Thursday, January 27, 2011

Masakit

Masakit malaman na may anak ang mister mo sa iba. Pero may mas sasakit pa ba kung sa ina mo siya nagkaanak?

'Yan ang nakakalokang twist sa pelikulang Ina ka ng Anak mo starring Nora Aunor at Lolita Rodriguez na idinerek ni Lino Brocka. Juice ko 'day! Literal na nawindang ang ulirat ko habang pinapanood ang pagtakbo ng istorya nitey. Iilan lang ang mga karakter pero buong-buo ang pagkakagawa. Feel na feel ko ang eksena kung saan nakita ni Ate Guy ang kanyang ina katabi ang kanyang "kapatid". 'Yung pagbitaw naman niya sa linyang "HAYUP! HAYUUUPPP!!!" with matching pananampal at pananakit sa asawa niya, AMPERFEK! Hindi nakapagtataka kung bakit siya ang tinanghal na 1979 MMFF Best Actress.

Next in line: Ang Totoong Buhay ni Pacita M at Bulaklak sa City Jail.

8 comments:

Anonymous said...

Miss M, saan mo nabili ang video nito?

Melanie said...

Teh Anonymous January 27, 2011 5:10 PM, sa Quiapo ako nakabili ng kopya.

Anonymous said...

MISS M., SAN BA AKO PWEDENG BUMILI NG ORIGINAL DVD NG MGA MOVIE NI ATE GUY, KASI GUSTO KUNG MAGKAROON NG COLLECTION, CLASSIC KASI ANG MGA PELIKULA NYA.

Melanie said...

Teh Anonymous January 28, 2011 8:07 AM, available ang original copies ng ilang movies ni Ate Guy sa Odyssey, Astroplus, Landmark and SM record bars.

Anonymous said...

salamat sa pag-appreciate sa talento ng superstar, pareho tayo. lapit na po sya umuwi. looking forward to meet her through a friend na kanang kamay nya.

Anonymous said...

To Anonymous 01/29 2:15PM,

Puwede bang sumama. Love ko rin si Ate Guy. - Ferdie

art said...

hangga't maaari ay 'yong original dvd / vcd ang bilhin natin. iwasan bumili ng pirated. dahil sa gusto nating mapanood ang mga pelikula ni ms nora aunor, napipilitan tayong bumili ng mga pirated na makikita sa quiapo, ito ay sa dahilang wala kang makikitang original sa mga video bar.

Anonymous said...

i have an original copy of Himala and just waiting for ate guy to go back here in the Phils and have it signed/autographed by the one and only superstar, bar none..........

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...