Tuesday, February 1, 2011

Blangko

Bored na bored ako sa pagpasok ng bagong buwan. Nauumay na siguro ako sa daily routine na gigising at babangon sa kama para pumasok sa trabaho. Pagkatapos kumayod ay uuwi at matutulog. Kapag araw naman ng pahinga, it's either maglilinis ako ng balur, maglalaba o manonood ng TV.

Kailangan ko siguro ng bagong gawain na mapagkakaabalahan. Pero wala pa akong maisip kung ano 'yun.

I-try ko kayang mag-enroll sa isang Yoga class?

O di kaya kumuha ng master's degree?

Eh kung bulatlatin ko kaya 'yung sirang washing machine namin at try kong kumpunihin?

Blangko ang utak ko. Wala akong masyadong maisip.

Hhhmmm... Sports kaya?

Magandang idea.

Lalo na kung siya ang magiging mentor ko...

Phil Younghusband
Makapag-focus naman kaya ako?

Baka kasi ano eh...

Siya kasi eh... Hihihi... ☺

1 comment:

Desperate Houseboy said...

Natawa naman ako sa washing machine ate mel. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...