Tuesday, July 16, 2013

Bakasyon (final part)

Dahil pare-parehong mga puyat, mag-aala-siete na nang umaga kami bumangon. Ambagal pa naming kumilos at maghanda. Isinantabi na muna namin ang almusal dahil eksatong 8:30AM na kami nakababa ng suite. Sa labas ng Sto. Nino Church ang misa pero sa todong mainit kaya sa loob na kami sumilong.

Ang napansin ko sa mga Cebuano, ang seryoso nila sa misa. Parang dinadama talaga nila ang bawat sinasabi ni father. At ang homily, parang apat na beses ang haba kesa dito sa Maynila. Naaalala ko pa nga ang tinalakay, ang acronym na B.E.S.T. (Balance, Enthusiasm, Single-minded at Tenacity).

Matapos ang misa ay pumila na kami para makalapit kay Sto. Niño. Mahaba ang pila pero keri lang dahil marami kang matutunan sa mga paintings sa gilid ng simbahan.

Dumaan din kami sa Basilica Del Santo Niño Museum pero bawal ang pica-pica. Bongga ng mga naitabing mga gamit ng simbahan daang taon na ang nakakaraan. Napukaw ang aking atensyon ng isang rebulto na kinain ng anay. Buti na lang at naisalba at hindi tuluyang nasira ang magandang mukha nito.

Mahilo-hilo na kami sa gutom kaya nag-brunch na kami. Sa hiling ni Ateh Paul, pinuntahan namin ang Cathedral Museum of Cebu. Pwede dito ang pictures basta in group category.

Pasado alas-dose ng mag-check out kami. Pwede daw iwan sa baggage counter ng Sampaguita Suites ang gamit namin. PAKAK! Kala ko papasanin namin ang daigdig sa bigat ng aming mga dalahin papunta ng Taoist Temple. Umarkila kami ng taxi para dalhin kami doon. Walang entrance fee ang templo. Todong mainit pero sige lang sa pagkuha ng litrato.

After one hour eh nagpahatid na kami sa SM Cebu. Doon na kami nagmeryenda at namili ng pasalubong. Last stop na sana namin ang pagkain ng famous lechon cebu sa CnT pero 5:30 pa daw darating ang order. Eh kailangan by 6:10 PM ay nasa airport na kami para mag-check in. Sayang at 'di na namin naantay.

Pagdating ng airpot, doon na lang kami kumain ng Ayer's Lechon. Infairness, talagang malinamnam at 'di na kailangan ng sauce. Lahat gutom kaya in less than 10 minutes, simot ang pinagkainan.

Ilang beses naresched ang flight namin pabalik ng Manila dahil sa airport traffic. Bago mag-alas dose ng hating gabi ay nakabalik na kami.

Para sa first timer na tulad ko, talagang sasabihin ko na memorable ang trip na itey. Bitin ang tatlong araw na pamamalagi sa Bohol at Cebu. Marami pa nga kaming hindi na-explore pero definitely, babalikan ko ang mga lugar na 'to. Kung kailan, hindi ko pa alam. Basta mangyayari na lang.

Tapos.

3 comments:

  1. Plan ko din yan bohol cebu trip or cebu bohol , mukang nag enjoy kayo ...:)

    ReplyDelete
  2. I've been a silent follower of your blog. So happy to see na nakapag bakasyon grande ang aming reyna ng blogelya. Big fan here ❤!

    ReplyDelete
  3. -Teh KULAPITOT, isakatuparan mo na ang plano na 'yan dahil 'di ka magsisisi. Super saya!

    -Teh Andie, maraming salamat sa tahimik na suporta. More engrande bakasyon for us :)

    ReplyDelete