Muli na namang naimbitahan ang byuti ko sa
Philippine Fashion Week nitong October 28 courtesy of fashion designer
June Pugat. Katulad ng dati, ginanap ito sa
SMX Convention Center. Dahil na-trauma ako sa pagiging underdress last time, sinigurado kong hindi na mauulit 'yon kaya ilang linggo ko rin pinag-isipan kung ano ang bonggang susuotin ko. Bet ko sanang mag-
Michael Cinco o
Furne One kaya lang hindi ko alam kung paano gagawing katotohanan ang isang panaginip. Kaya dalawang araw bago ang event, napadpad ako sa kahabaan ng
Libertad para todong maghagilap sa mga ukay-ukay doon. Hulas ang byuti ko dahil wa me matype-an. Ride ako ng
LRT papuntang
Muñoz at muling naghanap ng blusang babagay sa aking alindog. Wit din successful. Nawalan ako ng pag-asa. Para akong mababaliw. Isa lang ang solusyon sa problema ko, ang injanin ang mga kasama ko pero nakatunog kaagad sila. Isang araw bago ang big event, nagpropose hindi ng engagement kundi ng hair and muk-ap sponsorship ang officemate ko na may ari ng
Salon 1310 na si
Rollie Openiano. Siya na daw bahala sa overhauling ko. Mukhang ayaw i-adya ng kapalaran na 'di ako pumunta kaya pagkatapos ng trabaho, go ako sa
The Platform sa
Galleria para bumili ng shu-es. Tagumpay dahil ang dating 1299 ay nabili ko lamang ng 199.
PAK!
Sinamahan ako ni
Jaycee (na dating si Shanelle dahil pa-men na siya ngayon) sa
Cubao para doon maghanap ng masusuot. Ang requirements ko sa aking isusuot ay dapat
(a) hapit sa hubog ng aking katawan,
(b) may sleeves,
(c) kulay itim at
(d) maiksi para kapag tumuwad ako, alam na.
CHOS! May isa akong nakitang
H&M pero mahigit 200 pesos.
MAHAAALLL!!! Dahil galing pa ako sa trabaho at naglamyerda pa sa Ortigas, hindi ko na kinaya ang mahalukay ng sangkaterbang damit. Malapit na akong gumive-up ng nakita ko ang blusang itim na mukhang babagay sa ganda ko. Swak sa budget ang presyo kaya paysung agad.
Dumating ang araw na pinakaaabangan. Wala pa akong accessories at bagelyang magagamit kaya maaga pa lang, nasa
Landmark na akez. Pikit mata kong binili ang silver hand bag worth 269.75. Nasa MRT na ako ng maalala kong hindi pala ako nakabili ng accessories kaya imbes na sa Buendia bumaba, sa Ayala station na lang. Buti na lang at may mga tindahan doon kaya nakabili ako. As usual may tawaran portion. At sa halagang 190, may hikaw at dalawang bangles na akez. Heto na ang mga picas. Pwede kayong matakot bilang katatapos lang ng Undas hehehe...
|
Make-up with Rollie (09274354337) |
|
Blusang itim sa labas, Darna sa loob. |
|
With Shanelle and Mike |
|
Hala pose lang! Blurred tuloy! 'Yung isang fes pina-blur talaga for security purposes. Meganun!?! |
|
More chika sa labas |
|
Feel na feel ang shu-es |
|
June Pugat collection for PFW SS 2013 |
|
Bongga kasi hand-painted ang designs niya. Effort! |
Around 7 PM natapos ang
Grand Allure. My friends and I decided to witness
Menswear din pero 9:30 pa yun so laps muna kami sa
Wendy's. Palabas pa lang kami ng SMX ng mag-request ako sa kanila na maupo muna. Sakit na sakit na ang tiil ko. Parang puputok na ang mga ugat. After 10 minutes eh umokay naman na. Sa
SM Department Store kami dumaan.
