Wednesday, November 14, 2012

Iniluwal

Kung may extrang yaman na madurukot, panonoorin ko ito...

Bentang benta sa akin ang mash up songs ni Ate Gay kung saan ang dalawang magkaibang kanta ay pinagsasama niya. Gusto ko rin ang brand of comedy niya. Wit niya kailangan mang-okray ng pisikal na anyo para tayo ay mapahalakhak. Tulad ko at nang iba sa inyo, isa siyang certified Noranian kaya mas nadagdagan ang paghanga ko. Kahit gasgas na, todong nakakaaliw pa rin kapag ginagaya niya ang famous line ni La Aunor sa pelikulang Himala.

Bilang suporta sa nalalapit niyang konsiyerto ay iniluwal niya ang The Door, ang kalalabas lang at mainit-init niyang kanta. Bonggang guest dito si Blank Tape at ang Sexbomb Girls. Na-miss ko naman bigla ang kanilang paggiling kaya sabay-sabay nating panoorin...

2 comments:

from downunder said...

I like Ate Gay sabi mo nga miski ng gasgas ang himala nya type ko parin at natatawa parin ako..isa sya sa mga type kong magpatawa hindi na kilangan maglait ng kapwa tao para lang mabili ang pagpapatawa nya...syan i'm not in the philippines type kung panoorin ang concert nya..
And btw more power sa blog mo miss melanie lagi akong nagbabasa keep it up...

Anonymous said...

Panonoorin ko si Ate Gay kasi naaaliw ako sa kaniya at dahil isa rin siyang Noranian na katulad ko. Bb. Melanie, gusto mo libre kita.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...