Ala-singko pa lang ng umaga eh ginising ko na sila para maaga kaming makapaglunoy sa dagat. Kape-kape muna at toasted bread para may lakas sa pagsisid. The tide is high at wala masyadong tao sa dagat. PERFECT! Wit nakakahiyang mag-bikini. Bago pa todong uminit eh inumpisahan na namin ang ritwal. Siyempre, pictorial muna sa bonggang tanawin with our gracious, bodacious and delicious body.
Nang magsawa eh inumpisahan na namin magtampisaw sa Panglao Beach. Bet na bet ko ang tubig ditey. Malinis at hindi masyadong maalat. Ang linaw lalo na kapag sumisilip ang araw sa kaulapan. Nag-antay ang byuti ko ng afam pero waley. Kung kelan naman ako naka-bikini. AMP!
Pero 'wag ka dahil nadinig yata ni Inang Kalikasan ang hiling ko dahil may isang German national ang biglang lumabas sa kung saan at nagpakitang gilas sa amin sa pamamagitan ng pag-butterfly stroke. JUICE KOH! Tulaley kaming lahat. Napigtas sa pagkakatali ang fanti namin. Hindi pinalagpas ng mga mujer kong fwends ang pagkakataon at nakipagkilala. Victor ang name. Nakakaloka sa kasarapan lalo na sa malapitan! Konting interview portion at nilayasan kami. Nakatunog yata na gagawin namin siyang tanghalian. Ahahaha!
Nganga ang byuti ko sa kakaantay ng afam. Nagkaroon yata ng travel advisory at pinaiwas muna silang lumangoy habang nandun ako. CHARUT! Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbilad sa araw para magka-tan line. In-enjoy ko rin ang napakagandang tanawin na nakakapagpalimot panandalian sa stress ng siyudad. Bago mag-alas dose eh umahon na kami para mag-ayos pabalik ng Cebu.
Pasado alas-cuatro na kami nakadaong ng Cebu. Nadelay kasi ang dating ng ferry at dalawang oras ang byahe. Check-in agad sa Sampaguita Suites at pinahinga ng konti ang aming mga wankata. Isang tawid lang sa tinuluyan namin ang Magellan's Cross at Sto. NiƱo Church na agad-agad naming pinuntahan. Namili ng mga souvenirs sa gilid ng simbahan at napadpad sa Cebu Metropolitan Church.
Kinagabihan ay pinuntahan namin ang Mango Avenue, ang pinakasentro ng gimikan sa Cebu. I must say that Cebuanos know how to party hard! Ang saya ng crowd! Walang discrimination sa dance floor. Bading ka man, tomboy o straight, sama-samang nagsasaya.
Tatapusin...
waaah! ang bonggels mo Bb. Melanie! excited na ko sa last part. :)
ReplyDeletelove,
KP :)
bongga naman ni Victor! sayang di mo sya nauwi at nagawang souvenir hehe :)
ReplyDeletesaya ng out of town nyo! :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete-Teh KP, thanks so much for the appreciation ♥
ReplyDelete-Teh ZaiZai, hindi nga ako nakalapit sa kanya sa sobrang sarap. Baka hindi ko mapigilan at kainin ko siya agad-agad!
-Teh Jerrold, I was thinking of you bago pa kami pumunta ng Cebu. 'Di kita mahagilap sa Twitter. 'Pag bumalik na lang kami hihihi...