Thursday, July 11, 2013

Bakasyon (part 1)

Sisimulan ko na ang pagku-kwento sa aking bonggang bakasyon nitong nakaraang weekend. Kasama ang ilan sa aking college friends na sina Ateh Paul, Chari, Tracy, Xheng, Chelie at Gladys, pumunta kami ng Cebu at Bohol. Maraming salamat sa pa-sale ng Zest Air last year at morayta avenue lang ang pamasung back and forth. Umaga ng July 5 hanggang gabi ng July 7 ang naging trip namin.

Abot ang dasal ko sa loob ng eroplano mga 'teh. Nagkasakit kasi ako dati sa baga at pinagbawalan ako ni doc na makaranas ng pressure or else, mauulit ang bangungot kong sakit. Matagal na akong cleared diyan pero syokot pa rin akez. Salamat na lamang at 'di ako pinabayaan ng ating Ama at naging maayos ang landing ng byuti ko sa Mactan International Airport kahit medyo nabingi. Lunok lunok lang daw para mawala sabi ni Chari. Ano kayang lulunukin ko?

Perfect ang dating namin na sumakto sa papasikat na araw. Derecho kaming Pier 1 para sumakay ng ferry papuntang Bohol. Na-late kami sa ala-siete na biyahe kaya kinuha na lang namin ang sumunod na biyahe. Lumaps muna sa kalapit na karinderya. Uso sa kanila ang Tinolang Isda. Ang alam ko lang kasi eh 'yung manok version. Matapos mapawi ang gutom, namasyal muna kami sa katapat na park... ang Fort San Pedro na parang mini-Intramuros ang arrive.

Dalawang beses din akong na-devirginized sa biyaheng ito. First timer ako sa air at water ride. Two hours ang biyahe sa laot. Bumabagyo sa kanan at maaraw sa kaliwang parte ng ferry. Moody pa si weather.

Nang makarating kami ng Tagbilaran, gumanda ang panahon. PAK! Una sa aming bara-barang iterinary ang Loboc River. Nananghalian kami sa floating resto. Busog na ang tiyan, bundat pa ang mga mata namin sa ganda ng view... ng kalikasan at dami ng Koreans.

Isinunod namin ang famous Tarsier. Of course, hindi namin pwedeng palampasin ang former smallest monkey na sa bansa lang natin matatagpuan. Sad nga lang at kumukonti na sila.

Dinaanan namin ang Man-made Forest at naloka ako sa tayog ng mga puno. Feeling ko nasa Twilight movie akez. Kulang nga lang ng Edward. AMP! Kebs sa humahagibis na trak at sasakyan makapag-pictorial lang sa gitna ng daan.

Pahapon na nang marating namin ang Chocolate Hills. Nakaka-relax ang view. Mainit man ang sikat ng araw, binalanse naman ito ng masarap na hangin sa ituktok ng burol. Ang dami dami nila!

Panglima at huli sa aming iterinary ang Baclayon Church na ilang daan taon nang nakatayo. 'Sing tibay ng haligi nito ang pananampalataya ng mga Katolikong Pinoy. Wit kong kinalimutang magdasal at magpasalamat sa Kanya. Bet sana ni Ateh Paul na puntahan ang museo pero nasaraduhan na kami.

Bago pa dumilim eh rumatsada na kami papuntang Panglao para maghagilap ng murang matutuluyan. Sinwerte kami dahil sobra pa ang alloted budget namin sa nakuha naming kwarto. Tamang tama lang na  pamasahe kinabukasan pabalik ng pier.

Itutuloy...

9 comments:

  1. Gondohhhh mo sa mga pics Miss M ahhh....!!!! Bagay na bagay ang kagandahan ng bohol sa kagandahan mo!!!

    ReplyDelete
  2. Bb Melanie,

    How nice naman! Bet ko yung sa Loboc River teh! ;)

    Olga Luxuria

    ReplyDelete
  3. -Teh Anonymous, salamat ng marami sa papuri. Hindi nga ako makapaniwala sa ganda ko tuwing titingin sa salamin. Nyahahaha!

    -Teh Olga, super na-enjoy ko ang Loboc ride namin. Isa 'yan sa pinakapaborito kong napuntahan namin :)

    ReplyDelete
  4. teh melanie buti nman naligaw ka ng bohol,ok b naging pmamasyal mu?tga bohol kc me..hope nag enjoy ka..

    ReplyDelete
  5. Teh Anonymous July 12, 2013 at 8:51 PM, super enjoy ako! I love the simple life there. One day is not enough to see and experience the wonders of Bohol :)

    ReplyDelete
  6. The melanie di FYI di po smallest monkey ang tarsier it's a smallest primate po... Di po ba kayo na briefing bago umayyad duon sa center? Diba sop bago Umayyad duon meron muna briefing! O Baka Hindi ka Lang talaga nakinig kc ang daming mga Afam at Koreans hahahahahha

    ReplyDelete
  7. Mali po Yung itinerary Ninyo duon kayo kumain sa bukas a ng ilog ng lobos river dapat duon mismo kayo kumain sa town proper ng lobos mas Masaya po duon at madaming attractions

    ReplyDelete
  8. -Teh Anonymous July 13, 2013 at 10:13 AM, nako walang briefing na naganap. Pagkabayad ng entrance eh pinaakyat na agad kami. Before, it was called "world's smallest monkey" pero hindi na pala. Thanks for correcting the info :)

    -Teh Anonymous July 13, 2013 at 10:14 AM, actually iterinary 'yun nung driver na umalalay sa amin. Hayaan mo at 'pag nakabalik kami, diyan kami lalaps.

    ReplyDelete
  9. ganda mo nga teh, bagay na bagay sayo ung mga tarsier..hehehe(joke)

    ReplyDelete