Kahit na binabagyo ang Kamaynilaan noong Viernes ay wa-i akong care at lumabas pa rin ako ng balur kasama ang pamangkin ko para magpagupit ng aming hairlilet. Dry, damaged and frizzy na kasi ang dulo ng aking crowning glory. Sa isang salon sa may Muñoz kami nagpunta kung saan trenta pesos lang ang gupit. Perfect para sa tulad kong 'sing kunat ng chichiryang sumingaw. Dito ko nakilala si Bunny ('di tunay na pangalan), isang longheradang bakla na hindi ahit ang kilay, medyo malaman, malambot magsalita at kayumanggi ang balat.
Nilalagay pa lang niya ang bimbo sa aking leeg eh nagsimula na siyang magkwento. First time daw niya sa branch na 'yon. Sa Caloocan branch daw talaga siya pero dahil sa "evaluation" ek-ek ng salon, pina-transfer muna siya. Dati siyang OFW sa Dubai at 7 years siyang nag-stay doon bilang parlorista.
Melanie: Oh ba't ka nandito?
Bunny: Tinerminate ako ng aming amo. Kinampihan niya 'yung naka-away ko.
Melanie: Sad naman. Eh 'di may bahay ka na niyan since ang tagal mo sa ibang bansa.
Bunny: Oo. Sa Nueva Ecija.
Melanie: Wow! Pangarap ko 'ding magkaroon ng sariling bahay. Babalik ka pa doon?
Bunny: Oo pero baka next year na. Gusto ko ulit mag-Pasko at Bagong Taon dito. Doon kasi walang celebration. Kahit Pasko o Bagong Taon, trabaho pa rin kami.
Melanie: Ganon!? Grabe pala sa ibang bansa.
Bunny: Babalik din ako. Dito kasi sa Pilipinas, palabas ang pera. Walang pumapasok. Doon, makakaipon ka. Sa isang hotel ako magtatrabaho. Sa salon pa rin.
Melanie: Ba't nga pala dito ka nag-apply?
Bunny: 'Di kasi ako sanay ng walang ginagawa. Naiinip din ako. Naka-away ko nga rin 'tong supervisor dito.
Melanie: (takaw away ka ah) Bakit?
Bunny: Tinanong ba naman ako kung lalaki daw ba ako?
Melanie: Ahahaha! Hay nako, kahit ako naiinis sa tanong na 'yan. Obvious naman bakit itatanong pa.
Bunny: Ang sabi ko na lang... "Ano po ba ako sa tingin ninyo?"
Melanie: Ahahaha!
Bunny: Tapos pinagfa-foundation niya ako.
Melanie: Talaga?
Bunny: Akala niya siguro lahat ng bakla nagme-make up. Hindi ko nga sinunod. Kung ano ako sa labas, eto ako.
Melanie: Oo nga.
Bunny: Ayun, tinawagan ang manager namin. Sumasagot-sagot daw ako tapos ipinakiusap sa akin. Sabi ng manager, mag-sorry na lang daw ako. Para matapos lang ang usapan, sabi ko magso-sorry ako. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko ibibigay sa kanya ang sorry ko. Sa trabahong ito, kapag mahina ka, kakayan-kayanin at lalamunin ka nila. Umpisa pa lang, pinakita ko na sa kanila kung ano ako.
Amused na amused ako habang kausap ko siya. Malaki kasi ang aming pagkakatulad. Bukod sa hindi ahit ang aming mga kilay eh pareho kaming palaban at pinapakita sa tao kung ano at sino kami. Walang pagkukunwari. Hindi maangas pero malakas ang personalidad.
Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon, may mga taong tulad pa ng kanyang supervisor na iisa lang ang tingin at iniisip sa 'tin. Hindi nakasabay sa agos at napaglumaan ng panahon.
bravo ati bunny! bee :)
ReplyDelete