Busy as a bee ang ng lolah niyo mga ateng. Knowsline niyo na siguro na sumakabilang bansa na ang trabaho ko sa
Makati kaya andaless ako ngayon. Pero 'wag ka, mas naging expensive pa yata ang lifestyle kez kung kelan nawalan ng work. Kaya naman after 5 days of pagpapatambok ng keps, sugod ako sa bonggang
The Fort para mag-apply sa isang bangko. Hindi
BDO, East West o
BPI. Basta bangko sa isteyts.
Pagkapasa ng resume, salang agad sa typing and aptitude test. Sisiw ang typing test pero sa aptitude exam, unang tanong pa lang, todong nahilo na ako. Fraction ba naman ang itanong eh huminto ang utak ko sa Math nung pagdating sa Division.
AMP! After ilang minuto, tinawag ako ng exam coordinator para sabihing nakapasa ako. Akalain mo 'yun! After 1 hour daw eh may language assessment akiz. Owkay! Labas ako ng building. Wala akong makitang mapagtambayan. Parang ang lungkot pala sa The Fort. Sa
711 na lang ako kumain tapos bumalik na ako agad para ituloy ang application.
Interview over the phone. Answer the following question of the language assessor. Kahit mag-isa lang sa room, todo straight body ako habang kumukuda sa phone. Parang interview portion ng Miss Universe. Kung anu-anong pintas ang inabot ng Ingles ko. Kesyo may problem sa TH pronounciation eklat. So expect ko na pauuwin akez. Aba! Inendorse pa ako for HR interview. After 2 hours! Kaloka! Kanina 1 hour ngayon 2 hours. Baka sa susunod 3 hours na. Walkout ang nahita nila. Tsaka ayaw ko din sa lugar. Ang layo from the City of Stars. Pagdating sa bahay, tinawagan ako sa phone. Bakit daw ako hindi sumipot? Sinabi ko ang dahilan at 'wag ka, in Tagalog na. Nainis ang caller. Siyempre application daw 'yun so ganun talaga sabay tanong:
"Would you still want to continue your application?"
"Ay! Thank you na lang!"
Binagsakan ako ng phone!
Kinagabihan, nakatanggap ako ng text inviting me to apply at their company located in
Quezon Ave. Ang lapit lang! Pwede pa akong mag-sideline sa gabi.
CHAREEENG! Kaya pagkagising kinabukasan, ni-ready ko na lahat ng dapat i-ready. In 20 minutes, andun na ako agad. Test agad. Puro computer-related questions. May alam ako pero 'di kalaliman. Tapos may
Versant pa. Para sa inyong kaalaman, exam 'yan over the phone at ite-test kung paano kayo magsalita at sasagot in Inglish.
OMG! Eh may problema nga daw ako de vaaahhhh?! Kebs! Ituloy ko na lang. Bahala na si Batman. Tumuloy ang byuti ko sa initial interview. Bet akez ng interviewer. May strong personality daw ako at napaka-straight forward sumagot. Ganun talaga kapag ang motto mo sa layf ay
"love is like a rosary, full of mystery" ECHOS! Naniniwala kasi ako na dapat wag na magpatumpik-tumpik pa. Deretsahan na. After deliberation and eklavation, pinapakuha na akez ng requirements. Wait na lang daw ako next week para sa job offer.
HUWAW! Kung fail nung isang araw, winner naman ngayon.
PAK! Wish ko lang tuloy-tuloy na itech. Nakakapagod kayang mag-apply.
Balitaan ko kayo sa mga susunod na ganap.
Good luck Ms. Melanie.
ReplyDeleteAte Mel,
ReplyDeleteApply ka sa vxi. Sa may Munoz un.
Gelo.
good luck ms. melanie :)
ReplyDeleteMaraming salamat mga 'teh :)
ReplyDeletecge balitaan mo kami ms melanie huh kung ano na update ng application mo...panu yan baka mawalan ka na ng time d2 sa blog mo..
ReplyDeleteang vongga na iyong jobhunting saga! gujab! say "thy womb", ooops ayusin ang th.. hahaha
ReplyDeleteNagmamahalimuyak
Gowra lang nang gowra!!! I am so happy for you.
ReplyDeletebkit naman teh dka gomoralets sa taguig sayang naman we might meet here cuz im currently based in taguig well anyway guess mas bet na bet mo ang malapets..sabagay kahit aq prang feel q na din ang mas malapet...haiz!!!
ReplyDeletems melanie ano po ung call center na applayan mo sa d fort? chase ba or bofa?
ReplyDeletewoah!!! my idol i always wanted to look after you!!! woah!!!
ReplyDeleteAnong account mo ms. Melanie, inbound sales rep. Po b?
ReplyDelete