Hangga't kulang ang supply ng mga libro...
Hangga't walang maayos na pisara...
Hangga't butas-butas ang bubungan ng mga silid-aralan...
Hangga't sira ang bintana ng mga classrooms...
Hangga't walang maupuan ang mga estudyante...
Hangga't may nagkaklase sa corridor, hagdanan, stage at bakanteng lote ng paaralan...
Hangga't si Ma'am at Sir ay nais magtrabaho sa ibang bansa para sa mas malaking sahod...
Hangga't may mga estudyante na umaakyat ng bundok, tumatawid ng ilog at naglalakad ng milya-milya makarating lang sa paaralan...
Hindi kailanman tataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa kahit dagdagan niyo pa ng dalawang taon ang sekondarya. Intiendes niyo ba, PNoy at DepEd?
No comments:
Post a Comment