Usap-usapan dito sa aming opisina ang nakawan at holdapan kahit saan. Sikat na naman ang mga taong may 'magna' degree. May quota yata ang mga hudas kapag dumarating ang kapaskuhan. Nakakasyokot!
Ilang beses na akong nakakita ng mga taong nabiktima ng snatcher. Swerte ako't hindi pa ako nabibiktima at wala akong balak magpabiktima. Wala rin naman silang mahihita sa akin. Baka maging abonado pa sila sa magegetching nila.
Para sa kaligtasan ng ating lahi ay gumawa ako ng ilang tips kung paano makakaiwas sa kapahamakan. Maaari itong makatulong sa inyo dahil ang iba sa mga ito ay tested at approved ko kaya tara at namnamin natin isa-isa:
- Huwag maglalakad sa madidilim na lugar. Kakampi nila ang kadiliman.
- Maglakad ng mabilis. Huwag isabuhay si Pong Pagong.
- Nuncang i-display ang bonggang gadgets. Bawal ang mayabang.
- Looks can be VERY deceiving. Ilagay sa tamang lugar ang kapokpokan. Baka ang inaakala mong booking ang gigripo sa'yo.
- Gumamit ng ATM sa araw. Go back to #1 and read the second sentence.
- Isukbit ng mabuti ang dalang bag. Target 'yan ng 'riding in tandem'.
- Sleeping Beauty inside PUV's is a BIG no no! Kapag nasight ka ng magnanakaw na shorlogs, tatabihan ka nila. Lalaslasin ang bulsa o bag na dala mo.
- Lahat ng bakat ay masarap. Sa pagkakataong ito ay 'di nota ang ibig kong sabihin. Ito ay ang wallet o ketay na nakabakat sa hapit mong suot. Natatakam diyan ang ipit gang (basahin mo ang karanasan ko dito at dito).
- Maging choosy sa sasakyang taxi. Sumakay lang sa trusted brands.
- I-lock ang apat na pintuan ng taxi. YES! Pati 'yung kay mamang driver eh pakialaman mo. Babayaran mo siya kaya dapat lang na secure ang byuti mo.
I-report rin sa kapulisan ang nangyari. Kahit alam naman nating lahat na malaki ang posibilidad na hindi na maibalik pa ang gamit na nanakaw, mas mabuting ipagbigay alam sa kinauukulan ang nangyari. Huwag manahimik at piliing mapabilang sa unreported cases.
Kung kayo ay may karanasan sa iba't ibang krimen at may karagdagang tips kung paano makakaiwas dito, i-email niyo 'yan sa akin. Iisa-isahin ko ang inyong ipapadala at ipo-post sa darating na araw.
Ingat!
11. Wag tatanga-nga. Pakak! Presence of mind is da best policy.
ReplyDeleteYes nakaka-relate me teh , lalo na dun sa number 8 na Felix bakat ... nalaslasan na me ng bulsa sa likod at nadukutan me ng wallet dahil Sleeping Beauty me he he ... buti na lang walang laman yung wallet na yun at buti nga duon sa kumuha ha ha ha... kaya magmula nuon di na ako naglalagay ng wallet sa likod na bulsa , laging sa harap na... pero madalas pa din me makatulog sa jeep at FX pati sa MRT ha ha ha ... kalokah ... dagdag na tip ... laging sumabay sa maraming mga tao at huwag mag -iisa , laging magsama ng mga kaibigan ... mas marami mas okay ... deterrent sa mga masasamang loob ... at dagdag tip din ang magdala ng Mace Spray para pambulag sa mga tiwali at abusadong demonyo na iyan ... ingat lagi teh ...
ReplyDeleteMay I relate naman ako sa #7. A few weeks ago eh nakuha ang ipod ko dahil nakatulog ako sa bus habang papauwi. Napakasaklap.
ReplyDelete