Thursday, October 6, 2011

Hollywood

Tulad ng ibang bekling, pinantasya at patuloy na pinapantasya ko ang ilang Hollywood stars. Sino ba naman kasi ang makakaresist sa mga mata nilang makukulay? Sa mga braso nilang parang hamonado sa laki? At sa kanilang malalaking... malalaking... pangangatawan.

Ryan Phillippe
Never ko yatang pagsasawaan kahit pa ul-ul kong panonoorin ang Cruel Intentions at Studio 54. Grabe naman kasi ang nakakahalina niyang ngiti na sinabayan pa ng nag-uumapaw na kaseksihan. Hindi rin siya nagmaramot sa ating lahi dahil pinakita niya sa mga pelikulang nabanggit ang kanyang yum yum na tapur.

Josh Hartnett
Nene pa lang ako eh mahal ko na siya. Nagpabili pa ako sa mudrakels ko ng VCD ng Black Hawk Down dahil sa kanya. Witchells ko naman naintindihan ang pelikulang 'yon. Puro barilan at putukan. Kung ibang putukan sana, baka naappreciate ko pa. CHOS! 

Chris Evans
Kung napanood niyo ang Captain America, siguradong alam niyo na kung bakit siya ang latest fantasy ko. Kung bakit naman kasi ang lakas ng dating niya. Mala-Pedring sa lakas na pati puso(n) ko eh natangay. 

3 comments:

Froglita said...

what's your number ang panoorin mo. halos hubad buong sine si chris evans

Melanie said...

Eeeiii!!! Panonoorin ko talaga yan!

Anonymous said...

MELANIE! I think we are of the same age! Totoo yang sinabi mo kay Josh, nene palang ako crush ko na to. Na-inlove ako sa kanya sa Pearl Harbor. AT PAREHONG PAREHO TAYO NG TYPE! Sila rin ang TOP 3 ko...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...