Sunday, October 17, 2010

Desisyon

I'm back to the world wide web! 2 days din akong nagpahinga mga 'teh (sa kaka-internet) at may inasikaso ako sa DOLE. Yung previous employer ko kasi, hindi pa binibigay ang aking backpay samantalang March 2010 pa ako cleared sa kanila. Hindi naman siguro aabutin ng pitong buwan ang pagko-compute sa aking backpay noh kaya napagdesisyunan ko nang magsampa ng reklamo. Maging maayos sana ang kalabasan ng kaso nang makamit ko na ang limpak-limpak kong barya.

Napagdesisyunan ko na ring burahin sa Twitter account ko ang mga lalaking kinahuhumalingan ko. Baka kasi one day, sa kakapantasya ko sa kanila ay bigla na lang mapatid ang pisi ng utak ko. Hehehe...

And while browsing my recent updates in Facebook, tanging siya lang ang nakapukaw ng aking atensyon... isang malaking desisyon kung gagayahin ko ang outfit ni t'yang Chokoleit...

Happy Linggo mga shupatid!

Wednesday, October 13, 2010

Mga beaucon at si Lilay

Spain, Philippines, Puerto Rico & Venezuela for Miss World 2010

Sunod-sunod ang magaganap na beaucon mga 'teh. Mauuna ang Miss World na magaganap sa ika-30 ng Oktubre na susundan naman ng Miss International sa Nobyembre at Miss Earth sa Disyembre. Alam kong excited na ang mga sisterets kong kontesera diyan kaya abangan natin kung may makakauwi ng korona para sa 'ting bansa bago matapos ang taon.


Pero bago 'yan mga shupatid, magkakaroon ng bonggang premiere ang indie film na Lilay, Darling of the crowd sa Robinson's Galleria Cinema 2. Lahat daw ng casts ay darating kaya naman markahan niyo na ang petsang October 22 sa inyong kalendaryo para lahat tayo ay makadalo. Kontakin niyo muna si Sam sa numerong 0915-764-6190 para makapagpa-reserve ng tikets.

Ang pelikula ay pinangungunahan ni Kenjie Garcia (Ang Lihim ni Antonio) at kasama niya sina Sashi Giggle (Sagwan), Joyce Mortel, Jayson Jimenez, Lawrence Manalo at marami pang iba. Ang istorya ay tungkol sa isang bakla (obviously) at kung paano niya hinarap ang bawat pagsubok ng buhay para sa kanyang pamilya.

At isa sa mga rason kung bakit nais kong mapanood ang pelikulang ito ay dahil sa kanya...
Julian Roxas

ANG SAAARRRAAAPPP!!!

Upang mapanood ang movie trailer, click mo dito.

Para sa naman karagdagang impormasyon at sandamakmak na pictures, puntahan ang official website dito.

Monday, October 11, 2010

Buko Pie

Pansin ko lang mga 'teh, ang moody ng weather ngayon. Ang jinet to the max sa tanghali tapos wet na wet sa hapon. Ang trapik tuloy kapag uwian na. Pero deadma. Wala akong care sa panahon. Dahil umaraw man o umulan, may bikini contest tayong mapupuntahan.

Kung kayo ay nakatira sa bandang katimugan, perfek 'yan dahil magkakaroon ng paseksihan diyan sa lugar niyo. Ang Skin Hunks and Babes Bikini Open ay magaganap sa ika-16 ng Ocktubre, Sabado, ganap na alas-nueve ng gabi sa Studio 56 Garden Resort in Pansol, Calamba, Laguna.

Todong maglalaban-laban ang sampung lalake at (sige na nga!) babae para sa nasabing titulo. Isa sa mga kandidato si Jojo Nepacina na nakakabusog ang kasarapan. Wish ko lang maiuwi niya ang titulo para mauwian niya ako buko pie niya. CHAROT!

Morayta avenue lang ang tiket sa halagang 5 hams mga shupatemba. May kasama pang bonggang inumin. Para sa karagdagang detalye, kontakin si Danny sa teleponong 0905-367-1665.

Pait

"Iwasang ikumpara ang sarili sa iba... para hindi maging ampalaya."

Isang magandang payo na nabasa ko mula sa Lexuality na akmang-akma hindi lang sa akin kundi para sa nakararami din.

Sunday, October 10, 2010

Sampu

Perfecta! Magnifico! Excelente!

Yan ang nais kong iparating sa kung sino man ang nag-edit ng picture (yung sa kanan) ng ating pinakamamahal na TV personality. At dahil sa likas mong kagalingan, bibigyan kita ng 10 stars ngayong 10/10/10.

Jo In-sung

Miss na miss ko na ang kanyang wafung fez. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa sa South Korea na mag-military ang mga boys, ayan tuloy at todong lie low muna siya sa paggawa ng pelikula at K-Dramas. Anyways, mukhang enjoy na enjoy naman siya oh!

Siya nga pala si Jo In-sung mga ateh. He's an award-winning Korean actor. One of his bonggang drama na pinalabas sa Kapamilya Network ang Memories of Bali na nakakaloka ang ending.

Lahat ng movie niya ay napanood ko na (ganun ko siya ka-lab) ngunit subalit datapwat sa A Frozen Flower lang ako todong humanga sa kanyang ginawa. Isama mo pang nakakataas ng libido ang mga eksena niya with the other actors. Juice koh! Pinagpawisan ako ng bonggang bongga!

Panoorin niyo mga ateh nang pagpawisan din kayo. CHOS!

Friday, October 8, 2010

Edukasyon

Hangga't kulang ang supply ng mga libro...
Hangga't walang maayos na pisara...
Hangga't butas-butas ang bubungan ng mga silid-aralan...
Hangga't sira ang bintana ng mga classrooms...
Hangga't walang maupuan ang mga estudyante...
Hangga't may nagkaklase sa corridor, hagdanan, stage at bakanteng lote ng paaralan...
Hangga't si Ma'am at Sir ay nais magtrabaho sa ibang bansa para sa mas malaking sahod...
Hangga't may mga estudyante na umaakyat ng bundok, tumatawid ng ilog at naglalakad ng milya-milya makarating lang sa paaralan...

Hindi kailanman tataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa kahit dagdagan niyo pa ng dalawang taon ang sekondarya. Intiendes niyo ba, PNoy at DepEd?