Saturday, October 22, 2011

Maskman

Kapag sumasapit ang weekends, hindi ko maiwasang hindi maging sentimental at alalahanin ang nakaraan. Para akong istasyon ng radyo na oldies ang pinatutugtog. Feeling ko tuloy ang thunders ko na sa edad na veintiséis.


Isa sa pinaka-memorable na moment sa aking pagkabubot eh ang panonood ng Japanese series sa IBC 13. Mask Rider Black, Shaider, Bioman, Ultraman etc. Mga panahon kung saan kebs sa istorya ang mga bagets at ang inaabangan eh ang fighting scenes ng mga bida at kalaban.

Maskman ang todong sinubaybayan ko sa lahat. Sariwa pa sa aking alaala ang panonood namin nito ng ate ko. Favorite character ko Mary Rose o Pink Mask. Bukod sa pagiging longherada eh may palda kasi ang kanyang costume at mahabang laso ang powers niya. Gerl na gerl de vaaahhh!? Nagpabili pa nga ako ng laruan niya sa nanay ko habang namamalangke kami. Itinuro ko kay mudrakels ang fink plastic toy na nakasabit sa kanto ng Abra street, Muñoz malapit sa sakayan ng jeep. Siyempre may pilitan at paawa effect para bilhin.

Isa sa hindi ko makakalimutang episode nito eh 'yung lamunin ng lupa at nakulong sa bloke ng yelo ang jowawit ni Michael Joe (Red Mask). Witit kong matandaan ang namesung pero sa istorya eh kakambal niya ang kontrabidang si Prinsesa Igamu. Lagi kong inaabangan ang paglitas ng Maskman sa kanya na hindi ko naman napanood. Pa ul-ul kasi ang episodes nito at hindi yata naipalabas ang ending.

Ang isa sa mga kontrabidang hindi pwedeng mawala sa bawat labas eh si Okerampa. Siya ang nagpapalakas sa halimaw kapag ito'y nanghihina na. Agad naman itong susundan ng eksena kung saan magsasanib ang mga sasakyan ng Maskman para maging isang malaking robot.

Gusto ko ulit mapanood ang seryeng ito. Hahanap muna ako ng kumpletong kopya para 'di bitin.

11 comments:

  1. i swear nung bata pa ako ang tawag ko kay Okerampa ay Pukerampa... lol

    ReplyDelete
  2. si Rio yung nakulong sa bloke ng yelo. :)

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat sa pagpapaalala teh Anonymous October 22, 2011 10:37 PM :)

    ReplyDelete
  4. grabe teh...nku fan din nila ako...if i remember sinaulo pa nmin yung mga hand signs nila at pati theme song n tinagalog....;-p

    ReplyDelete
  5. sa dvd store sa greenhills may nag bebenta nito.. shaider, bioman, maskman, mask rider black etc. CS CENTRAL yata yun name ng store

    ReplyDelete
  6. hay, naka-relate ako... crush na crush ko si Papa Michael Joe :)

    ReplyDelete
  7. okerampa pala akala q nung bata pa aq PUKERAMBA pramis no joke yan

    ReplyDelete
  8. aq din teh ung gusto kong episode kung napanood mo ung Halamt ng pink mask na nkakapatay dun sa halaman na kalaban nag sacrifice xa khit peborit nya ung halaman na un

    ReplyDelete
  9. Naaalala ko pa nuon after ko manood ng shaider with may mga kalaro eh bigla kami lalabas ng haus at gagayahin mga fighting scenes. Kanya kanyang hanap ng sanga ng kahoy para gawing espada.

    ReplyDelete
  10. Si red mask sa totoong buhay ay nakapag asawa ng pilipina at dito sa pilipinas din tumira. may fb page yung asawa nya dun nakuha yung info. maidagdag ko lang pala alam nyo ba na si cynthia luster na dating action star dito sa atin ay si farra cat sa bioman sya yung purple na babae na kalaban ng mga bioman.

    set_

    ReplyDelete
  11. hay,,ang gusto ko magkatuluyan noon ay si mary rose at michael joe.. ay pramis, hangang ngaun kinikilig pa rin ako sa kanila, kahit hindi naganap ang love story nila... sayang talaga..

    ReplyDelete