JUICE KOH! Ang liwa-liwanag doon. Maaaninag ng husto si Darna na tinatago ko sa loob ng sheer dress. Umalma ako pero 4:1 ang ratio kaya nilunok kong lahat ng hiya, diretso ang tingin habang naglalakad sa loob. Nakalabas din naman ng maayos. Around 8 na ng bumalik kami sa SMX. Box-office ang pila pero 'di pa nagpapapasok kaya tambay muna kami sa gilid ng gigantic karatula. Eksaktong 9:30 ng magpapasok sila. Pinapasok muna namin ang karamihan. Salamat naman at nakaupo pa kami ng friends ko.
|
Kinukumpuni ang nalaglag na hikaw habang... |
|
...pinapahinga ang paa! |
|
Thank you daw sa suporta sa Philippine Fashion Week |
|
Walang kupas sa kasarapan si fafah Brent! |
|
Jiro Shirakawa |
|
Fafah Daniel Matsunaga |
|
June Macasaet |
|
Laxie Villar. AMPOGI! |
|
Christian 'di ko matandaan ang last name Lagi ko siyang nakakasabay sa MRT with his famous bangs |
|
'Di ko maalala ang name kahit palagi kaming may pic sa Cosmo Bash |
|
Hooongkyut niya |
|
This is it pansit! |
|
Ganda ng polo |
|
Sa polo talaga ako nakatingin. Promise! |
|
Summer na summer ang dating |
|
Futuristic and formal |
|
I love the color pallete |
|
Cute ng color combination |
|
Hindi lang ako ang naka-sheer |
|
Bet ko naman sumayaw ng 'There's A Kind of Hush' sa suot nila |
|
Big sleeves |
|
I like this collection |
|
Tayong tayo naman sila |
|
Uy! Si Christian Bautista oh! |
|
Akbayan mo niyo rin akiz |
Batian portion: Thank you so much to
June Pugat for the invites. To
Mike and
Julius Jaguio | Yamashita for the photos. To
Rollie Openiano of
Salon 1310 for enhancing my beauty. You can contact him at
09274354337.
..Beautiful na beautiful talaga ang ateh ko bah..perfect ang aura at outfit..like..like..like...
ReplyDeleteThat's Christian dela Cruz & the guy you had a Cosmo Bash pic with is James Zablan.
ReplyDeleteNako teh more than the fekchures, mas naaliw akiz sa struggles that uv been through to achieve that perfect look for the night . Bellissima! Solamente de la Casa Domecq
ReplyDelete*Juan Uwagan*
Buti hindi dumungaw ung "jun-jun" mo nung pumarada na ung mga ohms
ReplyDeleteGanda mng suot ha!
ReplyDeleteNatawa naman na sa liwanag kayo dumaan sa sm haha.
eksaheradaaaaa(Vice Ganda tone) sa ganda ang bonggang pitak mo ngayon teh.... ikaw na ang bagong Bryanboy ng madlang pipol. nawa'y bumongga pa ng todo ang blog mo at mapansin ni Tyra Banks! Pak!
ReplyDelete-Nagmamahalimuyak
-Teh Anonymous November 5, 2012 4:54 PM, maraming salamat at nagandahan ka hehehe
ReplyDelete-Teh Jeff, thanks so much for naming them :)
-Teh Juan Uwagan, achib na achib de vaahhh?!
-Teh Anonymous November 6, 2012 1:02 AM, behave naman si jun-jun that night :D
-Teh Mac Callister, tinapangang ko talaga ang fes ko. Sabi ko sa isip ko "kaya ko 'to... kaya ko 'to..."
-Teh Nagmamahalimuyak, high-end masyado 'yan si Manay Tyra. Kay ateng Wilma Doesnt muna :D
Gsto kong magng freds si shanelle heh
ReplyDeleteAng ganda ng overall look mo teh! Spending without breaking the bank, ika nga. At panalo ang shoesay! 199 lang for those platforms? OMG! Makapunta nga. (Ano nga pa lang shoe size mo teh?)
ReplyDeleteAt teh! Huwag na manghinayang sa 200 na H&M, dahil wala pang mabibiling ganyan dito! Hehe :)
Nakita kita sa event. Nandun ako... Nagdalawang isip ako na ikaw un kasi iba ang aura mo :D hehe... Papapicture sana ako, pero nakakahiya..ehe.. pero ganun pa man, meron kang picture sa akin..nasa bakground ka :D ehehe
ReplyDeletesarap nman ni shanelle..hehehe
ReplyDelete