni father. At ang homily, parang apat na beses ang haba kesa dito sa Maynila. Naaalala ko pa nga ang tinalakay, ang acronym na B.E.S.T. (Balance, Enthusiasm, Single-minded at Tenacity).

Friday, July 12, 2013

Bakasyon (part 2)

Ala-singko pa lang ng umaga eh ginising ko na sila para maaga kaming makapaglunoy sa dagat. Kape-kape muna at toasted bread para may lakas sa pagsisid. The tide is high at wala masyadong tao sa dagat. PERFECT! Wit nakakahiyang mag-bikini. Bago pa todong uminit eh inumpisahan na namin ang ritwal. Siyempre, pictorial muna sa bonggang tanawin with our gracious, bodacious and delicious body.

Nang magsawa eh inumpisahan na namin magtampisaw sa Panglao Beach. Bet na bet ko ang tubig ditey. Malinis at hindi masyadong maalat. Ang linaw lalo na kapag sumisilip ang araw sa kaulapan. Nag-antay ang byuti ko ng afam pero waley. Kung kelan naman ako naka-bikini. AMP! 

Thursday, July 11, 2013

Bakasyon (part 1)

Sisimulan ko na ang pagku-kwento sa aking bonggang bakasyon nitong nakaraang weekend. Kasama ang ilan sa aking college friends na sina Ateh Paul, Chari, Tracy, Xheng, Chelie at Gladys, pumunta kami ng Cebu at Bohol. Maraming salamat sa pa-sale ng Zest Air last year at morayta avenue lang ang pamasung back and forth. Umaga ng July 5 hanggang gabi ng July 7 ang naging trip namin.

Abot ang dasal ko sa loob ng eroplano mga 'teh. Nagkasakit kasi ako dati sa baga at pinagbawalan ako ni doc na makaranas ng pressure or else, mauulit ang bangungot kong sakit. Matagal na akong cleared diyan pero syokot pa rin akez. Salamat na lamang at 'di ako pinabayaan ng ating Ama at naging maayos ang landing ng byuti ko sa Mactan International Airport kahit medyo nabingi. Lunok lunok lang daw para mawala sabi ni Chari. Ano kayang lulunukin ko?

Perfect ang dating namin na sumakto sa papasikat na araw. Derecho kaming Pier 1 para sumakay ng ferry papuntang Bohol. Na-late kami sa ala-siete na biyahe kaya kinuha na lang namin ang sumunod na biyahe. Lumaps muna sa kalapit na karinderya. Uso sa kanila ang Tinolang Isda. Ang alam ko lang kasi eh 'yung manok version. Matapos mapawi ang gutom, namasyal muna kami sa katapat na park... ang Fort San Pedro na parang mini-Intramuros ang arrive.

Tuesday, July 9, 2013

Kamkamin

Ilang araw din akong nawala mga 'teh. Nagbakasyon muna akez para marejuvenate ang aking kasariwaan. Excited na akong ikwento sa inyo kung saan-saan bumalandra ang pagmumukha ko. Unahin ko muna 'to kasi excited ako sa pagbabalik niya...

Kapamilya Network ang nakakuha ng That Winter, The Wind Blows na pinakabagong KDrama ni fafah Jo In Sung. Third series na niya ito sa channel 2. Una ang kontrobersyal na Memories of Bali at sumunod ang Spring Day. Antagal nasundan pero worth it ang pag-aantay dahil todong maganda daw itez. On-screen partner niya dito si Song Hye Kyo na gumanap bilang Jessie sa Full House. Medyo bad boy ang role niya. Magpapanggap siya para mangamkam ng kayamanan. Pwede bang pati katawan ko kamkamin niya?

Matagal-tagal ko na rin siyang pinapantasya ah! Since 2005 pa so eight years na. Two more years at one decade na ang pagmamahalan namin (na hindi siya aware). KALOKA! 

Watch natin ang full trailer...

Wednesday, July 3, 2013

Hulma

Nangangarap ba kayong maging bonggang modelo? Kahit sinong beki yata oo ang sagot. 'Yun nga lang, tunay na merlat ang hinahanap ng Asia's Next Top Model Season 2. So kung may kakilala kayong bet maging on top 'ika nga ni manay Tyra Banks, pasalihin niyo ditey. Basta dieciséis hanggang veintisiete años, may taas na 5'7" o higit pa, kayang kumuda in English at todong umaapaw ang personality at confidence... PWEDE 'YAN! Ang show na 'to ang huhulma at maglalabas ng natatago niyong talento sa larangan ng pagmomodelo.

Kung kayo'y interesado, go lang sa http://www.starworldasia.tv/AsiaNTM2

Monday, July 1, 2013

Siomai

YEHEY! July na! Excited ako kasi bukod sa dalawang buwan na lang at ber months na, rarampage kami ng mga college friends ko sa Cebu at Bohol this weekend. Wa-i pa kaming solidong plano kung saan magliliwaliw. Bahala na kung saan kami dalhin ng aming mga tiil. Sana may mga masasarap kaming makasalubong para may pasalubong ako sa inyo. Sa mga nakapunta na, anong maisa-suggest niyo?

Photo courtesy of www.etravelpilipinas.com
Speaking of masasarap, napanood niyo ba kagabi ang Mr. & Ms. Chinatown? Ako kasi hindi pero naintriga akez. Sushal dahil sa Resorts World ang ganap tapos live telecast pa sa ABS-CBN. Bongga talaga ang mga Tsekwa. Noong isang araw nga sa Divisoria, habang namimili kami ng Ateh Paul ng Versake at Guchi, para akong magkaka-stiff neck sa dami ng Tsinito. Magtindera na lang kaya ako sa Lucky 999 at baka sakaling makatikim ako ng authentic siomai.

Mabalik tayo dun sa pageant. Ang siomai ni Randy See Cailles ang maswerteng nagkamit ng titulo. Tulo laway akez mga 'teh sa todong kakinisan ni kuya. Kahit yata magbabad ako sa sampung karton ng Chinchansu eh hindi ko maa-achib ang flawless white skin niya. Paano kaya kami magkakatuluyan?

Photos courtesy of OPMB
Ayan! Pantay pala ang taas namin. May common denominator na kami. Pwede nang magkatuluyan. Walang sinabi ang KimXi loveteam sa RanLie tandem. Ahahaha!

JUICE KOH! Sarap simsimin ang kanyang kili-kili. Kahit 'yan ang ulam ko araw-araw, wit ako aangal. NFA rice na lang ang kulang at kumpleto na! YUM!